Chapter 3

70 0 0
                                    

Angel

Paris, France

6 months later...

"Knock! Knock! Gie!" rinig kong sigaw ng aking kaibigan na si Paris sa pinto ng aking condo ng sobrang aga. Ginamit niya pa talaga ang nickname na binigay niya sa akin.

Nag-aayos ako ngayon ng aking gamit dahil kalilipat ko lamang sa bago kong condominium na nabili ko rito sa Paris kamakailan lamang. It's been six months since I've moved here, and until now I am still adjusting the Paris life. Simula kasi noong umalis ako sa Italy ay nagpaalam ako sa aking ama pero hindi ko sinabi sa kanya kung saan ako pupunta.

Alam kong nag-aalala siya para sa akin pero palagi ko na lang siyang tinatawagan upang hindi na siya mag-isip na hanapin ako. Ang tanging sinabi ko sa kanya bago ako umalis ay gusto kong magbagong buhay sa isang lugar na tahimik at Paris, France agad ang pumasok sa aking isip noong mga oras na iyon. Siguro para sa akin ay hassle free ang buhay at walang makakikilala sa akin dito lalo na sa pagbabagong buhay na aking tinutukoy.

Ilinapag ko ang huling kahon na aking dala sabay tumungo sa aking pinto na nagpupunas ng aking pawis. Pinagbuksan ko ang maingay kong kaibigan na kulang na lang ay gibain ang aking pinto. Pagbukas ko ay agad siyang pumasok na hindi man lang ako tinatanong kung papapasukin ko ba siya.

"Geez, bakit ba ang tagal mong pagbuksan ako ng pinto?" Inikotan ko lang siya ng aking mga mata at saka nagtungo sa aking kusina para kumuha ng makakain. "Alam mo ba na may kapitbahay kang gwapo riyan kaso mukha yatang suplado. Hindi man lang namamansin." Sumimangot siyang parang bata.

Si Paris ay naging instant friend ko noong unang araw ko rito sa Paris. Paano ba naman kasi nagkasabay kaming lumipad mula sa Italy papunta rito. Ayon sa kanya ay naka-petition na siyang pumunta rito dapat noong huling taon pa. Ang kaso ay may mga inasikaso pa kasi siya kaya naman medyo natagalan ang pagpunta niya rito sa Paris.

Naalala ko pa nga noon na halos umiyak siya noon sa buong byahe papunta rito sa Paris dahil iniwan niya raw iyong taong nagpalaki sa kanya. Malungkot siya na maaaring hindi niya na raw makita muli ang kanyang yaya dahil dito na nga raw siya sa Paris titira. Ang nakatutuwa lang sa kanya ay parehas kaming pinoy, kalog siya, open book siya at kapangalan niya pa iyong bansa na napili ko kaya naman nakagaanan ko siya agad ng loob.

"Gumagana nanaman iyang kalandian mo Paris. Alalahanin mo na may nobyo ka na sinagot mo noong huling buwan lamang. Pagkatapos ngayon ay kung saan-saan nanaman lumilipad iyang mga mata mo. Gusto mo bang isumbong kita kay Tristan?" Pangaral ko sa kanya at inikotan naman niya ako ng kanyang mga mata.

"You're no fun," reklamo niya. "Bakit masama bang humanga lang sa mga gwapo na nandito?"

"Hindi masama ang humanga pero ang masama ay pinagnanasahan mo na iyong tao. Tss. Malanjutay ka rin e." She stomped her feet like she's a small kid that didn't get what she wants.

"Tse!" sigaw niya sa akin.

"Ano nga ulit ang ginagawa mo rito at ang aga-aga ay nambubulabog ka? Nakikita mo naman na nag-aayos pa ako dahil kalilipat ko lang o." Pag-iiba ko sa usapan at humila siya ng upuan sabay inagaw niya sa akin ang hawak kong Mocha cake.

"Buti naman at natanong mo. Nandito ako kasi sabi ni Tristan na nai-promote siya bilang Senior Editor-in-Chief sa kompanya nila at gusto niya na mag-celebrate mamaya. Treat daw niya iyong dinner mamayang gabi at sinabi niya na imbitahin ko raw lahat ng mga kaibigan ko." Tinaasan ko naman siya ng kilay sabay inagaw pabalik ang mocha cake na hawak niya.

"Let me guess. Ako lang ang friend na kilala mo kaya iniistorbo mo ako ng ganitong oras?" Guilty siyang ngumiti dahil tama nanaman ako sa aking hula.

Anim na buwan ko pa lang siyang kilala ay kuhang-kuha ko na ang ugali niya. Hindi naman kasi siya iyong tipo ng tao na maraming tinatagong sikreto na tulad ko. Linunok ko iyong kinakain ko at saka linapag sa mesa ang hawak kong Mocha.

"Fine." Impit siyang napasigaw at agad na yumakap sa akin pero agad ko siyang tinulak dahil naiirita ako tuwing yinayakap niya ako.

