Chapter 29

29 0 0
                                    

Angel

Nang magbukas ang pinto nito ay napalingon sa aming dalawa ang mga tao na nasa loob kung saan ay nasa lima yata ang nandito kasama na roon si Lucifer. May tatlong lalaki na medyo mas matanda siguro kay Lucifer ng limang taon at may nag-iisang babae na parang ka-edaran lang namin. Mga bagong mukha ang aking nakita at nakita ko naman na gulat na napatingin sa amin si Lucifer.

"Lucinda. What the hell are you doing here?" sabi ni Lucifer na may diin sa bawat salita sabay tayo at inayos niya ang kanyang coat. Naririnig ko na nagtatalo silang dalawa dahil sa hindi pagkatok ni Lucinda.

Agad naman akong nahiya sa kanya kaya napatungo ako nang mapatingin ako sa isang sapatos ng babae. Sa dulo ng kanyang heels ay nakita ko na parang may umuusling kutsilyo rito na maliit na hindi ko alam kung para saan. Nang mapatingin ako sa kanya ay nahuli ko na nakatingin din siya sa akin at agad niyang iniwas ang kanyang tingin sa akin.

Alam ko na alam niyang may nakita ako sa kanyang sapatos at nang tignan ko ang mga kalalakihan ay doon ko napansin na may tattoo sa kanilang kanang kamay sa bandang likuran ng kanilang palad. Parehas na parehas ito sa tattoo ni Clark kung saan ay isa itong black widow na gagamba. Nakatingin silang lahat sa amin nang mapatingin ako sa pader ng opisina ni Lucifer nang mapansin ko na na may parang may kumikinang.

Napatingin ako sa malaking glass ni Lucifer at agad na hinanap ng aking mga mata ang kung sino man na nakatutok ang kanyang rifle sa banda namin. Pagtingin ko sa mga kalalakihan ay alam nilang may alam ako kaya agad akong tumakbo palapit kay Lucifer at iniwas siya sa nagtatangkang pumatay sa kanya. Doon namin narinig ang malakas na tunog ng pagkasira ng malaking glass ni Lucifer kasabay ng pagpasok ng bala sa kanyang opisina.

Narinig ko na nagsimulang sumigaw si Lucinda at nakita ko na dali-daling tumayo ang mga kalalakihan pati na ang kasama nilang babae at mabilis silang lumabas ng opisina ni Lucifer. Akmang susundan ko sila ay nagpatuloy ang sunud-sunod na pagputok ng baril sa amin kaya mabilis ko namang hinarang ang aking katawan kay Lucifer habang nagtatago naman si Lucinda sa ilalim ng mesa ng kanyang kapatid. Nang matapos ang pagbabaril ay tumayo ako upang sundan sila pero agad kong tinignan kung ayos lang ba ang lagay ni Lucifer.

Agad akong nagpatawag ng pulis sa sekretarya niya at doon ko napansin na wala na itong buhay. Ako ang tumawag ng pulis at tinignan kung ayos lang ba ang kalagayan ni Lucinda. Mukhang ayos naman siya pero umiiyak siya dahil sa takot na baka may bumaril sa amin. Makalipas ang ilang minuto ay dumating ang mga pulis at ambulansya upang tignan kung may mga buhay pa sa mga empleyado ni Lucifer.

Nasa stasyon kami ngayon ng pulis upang kuhanan kami ng statement sa nangyaring pamamaril kanina. Tahimik lang ang magkapatid at nakatunganga lang si Lucinda sa kawalan habang si Lucifer naman ay nag-iisip ng sobrang lalim. Maya-maya ay lumabas na ang isa sa mga pulis at sinabi niya na pwede na raw kaming umuwi at itutuloy daw nila ang imbestigasyon tungkol sa nangyari kanina. Paglabas namin ng stasyon ay doon na yata nahimasmasan ang dalawang magkapatid at agad naman akong yinakap ni Lucinda.

"I came here as fast as I could." Napalingon kami kay Earl at agad na lumapit kay Lucifer.

Nang makita ni Earl si Lucinda ay agad niyang yinakap ito at umiyak naman si Lucinda sa kanyang kuya. Iniwan ko muna silang dalawa at lumapit ako kay Lucifer nang mapatingin siya sa akin.

"Thanks for saving my life again," sabi niya.

"Wala iyon." Napahilot siya sa kanyang sintido at napatingin kaming dalawa sa kanila Earl nang lumapit sila sa amin.

"Hindi mo man lang alam na masasamang tao pala iyong mga iyon tapos inertentain mo sila?" tanong ni Earl.

Habang nag-uusap ang dalawa ay bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking tagiliran at nag-uumpisa na akong mahilo. Nang ilapat ko ang aking kamay sa aking kanang baywang ay doon ko nakita ang dugo. Marahil ay dahil sa adrenaline kanina kaya hindi ko naramdaman ang hapdi nito at ngayon na bumalik na sa normal ang lahat ay ngayon ko lang ito nararamdaman. Napahawak ako bigla kay Lucinda at nagsisimula na akong mawalan ng ulirat.

The Double Life of Angel Nebrez (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon