Angel
Nang matapos ang dinner sa mala-palasyong bahay nila Lucinda ay sinama ako ni Lucinda na mag-ikot sa buong bahay nila. Noong una ay gusto ko pa sanang mag-stay sa hapag-kainan para makilala ko pa si Lucifer. Pero ayaw ko rin naman na maging pasaway lalo na at bisita lamang ako rito ni Lucinda.
Nang mahila niya ako palabas ng kanilang dining area ay hindi ko alam kung nasaan kami ngayon. Nakita ko na nasa mahabang hallway kami ngayon ng isa sa mga parte ng bahay nila at hindi ko alam kung saan kami papunta. Maya-maya ay lumabas kami sa isang maluwang na silid na parang dance studio yata.
Nang buksan ni Lucinda ang ilaw ay nakita ko na ito ay isa pa lang room kung saan pwedeng mag-ensayo ng martial arts. Siguro ay dito nag-eensayo si Cole at ng private teacher pero nagtataka ako kung bakit dinala ako ni Lucinda dito. Akmang tatanungin ko na sana siya ay mukhang nabasa niya ang tumatakbo sa aking utak ngayon.
"Okay. First of all, thank you for coming here for dinner, Angeline." Nagpasalamat naman ako at biglang napangiti sa akin si Lucinda ng may kahulugan.
"What?" tanong ko.
"So? How was it?" Napakunot naman ang aking noo dahil hindi ko makuha kung ano'ng ibig sabihin niya sa tanong niya sa akin.
"How was what?" Natawa siya ng mahina sabay linapitan ako at hinawakan ang magkabilang braso ko.
"I'm asking about my kuya." Bigla naman akong nanahimik at nakaramdam akong muli ng hiya tuwing maaalala ko kung paano siya tumingin sa akin kanina. I mean kung tumingin siya ay para niya akong pinaghihinalaan pero mas maganda na iyon kaysa naman sa hindi niya ako pinapansin 'di ba?
"Tss. You have a thing with him. Kitang-kita ko riyan sa mukha mo o." Pang-aasar niya sa akin at inikotan ko naman siya ng aking mga mata.
"He's okay," sagot ko sabay nagkibit balikat ako.
"Ayiee! Sabi ko na e magugustuhan mo si Kuya. Well, sino ba naman ang hindi? Lahat na yata ng mga pinakilala kong babae ay nagkaroon ng gusto sa kanya. Lahat sila ay sa tingin ko potential na maging girlfriend ni kuya pero iba ang pakiramdam ko sa iyo." Nagtataka naman akong napatingin sa kanya.
"Paanong iba naman aber?" Naglakad ako palayo sa kanya sabay pinakatitigan ang kabuuan ng kwarto at pansin ko na may naka-display na mga katana sa pader.
Sumunod naman siya sa akin. "Sabihin na lang natin na mukhang interesado rin si Kuya sa iyo pero ayaw lang niyang ipakita?" Hindi ako umimik at nagkibit balikat ulit dahil hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya sa kanyang sinasabi.
"I know that kuya has a lot of pride in himself as a guy. Alam ko na ayaw na ayaw niyang pinapakita ang kanyang emosyon dahil ayaw niyang mag-crumble down siya sa harapan ng ibang tao. Pero kapatid ko siya Angeline kaya alam ko at ramdam ko na may gusto rin siya sa iyo. Ayaw lang niyang aminin dahil naglagay ng maraming wall si kuya sa paligid niya. Pero kung aaminin mo sa akin na may gusto ka sa kanya ay pwedeng-pwede kitang tulungan na paibigan si Kuya sa iyo." Napalingon naman ako sa kanya at tinignan ko kung seryoso siya at may nakapaskil ng malawak na ngiti sa kanyang mga labi.
"Are you serious?" Tumango siya sabay tinaas baba ang kanyang kilay at natawa naman ako sa kanya.
"So? Do you like my brother or not?" Tumango ako at nagtatatalon naman siya sa tuwa sabay yinakap ako na aking ikinatuwa.
Nakagat ko naman ang aking ibabang labi dahil pakiramdam ko tuloy ay gumagawa ako ng masamang bagay at kasabwat ko pa talaga ang kapatid ni Lucifer sa masama kong balak. Nang matapos akong iikot ni Lucinda sa buong bahay ay lumabas kami sa mini swimming pool nila sa loob ng kanilang bahay habang nagtatawanan. Napatingin kaming dalawa sa lalaking palapit ngayon sa amin at halos ma-estatwa ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Double Life of Angel Nebrez (Completed)
RomanceWarning SPG R-18 During one of the missions of Angel Nebrez, she accidentally killed an innocent civilian. At the same time, she learns that her sister also gave up fighting for her life. She was scared and at the same time she is in pain, so she de...