Angel
Makalipas ang isang linggo ay nakahanda na kami para sa pagpunta namin sa Gehenna Island. Ang kambal ay super excited na parehas pa sila ng suot kaya hindi ko mapigilang pisilin ang kanilang mga pisngi. Si Papa naman ay handa na rin dahil last week pa siya naka-impake para sa araw na ito.
Lumabas na kami ng aming bahay dito sa Milan simula nang malaman namin kung ano ang aking hatol. Dito ko ipinanganak sina Dark at Light at tumira ako sa bahay ng aking ama. Maya-maya ay narinig namin ang busina ng isang Grandia na van at nakita namin sila Lucinda sa loob. Pagsakay namin ay agad na kinuha ni Lucinda si Dark at si Paris naman si Light habang sa harapan umupo si Papa katabi si Blade na siyang driver nito.
"Bless kayo kay Tito," utos ko sa kanilang dalawa na agad namang ginawa kay Blade.
"Tss. Grabe, para lang akong nakakita ng dalawang Lucifer pero small version niya. Ang lakas din pala ng genes ng gag*ng iyon." Pinalo siya ni Paris nang magsalita siya ng bad word.
"Iyang bunganga mo Blade at mamaya ay bigla kang gayahin ng mga bata," sita ni Paris.
"Hayaan mo na babe para kapag natuto sila ay sabihin nila iyan sa tatay nilang walang kamuwang-muwang na may anak na. Dapat talaga sa lalaking iyon binabatukan para matauhan." Napailing na lang ako sa kanya dahil akala ko ay close pa man din sila.
"Sus. Dati lang ayaw mo kay Angel tapos ngayon siya naman na ang kinakampihan mo. So? Galit-galitan ka na kay kuya?" Pang-aasar naman ni Lucinda na ikinatawa ni Paris.
"Tss..." sabi niya at nagsimula na siyang magmaneho papunta sa pampang kung saan may private boat na naghihintay para sa amin.
"Ga*o." Napatingin kami noong sabihin iyon ni Dark at halos paluin ni Paris ng stick si Blade dahil sa pagtuturo niya ng masamang salita sa aking anak.
"Baby, that is bad. Don't say that or they will cut your tongue." Pananakot ni Paris kay Dark at ngumiti lang ang aking anak.
Nag-thumbs up naman si Blade kay Dark at tumawa lang ng malakas ang aking anak kaya masama siyang tinitignan ni Paris. Pagdating namin sa pampang ay tinulungan na nila kaming isakay lahat ng aming mga gamit sa bangka. Nagpabuhat naman si Dark sa Tita Paris niya habang hindi niya pinapansin si Blade.
Sumama na rin si Light kay Lucinda habang magkasama naman kami ni Papa na pumasok sa bangka. Pagsakay ay nagtatatakbo na sila Dark at Light dahil mukhang ngayon lang sila nakakita ng isang malaking bagay na lumulutang at gumagalaw sa ibabaw ng tubig. Binabantayan naman sila nina Lucinda at Paris para hindi sila biglang dumiretso sa may terrace ng barko at baka mahulog sila. Lumapit naman sa akin si Blade na may hawak nang beer samantalang ang aga-aga pa lang.
"Ready ka na bang makita siya ulit?" Ang tinutukoy niya ay si Lucifer.
"Sa totoo lang ay ayoko rin sana siyang makita kung hindi lang dahil sa mga bata. Noong araw na nahatolan ako ay bigla na lang siyang nawala at hindi ko na siya nakita kahit kailan. Alam ko naman na galit pa siya dahil kung tutuusin ay pwede niya naman akong kontakin kung gugustuhin niya. Ang kaso ay lumipas na ang tatlong taon pero hanggang ngayon ay wala pa akong naririnig mula sa kanya," paliwanag ko.
"Paano kung malaman mo na may iba na siya at talagang kinalimutan ka na niya?" Napatingin ako sa kanya at sa totoo lang ay matagal ko nang naisip ang bagay na iyon.
"Kung sakali mang gano'n ay gusto ko lang na ipakilala ang kambal sa kanya. May karapatan din naman na malaman sina Dark at Light kung sino ang kanilang ama. Tatanggapin ko ng buong puso kung sakaling may iba na nga siya." Tumango-tango naman si Blade sabay uminom sa kanyang beer.
"I see. Well, I've been in touch with him just last month. Kinamusta ko siya at hindi ko alam kung gusto mo pang malaman ang nangyayari sa buhay niya pero rest assured na wala pa siyang nobya. Alam mo naman ang taong iyon ay ikaw lang babaeng minahal niya. Maraming nali-link sa pangalan niya dahil nage-expand pa siya ng business niya pero sa nagdaang tatlong taon ay wala siyang naging iba. I'm very sure once he sees those children, he might come back to you." Napangiti ako sa kanyang sinabi.
BINABASA MO ANG
The Double Life of Angel Nebrez (Completed)
RomanceWarning SPG R-18 During one of the missions of Angel Nebrez, she accidentally killed an innocent civilian. At the same time, she learns that her sister also gave up fighting for her life. She was scared and at the same time she is in pain, so she de...