Chapter 51

37 0 0
                                    

Angel

Napalunok ako habang nakatingin sa kanya at napatingin na lang ako kay Light nang hilain niya ang aking kamay.

"Jfhsf sdhfid Mommy." Hindi ko naintindihan ang sinabi niya pero alam ko na sinasabi niyang si Lucifer ang tumulong sa kanya noong nawawala siya.

"Hey, bro. Long time no see." Pukaw ni Blade at agad na nakipag-hand shake kay Lucifer.

Napatungo na lang ako dahil hindi ko kayang pantayan ang tingin sa akin ni Lucifer.

"Your child?" biglang tanong niya at napatingin naman ako sa kanya.

Tumango ako. "Y-Yes."

"Mommy!" tawag sa akin ni Light.

"Yes, baby?"

"Carry me," sabi niya at agad ko naman siyang binuhat.

"Uhm, baby Light. Halika na muna rito at kanina ka pa hinahanap ni Lolo baka nag-aalala na rin sa iyo si Dark." Kuha ni Lucinda kay Light at agad naman akong napatingin sa kanya. "Mommy will talk to him, so let's give them some privacy."

Agad namang nagpabuhat si Light kay Lucinda at sabay-sabay silang um-exit lahat at iniwan akong mag-isa kasama ni Lucifer. Geez. Hindi pa ako handa na makausap si Lucifer lalo na kung kaming dalawa lang. Napatingin ako sa kanya at inaya niya akong umupo sa upuan ni Light kanina.

"So, you're here? Hindi ko alam na may anak ka na pala. Who's Dark?" tanong niya.

"Uhm, kakambal ni Light."

"Twins?" Tumango ako. "I see. Mukhang nakuha pala nila ang genes mo na may kakambal."

Maya-maya ay natahimik na lang kaming dalawa at napatingin sa fireworks nang magsimula na ito. Kung gano'n ay alas-otso na rin pala at halos mahigit isang oras ko rin pa lang hinanap si Light na kasama pala ang tunay niyang ama. Paano ko sasabihin sa kanya na anak niya sina Light at Dark? Maniniwala kaya siya oras na sabihin ko iyon sa kanya?

"If you are here, then it means that the father of the twins is also here?" Napatingin ako sa kanya pero sumisimsim lang siya ng kanyang beer na hindi nakatingin sa akin.

Napalunok ako at nang hindi ako sumagot ay napatingin sa akin si Lucifer kaya napatungo tuloy ako. Tumango ako at medyo nagulat ako nang parang dinabog niya iyong hawak niyang beer pero marahil ay guni-guni ko lang ito. I was fidgeting my fingers, when he suddenly stood up.

"Well, nice meeting you again, Angel. Sa susunod ay huwag mo nang pabayaan ang anak mo na pagala-gala kung saan. Mabuti na lang at ako ang nakakita pero paano na lang kung ibang tao? Sa susunod ay pakaingatan mo na lang kung ayaw mong mawala rin sila sa iyo katulad ko." Umalis na siya at tatanungin ko sana siya kung ano ang ibig niyang sabihin pero mabilis siyang nakalayo mula sa akin.

Nang makaalis siya ay napahilot na lang ako sa aking sintido dahil hindi ko magawang sabihin sa kanya na anak namin sina Light at Dark. Ngayon na nakita ko na siya ay walang pagbabago sa nararamdaman ko sa kanya at mas lalo lang tumibay ang pagmamahal na iyon. Pero base sa mga tingin niya kanina sa akin ay wala man lang akong makitang bahid na parang natutuwa siyang makita akong muli.

Talaga bang wala na talagang pag-asa na maibalik pa namin iyong dati naming nararamdaman? Hindi na ba talaga niya ako mapapatawad sa lahat ng mga ginawa kong kasinungalingan sa kanya? Well, hindi naman na ako magtataka dahil sabi nga niya ay mas pipiliin niya pa si Angeline kaysa sa akin kung sakali 'di ba?

Napatayo na lang ako at bumalik ako sa hotel dahil tapos naman na ang fireworks display. Pagdating ko sa aming hotel ay naabutan ko sila Lucinda at nang makita nila ako ay alam ko na ang tanong nila kaya inunahan ko na sila.

The Double Life of Angel Nebrez (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon