Chapter 5

58 0 0
                                    

Angel

Katulad ng sinabi ng aking ama ay pinagbigyan ko siya na pumasyal na muna sa Italy kahit ilang araw lang. Maliit lang na bag ang aking gamit dahil may mga gamit pa naman akong naiwan sa bahay ni Papa. Isang bag pack lang ang aking dala total ay hindi naman ako masyadong magtatagal doon.

"Nakakainggit ka naman friend. Sana ay ako rin pwedeng sumama sa iyo. Iyon nga lang ay wala pa akong ipon para bumili ng ticket pabalik ng Italy at isa pa ay may trabaho ako," reklamo ni Paris na abalang kumakain ng aking Mocha cake nanaman.

Nang malaman niya kasi na pupunta ako ng Italy ay gusto na niyang sumama sa akin pero noong malaman niya na ilang araw lang naman ako ay bigla siyang nagbilin sa akin ng sobrang dami.

"Why are you eating my cake again? Nakailang slice ka na ah?" Inirapan naman niya ako at saka itinulak ang gamit niyang pinggan palayo sa kanya.

"Ang damot mo naman sa cake. Iisa pa nga lang iyong nakakain ko e." Tinaasan ko siya ng kilay at napailing. "Pasalubong na lang ang ibigay mo sa akin. Siguro naman ay hindi mo na ako tatanggihan." Nag-beautiful eyes pa siya sa akin at tumango na lang ako dahil ayokong kulitin niya ako ulit.

Sabay na kaming lumabas ng condo ko at nagpahatid ako sa kanya papunta sa airport. Pagdating namin sa airport ay agad akong bumaba ng kanyang kotse pero bago ko ito sinara ay may binilin ako sa kanya.

"It's my birthday next week. Mag-isip ka na ng ireregalo mo sa akin total ay gusto mong bumawi sa akin sa pag-iwan mo sa akin sa bar." Sinara ko na ang pinto ng kanyang kotse at hindi na hinintay pa na sumagot siya.

Dumiretso na akong pumasok sa airport at agad na pumila sa oras ng aking flight papuntang Italy. Nang makapasok ako sa loob ng eroplano ay nakatanggap ako ng text mula kay Paris na sinasabing ibibigay niya raw sa akin iyong pinaka the best na birthday present. Napangiti naman ako at in-on sa airplane mode ang aking cellphone.

Napatingin ako sa labas ng bintana nang makita kong unti-unti nang gumagalaw ang eroplano. Naalala ko tuloy ang aking kambal kapag sumasakay kami noon ng eroplano. Sa aming dalawa ay siya ang pinakatakot kapag nagt-take off na ang eroplano. Mas mahina ang tyan niya kaysa sa akin kaya palagi lang akong nakaalalay sa kanya.

Sa pagbalik ko ng Italy ay hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Ito kasi ang isang lugar na hanggat maaari ay ayaw ko na munang balikan dahil masakit pa sa akin ang pagkamatay ng aking kambal. Kung hindi lang sa aking ama ay hindi ako babalik ng Italy muna. Ayokong mag-isip masyado kaya naman ipinikit ko na lang muna ang aking mga mata at natulog.

Paglipas ng dalawang oras ay nagising ako dahil mukhang nakarating na kami sa aming destinasyon dahil isa-isa nang bumaba ang mga pasahero. Pagtapak ng aking mga paa sa nasabing airport ay hindi ako masyadong komportable na nandito ako. Hindi lang naman basta ang pagkamatay ng aking kambal kung bakit ayaw ko munang pumunta rito.

Ang isang dahilan din ay dito nagsimula lahat ang pagiging assassin ko. Tuwing nandito ako ay naaalala ko lamang ang aking nakaraan. Paglabas ko ng airport ay nakita ko ang aking ama na kumakaway sa akin kaya naman mabilis akong lumapit sa kanya at binigyan siya ng mahigpit na yakap.

"Halika na. Total bukas naman na ang birthday mo kaya medyo naghanda ako ng kunting salu-salo." Nagmaneho na siya pauwi.

Pagdating namin sa aming bahay ay napansin ko na medyo madilim ang loob nito. Nagtaka naman ako dahil hindi pinapatay ni Papa ang mga ilaw sa kanyang bahay lalo na sa gabi. Nang tatanungin ko sana ang aking ama ay nagtaka ako na hindi siya nakasunod sa akin. Hinanap ko siya pero wala na rin siya sa loob ng kanyang sasakyan.

Mabilis akong lumapit sa aming bahay dahil marahil ay dumaan lamang siya sa bandang likuran at maaaring nasa loob na siya. Pinihit ko ang busol ng pinto namin at gano'n na lamang ang gulat ko nang biglang nag-on ang ilaw at sabay-sabay na sumigaw ng surprise ang mga tao sa loob ng aming bahay. Halos makapa ko ang aking dibdib sa takot at mabilis naman akong napangiti sa mga tao na nandito ngayon. Isa-isang lumapit sa aking ang aking mga kaibigan at nakita ko rin na kasama na nila ngayon ang aking ama.

The Double Life of Angel Nebrez (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon