Angel
Nagising ako kinabukasan sa katok ng aking pinto kaya naman nagtaka ako kung sino ang nambubulabog sa akin ng ganito kaaga. Ngayon lang din may bumisita sa akin sa aking silid dahil kadalasan ay housekeeping o iyong pina-order kong food ang aking pinapapasok dito. Bumangon ako sa aking kama at kinukusot ang aking mga mata na pumunta sa pinto upang tignan kung sino ito. Pagbukas ko ng aking pinto ay nagtataka akong napatingin sa isang lalaki na medyo may edad na at nakauniporme ng parang sa butler.
"Good morning, Miss Angeline. I am here to deliver this to you." May inabot siya sa akin na isang paper bag at pagtingin ko rito ay napansin kong Mocha cake at Mocha drinks ito na aking ikinatuwa.
"Wow," mahinang sambit ko. "Thanks, Mister..."
"Oh, no need to call me Mister, Miss Angeline. My name is Edman. I'll be on my way then." Yumuko pa siya na para ba akong royalty.
Bago siya ay umalis ay sumilip ako sa aking pinto at may pahabol na tanong sa kanya. "Wait, Sir Edman. "May I ask who gave this to me?"
"Don't worry. He will be coming here later to fetch you, Miss Angeline." Muli siyang yumuko at umalis na at naiwan naman akong nagtataka kung sino ang nagbigay nito sa akin.
Sinara ko ang aking pinto na malalim na nag-iisip at napasilip akong muli sa loob ng paper bag nang maamoy ko ang mabangong aroma ng Mocha cake. Agad akong kumuha ng platito at kubyertos sabay linantakan ito. Halos mapaungol ako sa sarap nang isubo ko ang unang bite sa aking bunganga.
Habang kumakain ay naisipan ko na buksan ang aking telebisyon dahil ngayon ko lang yata ito ginamit sa buong pananatili ko rito sa hotel. Paano ba naman kasi kung wala ako sa labas kasama si Lucinda ay nasa bahay naman nila ako. Kulang na nga lang ay doon na lang ako tumira.
Napagdesisyon kong manuod ng cartoon sa Disney channel total ay wala namang magandang panuod. Halos nakalahati ko na ang aking Mocha cake nang makatanggap ako ng tawag at pagtingin ko ay si Lucinda ito. Agad ko itong sinagot at kinamusta siya.
"Hello? Lucinda, ayos ka na ba?" Umayos ako ng upo sa aking sofa at narinig ko ang mahinang pagtawa niya.
"Ayos lang ako, girl. Naikwento sa akin ni Papa iyong ginawa mo at gusto ko lang sanang magpasalamat sa iyo. Ito na yata ang pangawalang beses na linigtas mo ang buhay ko." Napangiti naman ako.
"That's nothing. How are you feeling?" tanong kong muli.
"Hmm... I still feel a little bit groggy, but not unlike last night. Hays. Hindi ko alam kung paanong may napuntang pampahilo sa aking inumin gayong wala naman akong maalala na may nagbigay sa akin ng beer." Napaisip din ako dahil iyon ang una kong naisip kagabi.
"Sigurado ka ba na wala kang maalala kagabi?"
"Wala eh. All I can remember is that I am dancing with a... guy." Napatigil siya. "Wait. Hold on. I think I can remember something, but it's a little bit blurry. Naalala ko na may kasayaw ako kagabi na pinakilala sa akin ng kaibigan ko." Napatigil siya kaya naman bigla akong naalarma rin.
"Lucinda, can you please send me a car over here? I need to talk to you." Pakiusap ko sa kanya.
"I would do that, but I heard that kuya is on his way to you right now." Lumaki ang aking mga mata at bigla akong napatayo sa aking pagkakaupo sa sofa.
"What?" sigaw ko at bigla na lang akong nagpaalam sa kanya at pinatay ang tawag.
Napapamura ako ng mahina habang tinitignan ang aking sarili sa salamin at nakita ko na gulo-gulo pa ang aking buhok at hindi pa ako nakaliligo. Kung papunta na rito si Lucifer ay may trenta minutos pa ako para mag-ayos bago siya makarating dito. Kaya hinila ko ang isang towel at dali-daling dumiretso sa loob ng banyo para maligo.
BINABASA MO ANG
The Double Life of Angel Nebrez (Completed)
Storie d'amoreWarning SPG R-18 During one of the missions of Angel Nebrez, she accidentally killed an innocent civilian. At the same time, she learns that her sister also gave up fighting for her life. She was scared and at the same time she is in pain, so she de...