Chapter 10

37 0 0
                                    

Angel

Maaga pa lang ay gising na ako at excited akong maglakwatsa sa kabuuan ng Isla na ito. Kaya naman bumangon na ako at saka binuksan ko ang malaking kurtina ko at masayang nag-inat habang nakatingin sa malayo. Mula pala rito sa aking hotel ay kita ko na ang mga naggagandahang mga tanawin at pasyalan sa buong Isla.

Hindi ko alam kung ano ang balak nila Paris ngayon na gawin pero ako ay gusto kong maglakwatsa kung saan man mapunta ang aking mga paa. Mabilis akong naligo at nagpalit ng damit panlabas para makarami na ako ng mga papasyalan. Dala ko pa rin hanggang ngayon ang aking Special VIP ticket daw at titignan ko kung hanggang saan ang pwedeng magawa nito.

Luminga-linga ako dahil hindi ko alam ang una kong gagawin nang may staff ng hotel na nagtanong sa akin kung nawawala raw ba ako. Agad ko namang ipinakita sa kanya ang hawak kong ticket at sinabi sa kanya na hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin dito sa Isla.

"Let me explain it to you Ma'am if that's possible?" Tumango naman ako at saka binigay sa kanya ang ticket na aking hawak. "First of all, I would like to congratulate you because you've got the Special VIP ticket here on the island. Only five people have this kind of ticket and you are so lucky that you have this."

"I see. Well, this ticket was given to me by my friend, so I think she's the lucky one." Napangiti naman siya sa akin at tinuloy niya ang pagpapaliwanag tungkol sa ticket.

Doon ko nalaman na oras pala na may gano'n kang ticket ay kahit saan ako pumunta ay wala akong babayaran ni piso. Lahat ng lugar ay pwede kong puntahan at hindi ko na kailangang makipila pa lalo na sa mga amusement parks. Kapag may ticket pala akong ganito ay magmumukha raw akong pampered na guest dito sa Island at lahat ng gusto ko ay pwede kong makuha ng gano'n gano'n lang.

Ang kaso ay may isa siyang bagay na sinabi na nagkaroon ako ng interes. Ayon sa kanya ay pwede ko pa raw makilala at maka-dinner ang nagmamay-ari ng buong island na ito. Pwede ko raw gawin ito hanggang sa matapos ko ang aking bakasyon. Aaminin ko na medyo nate-tempt ako dahil gusto kong makilala mismo kung sino ba ang may pakana ng lahat ito at gusto ko siyang ma-interview kung sakali.

Pagkatapos niyang ipaliwanag sa akin ang lahat ay agad akong nagpasalamat sa kanya at nagpaalam upang i-enjoy ang aking pagiging pampered guests. Nag-isip ako ng pwede kong gawin at naisip ko na gusto kong mag-swimming pero siguro ay gagawin ko na lang iyon sa huling linggo ng aking bakasyon. Mas maganda siguro kung mamasyal na muna ako sa pwede kong pasyalan at baka sakaling may makita ako na magustuhan ko.

Habang naglalakad-lakad ako ay nakita ko ang amusement park na sinasabi ng lalaki kanina at agad ko itong pinuntahan. Pagpunta ko sa nasabing park ay natuwa ako sa mga batang nagtatakbuhan habang may hawak silang mga balloon at cotton candy. Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya naman bumili ako ng mga kakaibang pagkain na ngayon ko lang natikman.

Nang matapos akong kumain ay bumili ako ng ice cream at naupo muna sa isang bench habang pinapanuod na umikot-ikot iyong roller coaster at iyong Vikings na parang aabot na sa langit sa sobrang taas nito. Nang matapos akong kumain ng ice cream ay lalapit sana ako sa Vikings para makita ko ng malapitan iyong ride nang bigla akong may nabunggo at nakita kong nabitawan niya iyong hawak niyang pagkain.

"Oh my god! I am so sorry," hinging paumanhin ko at saka pinulot ng mabilisan ang mga nahulog niyang pagkain.

"Angeline?" Napaangat ang aking tingin nang marinig ko ang aking pangalan.

Pagkakita ko sa kanya ay nagtaka ako kung sino na siya dahil mukhang pamilyar ang kanyang itsura. Hindi ko nga lang malaman kung saan ko na siya nakita. Red ang kanyang buhok na bumagay sa kutis niya pero pamilyar talaga siya at pilit kong inaalala kung saan ko na siya nakita.

The Double Life of Angel Nebrez (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon