Angel
Paglabas ko ng aking condo ay tumakbo ako pababa dahil hindi ko mahintay ang elevator. Paglabas ko sa gusali ay napasinghap ako sa aking nakita at halos napatakip ako sa aking bibig dahil hindi ako makapaniwala sa aking nakikita ngayon. Ang sabi ni Lucinda ay pinaghandaan niya pero hindi ko naman akalain na ganito kabongga ang paghahandang ginawa niya.
Sa harap ng buong gusali ay may isang napakalaki at mahabang banner ang hinahawakan ng mga kalalakihan at may nakasulat doon ng 'I'm sorry, Angeline. Please forgive me.' Sa mismong gitna ay nakatayo si Lucifer na may hawak ng boquet ng bulaklak at totoo nga na kanina pa siya bumabad sa araw dahil pansin ang butil ng kanyang mga pawis.
Hindi lang iyon dahil ang daming tao ang kumukuha ngayon ng kanyang picture at iyong iba ay halos mag-video na sa kanya dahil pansin na pansin ang ginawa niya. Bigla naman akong naawa sa kanya kaya napangiti ako at mabilis akong lumapit sa kanya. Nang makalapit ako sa kanya ay kitang-kita ko na halos wala pa nga siyang tulog dahil nangingitim ang ilalim ng kanyang mga mata.
Napangiti pa nga ako sa kanya nang marinig ko siyang magsalita. "I'm so sorry, Angeline. I didn't mean what I said last night. That was mean of me, and I should have—"
Hindi ko na siya pinatapos at mabilis na kinabig ang kanyang ulo sabay hinalikan siya ng mapusok. Naramdaman kong gumalaw ang kanyang mga labi at narinig ko na lang ang mga palakpakan at hiyawan ng mga tao. Nang maghiwalay kami ay nakagat ko ang aking ibabang labi at tinanggap ang kanyang boquet.
"Ibig sabihin ba nun ay pinapatawad mo na ako?" tanong niya at tumango naman ako.
Muli kaming naghalikan at masaya kaming pumasok sa loob ng condo dahil ayoko namang ma-ospital siya dahil sa heat exhaustion. Iyong mga naghahawak ng banner ay isa-isa nang umuwi at pati na rin iyong audience ay isa-isang nag-alisan. Pagdating namin sa condo ay agad ko siyang pinagpahinga dahil alam ko naman na hindi rin biro ang kanyang ginawa.
"Ayie!" Bungad ni Lucinda sa amin habang hawak niya ang kanyang cellphone. "I took a video of this. Isa-save ko ito para kung sakaling ikasal kayo ay ipapasama ko ito sa video ninyo."
Napakunot naman ang aking noo kay Lucinda na masayang nakatingin sa vinideo niya. Kasal? Nagsisimula pa nga lang kami ni Lucifer sa relasyon namin pero kasal na ang sinasabi ni Lucinda. Napailing na lang ako sa kanya sabay dumiretso sa kusina upang kumuha ng malamig na tubig.
Tumabi ako kay Lucifer at binigyan ko siya ng inumin niya para naman hindi na siya mainitan dahil ilang oras din siyang nagbabad sa ilalim ng araw. Agad naman niya itong kinuha at nagpasalamat sabay diretso na linagok ito. Pinanuod ko siya na umiinom at pati ako ay nauhaw bigla dahil ang ganda ng paggalaw ng kanyang adam's apple.
"Ehem..." Napatingin ako kay Lucinda na nakatayo sa may pintuan papuntang kusina habang may mapang-asar na ngiti na nakatingin sa akin. Inirapan ko siya na kanya namang ikinangiti. "Anyway, mga kapatid. Iiwan ko na lang muna kayong dalawa dahil lalabas lang muna ako."
Tinaasan ko siya ng kilay at pinanlakihan naman niya ako ng kanyang mga mata kaya alam ko na maaaring nagtawag nanaman si Clark sa kanya. Mabilis niyang kinuha ang kanyang mga gamit at mabilis na lumabas ng aming condo. Naiwan tuloy kaming dalawa ni Lucifer dito at pagtingin ko sa kanya ay nakita kong nakapikit na siyang nakasandal sa sofa.
"Tired?" tanong ko at tumango lang siya. "Sorry for making you wait."
Minulat niya ang kanyang mga mata sabay inaantok na tumingin sa akin. "No. Don't apologize, Angeline. It's my fault for letting my anger and jealousy get to me."
"Y-You were jealous?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya at parang kung anong saya ang naramdaman ko na malaman na nagseselos siya.
Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata habang nagsasalita. "Yeah. I just can't stand the thought of someone hugging or kissing or even making love to you. I should be the one doing that because you're mine."
BINABASA MO ANG
The Double Life of Angel Nebrez (Completed)
RomansaWarning SPG R-18 During one of the missions of Angel Nebrez, she accidentally killed an innocent civilian. At the same time, she learns that her sister also gave up fighting for her life. She was scared and at the same time she is in pain, so she de...