Chapter 53

44 0 0
                                    

Angel

Katulad nga ng sinabi ni Papa ay talagang hindi niya ginawang madali na makuha ako ni Lucifer. Kahit nga noong natapos na ang bakasyon namin sa Gehenna Island ay para akong Maria Clara na kailangan pinapaalam kay Papa kapag lalabas kami ni Lucifer kahit kasama ang mga bata. Kapag nandyan si Papa ay hindi ako mahalikan ni Lucifer kahit na kating-kati na ang mga labi ko na halikan siya.

Minsan tuloy ay para kaming bumalik sa pagiging teenager na nagkikita kami sa gabi para lang maglambingan o mahalikan ang isa't isa. Natatawa na lang ako dahil hindi alam ni Papa na lumalabas ako sa gabi para lang kitain si Lucifer. Pero hindi rin naman sumuko si Lucifer dahil talagang pinakita niya na karapat-dapat siya para sa akin.

Ito lang namang si Papa ang maarte dahil kung ako lang ay matagal na akong nagpakasal kay Lucifer. Siguro ay inabot din ng dalawang buwan iyong 'panliligaw' ni Lucifer at kahit papaano naman ay mukhang bumabait na si Papa sa kanya. Alam ko rin naman na payag na si Papa na magpakasal na kami pero nang-aasar lang talaga siya dahil bumabawi siya sa ginawa ni Lucifer sa akin. Hanggang sa isang araw ay may isang tanong si Light kay Papa na aking ikinatuwa.

"Lolo, why ayaw kay Daddy?"

"I want to see Daddy, Lolo." Iiyak nanaman si Dark kaya bigla tuloy napaluhod si Papa upang mapantayan sila. "I want Daddy."

"Shh, tahan na apo. Gusto naman ni Lolo kay Daddy, iyon nga lang Daddy hurt Mommy before that's why Lolo is teaching him a lesson to be good." Bahala kang mag-explain sa kanila Papa. Sabi ko sa isip-isip ko at napapangiti na lang ako na baka sila pa ang maging dahilan para mapadali ang parusa ni Lucifer.

"Lolo bully Daddy." Umiyak na si Dark at halos pumalahaw na ito kaiiyak. "I want Daddy. I want Daddy. Mommy, I want Daddy." Humingi ng saklolo sa akin si Dark kaya agad ko na siyang binuhat at pinatahan.

"Shh...Pupunta si Daddy dito bukas 'di ba? Sabi niya mamamasyal kayo?" Umiling siya na umiiyak.

"I want Daddy house." Napatingin na ako kay Papa at napakamot na lang siya sa kanyang ulo dahil mukhang gusto na ni Dark na nasa iisang bubong na lang kami ni Lucifer.

Agad ko namang binaba si Dark at tinulungan siyang patahanin ni Papa pero talagang gusto na niyang makita ang ama niya. Agad ko namang dinial ang number ni Lucifer at agad naman siyang sumagot pagkatapos ng unang ring.

"Lucifer, busy ka ba?" tanong ko.

"Uhm, hindi naman masyado pero marami pa akong tatapusin e. Bakit?" Napangiwi naman ako at nag-alangan akong sabihin sa kanya iyong gusto ni Dark pero naaawa na ako sa kanya.

"Si Dark kasi e. Bigla na lang siyang umiyak kasi gusto ka niyang makita. Hindi namin siya mapatigil na umiyak simula nang sinabi ni Papa na pinaparusahan ka raw niya." Narinig kong natawa ng mahina si Lucifer.

"Okay. I'll be there."

"Sigurado ka ba? Hindi ba nakakaabala kami sa iyo? Pwede naman siguro naming sabihin muna kay Dark na pupunta ka rito bukas."

"No, it's okay. Ayoko namang mas lalong umiyak si Dark."

"Okay."

Pagbaba ko ng tawag ay agad akong lumapit kay Dark at saka kinausap siya. Pinahid ko ang kanyang luha dahil halos sumisinok na siyang umiiyak at napayakap na lang siya sa akin.

"Pupunta na raw dito si Daddy kaya huwag ka nang umiyak, Dark. Tignan mo si kuya Light hindi naman siya umiiyak oh." Turo ko kay Light.

"Punta Daddy?" Tumango ako at agad naman siyang tumigil kaiiyak sabay pinahid ko ang kanyang mga luha pati na rin ang kanyang pawis.

The Double Life of Angel Nebrez (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon