Angel
Habang nagp-play ang song na 'Marry Me' by train ay dahan-dahang naglalakad palapit sa akin si Lucifer at nang makalapit siya sa akin ay binigay niya sa akin ang bouquet of flowers.
"Angel Nebrez, will you please marry me tonight in this mall?" Pinahid ko ang aking luha at naaptango na lang ako habang lumuluha.
Nagbukas ang ilaw ng mall at sa aking harapan ay nandoon ang isang red carpet kung saan ay kita ko mula rito ang aking mga kaibigan na nakasuot ng red na mga gown. Nasa harapan ay ang aking ama at buhat niya si Dark habang buhat naman ni Tito Luther si Light at masayang kumakaway sa amin. Nagsimula kaming naglakad ni Lucifer na magkahawak ang kamay papunta sa may pari.
Nang makarating kami sa kanyang harapan ay hindi ako matigil kaiiyak dahil hindi ako makapaniwalang mangyayari ito ngayon. Hindi pa man din ako nakapagpalit ng magandang damit para sa aming kasal ngayon. Nagsimula ang wedding ceremony naming dalawa hanggang sa dumating sa parte ng mga wedding vows.
Angel:
"Hindi mo man lang ako sinabihan na kailangan ko pa lang magsuot ng wedding gown. Ang gwapo mo tapos ako ang pangit ko na kaiiyak." Narinig kong tumawa ang ilan sa aking sinabi. "Ang dami na nating pinagdaanan at alam ko na kahit linuko kita at nagpanggap ako bilang ang aking kambal ay tinanggap at minahal mo akong muli. Akala ko ay wala na tayong happy ending pero nandito ka ngayon sa harapan ko at handang pakasalan ako. Opposites attract sabi nga nila dahil kahit Anghel ang ibig sabihin ng aking pangalan ay naging mas makasalanan ako. Ikaw na may kapangalan ng demonyo ay mas ikaw pa ang mas Anghel sa akin. I just want to say sorry for the last time for all the things I've done. Gusto ko lang na malaman mo na ikaw lang ang tanging lalaking mamahalin ko habang buhay. Thank you, Lucifer. I love you."
Lucifer:
"Angel Nebrez, soon to be Angel Nebrez-Salazar. I've known you as Angeline. Noong nakilala kita ay walang kasiguraduhan na ikaw na nga ang babae na para sa akin. Naisip ko noon na kaya ko bang magmahal ng tulad mo? Kaya ko bang ibigay ang mga pangangailangan mo? Pero noong gabing ginawa natin ang kambal ay wala akong pinagsisihan dahil sabi ko ikaw na nga iyon. Nasaktan kita dahil naging bulag ako sa galit ko noon sa pagkamatay ng aking ina at muntik na kitang mabitawan. Kung may kailangan na magpasalamat sa ating dalawa ay ako dapat iyon dahil sa kabila ng mga ginawa ko sa iyo ay hinintay mo ako. You never gave up on me, and that means so much to me. Mas lalo lang kitang minahal at ngayon na may mga anak na tayo ay talagang matatali ka na sa akin. You are mine, and I am yours, forever. I love you so much, Angel. You are the guardian angel who let me see the right path back to you."
"By the power vested upon me, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride," sabi ng pari at agad na akong hinalikan ni Lucifer sa aking mga labi at narinig ko ang palakpakan ng mga tao sa aking paligid.
Nang matapos ang kasal ay pumunta kami sa reception na nandito rin sa loob ng mall dahil nalaman ko na mukhang rinentahan ni Lucifer ang buong mall. Super ganda ng ginawa nila sa mall kaya naisip ko na matagal na itong pinaghandaan dahil hindi magagawa ito ng overnight lang.
"Ahhhh!!! Congratulations, girl!" sigaw ng aking mga kaibigan na lumapit sabay yinakap ako.
"OMG! Talagang kasal ka na nga!" sabi ni Sascha.
"Hindi pa nga rin ako makapaniwala na kasal na rin talaga ako," sabi ko naman habang nakatingin sa kanilang lahat.
"Naku maniwala ka na dahil kung tutuusin ay mas nauna pa ang mga bata kaysa sa kasal niyo noh." Napatingin naman si Krysta sa aking kambal na pinagpapasa-pasahan ng mga tanders. "Ang cute ng kambal mo pero kamukha ni hubby mo e."
Tumango ako at sumang-ayon na lang dahil totoo naman ang sinabi nila. Pagkatapos ay nakipagkwentuhan pa ako sa kanila nang biglang lumapit sa akin si Lucifer at inagaw ako sa aking mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
The Double Life of Angel Nebrez (Completed)
RomanceWarning SPG R-18 During one of the missions of Angel Nebrez, she accidentally killed an innocent civilian. At the same time, she learns that her sister also gave up fighting for her life. She was scared and at the same time she is in pain, so she de...