Chapter 34

26 0 0
                                    

Angel

Pagdating namin sa elevator ng condo ay ramdam ko na ang pagiging awkward sa akin ni Lucinda at ramdam ko na naiinis siya sa akin. Pagpasok namin sa aking condo ay agad siyang dumiretso sa kwarto at nakaramdam naman ako ng guilt kaya sinundan ko siya. Binuksan ko iyong pinto at sumilip at nakita kong nagpapalit na siya ng kanyang damit pambahay.

"Lucinda? Are you angry?" tanong ko at sinuot niya ang kanyang damit sabay napatingin sa akin at huminga siya ng malalim.

Hinila niya ako at sabay kaming umupo sa ibabaw ng kama. "No. Hindi naman ako galit pero siguro may kunting inis lang. Hindi ko kasi alam kung bakit pinagbabawalan mo ako na makipagrelasyon sa kanya? You are already judging him base from his looks."

"Look, pasensya ka na kung nakialam ako sa date ninyong dalawa ni Clark kanina. Hindi ko naman sinasabi na bawal kang makipagrelasyon pero para na kitang kapatid at ayaw kong mapahamak ka. Alam ko na hindi ko siya kilala ng lubusan dahil ngayon ko lang naman siya nakilala pero hindi ko kasi alam kung siya iyong lalaki para sa iyo? Hindi naman sa nagyayabang ako pero agad ko kasing nalalaman kung masama ang isang tao base sa itsura at galaw nila.

"May sikreto siya na alam kong maaaring maglagay sa iyo sa kapahamakan oras na ituloy mo ang makipagrelasyon sa kanya. Pero kung talagang may gusto ka na sa kanya ay hindi naman kita pipigilan..." Lumiwanag ang mukha niya at umangat ang kanyang tingin sa akin. "...pero nakikiusap ako oras na may mapansin kang kakaiba kahit maliit lang na bagay ay please please please lang iwasan mo na siya at sabihin mo sa akin agad."

"I promise. Kahit na maliit na bagay lang ay sasabihan kita agad." Napangiti ako at agad naman niya akong yinakap agad ng mahigpit.

"So? You were about to do something nasty in that building, weren't you?" tanong ko at hindi naman niya ito tinanggi.

"Dumating ka kasi kaya syempre save by the bell iyong moment namin pero ayos lang dahil may next time pa naman." Nagtawanan na lang kaming dalawa sa kalandiang pinag-uusapan namin.

Nang sumunod na mga linggo ay naging abala si Lucifer sa kanyang trabaho kaya halos hindi niya maisingit sa kanyang schedule iyong mga date namin. Hindi naman ako nagrereklamo dahil kailangan din naming ma-miss ang isa't isa. Si Lucinda ay patuloy pa rin na nakikipagkita kay Clark at kahit ayaw ko sa lalaking iyon ay wala pa naman siyang ginagawa na ikakapahamak ng aking kaibigan.

Siguraduhin lang niya na ligtas si Lucinda kundi ay ako talaga ang makakalaban ng taong iyon. Siguro ay talagang nainlababo na rin si Lucinda dahil napapansin ko nitong mga nakaraan ay blooming siya. Habang nakahiga ako sa sofa at nanunuod ng sine ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Lucifer at nag-aya siya ng dinner mamaya.

Napapangiti naman akong nag-reply sa kanya nang maabutan ako nina Lucinda at Paris sa gano'ng lagay. May mga dala silang mga grocery at mukhang nag-shopping pa ang dalawa na aking ikinakunot ng aking noo. Agad naman akong napabangon sa aking pagkakahiga at sinundan sila nang pumunta sila sa aking kusina.

"Nag-shopping kayo ng hindi niyo man lang ako sinama?" pagmamaktol na tanong ko sa kanilang dalawa.

"Oh, don't be jealous dear. Wala rin sa plano namin ang mag-shopping ng magkasama," sabi ni Paris habang umiinom ng binili niyang milktea. "Nagkataon kasi na hindi kami sinipot ng mga boyfriend namin at para mawala ang inis namin ay pumunta kami ng mall ng hiwalay. Saktong nagkita kami habang nasa loob ng mall kaya naisipan naming mag-shopping na lang para mawala iyong inis namin."

Napatango-tango naman ako. "Don't worry because we bought something that you would like."

May linabas si Lucinda na damit na kulay violet at strapless sabay above the knee ito. Napasinghap ako sa sobrang ganda ng damit na kahit sobrang simple lang nito ay sobrang ganda ng kulay nito na lila. Agad ko itong pinatong sa aking katawan at sobrang ganda rin ng tela nito.

The Double Life of Angel Nebrez (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon