Chapter 28

32 0 0
                                    

Angel

Pagkatapos nang gabi na iyon ay isang buwan na siyang hindi nagparamdam sa akin. Hindi ko naman kailangang manghingi ng atensyon sa kanya dahil kung tutuusin ay hindi naman kami. Magkaibigan lang kami at minsan ang mga kaibigan ay hindi nagkakaroon ng communication sa isa't isa kahit ilang araw pa pero nananatili pa rin silang magkaibigan kahit ano'ng mangyari. Nakahiga ako ngayon sa aking sofa at nakatitig sa aking kisame nang madatnan ako ni Lucinda sa ganoong posisyon.

"Angeline, please tell me you are not thinking about my brother again." tanong niya at dumiretso siya sa kusina para i-ayos ang kanyang mga gamit.

Napaupo ako at natutuwa ako kay Lucinda dahil isang buwan lang siyang tinuruan ni Paris ng mga kailangan niyang gawin bilang isang normal na tao ay nagawa na niya agad. Marunong na siya sa mga gawaing bahay, marunong na siyang mag-commute at mag-grocery ng mag-isa. Madalas na rin silang lumabas ni Paris at hindi ko alam kung gumawa na sila ng agenda para hanapan ako ng ibang lalaki maliban kay Lucifer.

"Angeline!" sigaw niya dahil mukhang kanina niya pa yata ako tinatawag. Narinig ko siyang nagbuga ng hangin sabay umupo sa aking tabi. "You need to get a life friend. Simula noong gabi na nagkita kayo ni kuya ay wala ka nang ginawa kundi ang magmukmok dito."

"Hindi naman sa wala akong buhay pero hindi lang ako iyong tao na palalabas." Nagbuga siya ng hangin.

"Okay. Kung gusto mo talagang malaman kung ano na ang nangyayari ngayon kay kuya ay nasa London siya. He's been staying there for almost a month now because of the expansion of his business. Isa pa walang girlfriend si kuya dahil hindi siya mahilig sa babae kaya minsan naiisip ko ay bakla siya." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Although, may naididikit na pangalan sa kanya na girl lately, and she's a business partner. Kaya wala kang dapat na ipag-alala, okay?" Agad akong napatingin sa kanya ng seryoso. "Alam ko ang iniisip mo at ang sagot ko ay hindi."

"Lucinda..." Tumayo siya at sinundan ko naman siyang pumasok sa aming kwarto para magpalit.

"Angeline, no., Okay?" sabi niya habang nagtatanggal ng kanyang pants. "Masyado mo nang pinapabayaan ang sarili mo sa kaiisip kay kuya at hindi healthy iyan. Ayaw kong maging harsh sa iyo friend pero sinabi ni kuya sa iyo na wala siyang nararamdaman para sa iyo. It's been almost three months. You need to move on and find a better guy than my brother. As much as I want you to be my sister-in-law, that is far from happening already. My brother is an asshole, and he's a douchebag."

Napatungo naman ako at para akong maluluha kaya lumabas ako ng kwarto namin at narinig ko na napahinga ng malalim si Lucinda. Pag-upo ko sa sofa namin ay pinahid ko ang aking luha at naramdaman ko naman na umupo sa aking tabi si Lucinda sabay hinaplos niya na ang aking likod para tumahan ako sa kaiiyak.

"Friend, I'm sorry if I said those words." Umiling naman ako.

"No, you're right. Sinubukan ko naman na kalimutan ang kuya mo e. Lumalabas ako sa gabi kapag tulog ka na para kahit papaano ay makalimot. Pero palagi ko lang siyang naiisip at sa mga nagdaang mga araw ay mas lalo ko lang siyang nami-miss. Call me obsess, but I am totally in love with him. Ano'ng gagawin ko, Lucinda? I just want to see him for the last time, please." Napapikit ng mariin si Lucinda at tumango siya na aking ikinangiti kahit papaano.

"Fine. Willing akong samahan ka sa London pero kailangan mong ipangako sa akin na iyon na ang huling beses na magpapaka-tanga ka kay kuya. Ayaw kong umabot sa point na mamimili ako sa inyong dalawa dahil kahit galit na galit ako sa kanya ay kapatid ko pa rin siya at kaibigan kita. You have to ask him one more time if you have a chance with him, and if he said no, then move on already. Okay?" Tumango ako ng mabilis at yinakap siya ng sobrang higpit.

The Double Life of Angel Nebrez (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon