Angel
Nang maihatid ako ni Lucinda sa aking tinitirhang condo ay agad akong nagpasalamat sa kanya at nagpaalam na rin. Papasok na sana ako sa gusali nang bigla kong marinig ang aking pangalan at bumalik naman ang sinasakyan niyang kotse.
"I forgot to get your number. Since parehas naman tayong mag-s-stay dito sa Paris ay mas maganda kung lumabas naman tayo minsan?" Tumango naman ako at linabas ko ang aking cellphone sabay binigay sa kanya ang aking number.
Nang makuha ko ito ay agad siyang nagpaalam sa akin at kumaway pa sa akin habang nakalabas ang kalahati ng kanyang katawan. Napailing na lamang ako sa kanya habang kumakaway din ako sa kanya. Naalala ko nga pala na kailangan ko pa lang ipaalam sa aking ama na nakarating na ako para hindi nanaman siya mag-alala sa akin.
Dumiretso na ako sa aking condo upang magpahinga dahil malayo rin ang aking binyahe at hindi rin ako nakakuha ng tulog dahil sa kadaldalan ng aking katabi. Pagpasok ko ay agad akong dumiretso sa aking kwarto at pabagsak na humiga sa aking kama. Pagpikit ko ay agad na akong hinila ng antok at nang lumaon ay nakatulog na ako.
Maya-maya ay bigla akong nagising sa tunog ng aking cellphone at pagtingin ko sa labas ay mukhang gabi na dahil wala na akong makitang araw sa labas. Nahilot ko ang aking ulo sabay bumangon at kinuha ang aking cellphone sa aking bag. Binuksan ko na rin ang aking ilaw sabay nakita na tumatawag ang aking ama sa akin.
"Hello, Dad?"
"How are you, child? Nakarating ka na ba?"
"I'm fine. Didn't you receive my text?" Tumayo ako sabay pumunta sa aking kusina upang kumuha ng maiinom.
"I did. Gusto lang sana kitang tawagan para kumustahin ka."
"Dad, I told you I'll be fine. Isa pa kagigising ko lang dahil medyo inaantok pa ako at hindi ako nakakuha ng tulog kanina sa byahe." Sabay inom ko ng tubig.
"Why?"
"Well, there was this girl beside me who keeps on talking. Not that I'm complaining because she was a great company. Sa kadaldalan niya ay hindi na ako nakakuha pa ng tulog kaya bumabawi ako." Napangiti naman ako nang maalala ko iyong mga kwento niyang nakatatawa. Naalala ko tuloy ang kambal ko sa kanya dahil katulad niya ay sobrang daldal din niya.
"I see. Well, I don't want to disturb you more. Just called to see if you were fine. I have to go. Take care there, child."
"I will. Bye, Dad." Pinatay ko na ang tawag sabay inisang lagok iyong tubig na aking kinuha.
Sa sumunod na araw ay abala akong nagliligpit ng iba ko pang gamit at inaayos ang ayos ng aking condo nang makarinig ako ng doorbell sa aking pinto. Sigurado ako na si Paris nanaman ito dahil sinabi ko sa kanya kagabi na nakarating na ako rito sa France. Pagkarinig niya nito ay binalak niya pang pumunta rito sa aking condo pero pinigilan ko lamang siya dahil sinabi kong napagod ako sa byahe at kailangan kong magpahinga.
Pabukas ko ng pinto ay tama nga ang aking hinala dahil mukha niya agad ang bumungad sa akin. May pinakita siyang mga paper bag sa akin at dumiretso na siyang pumasok sa aking kusina. Ilinabas niya ang kanyang mga pinamili at bigla naman akong natakam dahil hindi pa pala ako kumakain ng almusal.
"So? How's Italy?" tanong habang linilipat ang mocha cake na kanyang binili.
"Just fine. Just the usual. You?" tanong ko sabay tumusok na ng isang piraso ng mocha cake sabay subo ito.
Napangiti siya sa akin sabay parang excited na may linabas sa kanyang bag at pinakita ito sa akin. Nagtataka naman akong napatingin sa dalawang rektanggulong ticket na hawak niya at tinanong siya kung para saan ito.
BINABASA MO ANG
The Double Life of Angel Nebrez (Completed)
RomansaWarning SPG R-18 During one of the missions of Angel Nebrez, she accidentally killed an innocent civilian. At the same time, she learns that her sister also gave up fighting for her life. She was scared and at the same time she is in pain, so she de...