"Yehey!" masayang sambit niya. "I will meet you later at exactly eight in the evening. Thank you so much. Anyway, I need to go. Baka kasi ma-late pa ako sa work ko at pagalitan nanaman ako ng aking boss. Toodles." Kaway niya sa akin at lumabas na ng aking condo.

Paglabas ni Paris sa aking condo ay tinuloy ko na lang muna ang mag-ayos ng aking mga gamit. Habang isa-isa kong linalabas ang mga gamit sa kahon ay may isang kwadrado ang nakakuha sa akin ng pansin. Kinuha ko ito at napangiti ako na pati pala itong litrato namin ng aking kambal ay nakuha ko noong naghakot ako noon ng aking mga gamit.

Hinaplos ko ang kanyang mukha at hanggang ngayon naaalala ko pa rin iyong araw na nagpaalam ako sa kanya. Kung sakaling nandito siya ay sigurado ako na isasama ko ulit siya sa aking mga adventure. Isinantabi ko na lang muna ang litrato naming dalawa at saka isinabit ko ang ilan kong mga damit na kinuha ko.

Habang naglalagay ako ng mga damit sa mga hanger ay biglang tumunog ang aking cellphone at pagtingin ko ay nagtataka ako kung bakit tumatawag sa akin ang aking boss. Hindi ko na lamang ito sinagot dahil matagal naman na akong wala sa trabaho. Simula kasi noong namatay ang aking kapatid at ang nangyaring assassination sa Spain ay nagbitiw na ako sa aking tungkulin bilang assassin.

Ipinangako ko sa aking sarili na hinding-hindi na ako muling hahawak pa ng baril. Tuwing ginagawa ko lamang ito ay naaalala ko lang ang ginawa kong kapabayaan noon at ayaw ko nang maulit iyon. Kaya naman nagpakalayo-layo ako upang magkaroon ako ng bagong buhay at makalimutan ko na ang aking nakaraan.

Pagsapit ng gabi ay nakahanda na ako at hinihintay ko na lang na i-pick-up ako nila Paris. Habang inaayos ko ang aking buhok ay tumingin akong muli sa aking salamin bago ako nakarinig ng busina sa labas ng gusali. Agad akong sumilip sa aking bintana at nakita kong kumakaway na sa akin si Paris kasama ang kanyang nobyo na si Tristan.

Sumenyas ako na bababa na ako at agad ko namang kinuha ang aking shoulder bag at isinukbit ito. Bago ako lumabas ay muli kong tinignan ang aking sarili sa salamin at huminga ng malalim sabay lumabas na ng aking pinto. Pagbaba ko ay yinakap ko si Paris at binigyan naman ako ng halik sa pisngi ni Tristan sabay sumakay na sa kanyang kotse.

"Are you ready for tonight?" tanong ni Paris sa akin at medyo nagtaka ako sa tinginan nilang dalawa ni Tristan.

"Well, dinner lang naman ang pupuntahan natin kaya kung tinatanong mo kung ready na ako ay oo naman dahil gutom na ako." Nagtinginan sila ulit na dalawa at ramdam ko na may tinatago silang dalawa sa akin.

Sinimulan nang imaneho ni Tristan ang kanyang sasakyan at isinawalang bahala ko na lang ang aking pagdududa. Ilang minutong byahe lang naman dahil medyo malapit lang pala ang pupuntahan namin. Ang kaso pagtingin ko sa aking kaliwa ay napamaang ako dahil imbes na resto ang aking nakikita ay isa itong bar.

"Paris, w—" Hinila na lang niya ako pababa ng kotse palapit sa mismong entrada ng bar.

Inis akong napatingin sa kanya at hindi ko maiwasan ang taasan siya ng kilay. Ang tingin ko sa kanya ay para bang sinasabi na ipaliwanag niya sa akin kung bakit ako nakatayo sa harapan ng isang bar. Hindi lang basta bar dahil isa itong Elite bar.

"Okay, fine." Napailing ako sa kanya. "I'm sorry that I've tricked you into coming into a bar. Alam ko kasi na ayaw na ayaw mong pumupunta sa mga ganitong lugar dahil maingay, maraming tao at magulo. Ang kaso ay ikaw lang naman ang kaibigan ko na pwede kong isama dahil kasama ni Tristan ang co-workmates niya at siguradong out of place ako."

"You should have told me." Lumabi siya at saka nag-beautiful eyes pa siya sa akin.

"Sorry na. This will be the first and last time na isasama kita sa bar. Samahan mo lang ako ngayong gabi, please?" Pakiusap niya at huminga ako ng malalim dahil wala naman na akong magagawa.

Kaya naman tumango na lang ako at nagtatatalon na siya sa tuwa at mabilis akong hinila papasok sa loob ng bar. Hays. Ano ba ang kinababahala ko? I should enjoy myself since I'm here in Paris. Nothing bad is going to happen to me for going to a bar, right?

The Double Life of Angel Nebrez (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon