Chapter 16

37 0 0
                                    

Angel

Nakasuot siya ng shorts at polo na nakabukas ang dalawang butones nito. Ngayon ko lang napansin na may manipis na buhok pala sa kanyang dibdib at iniisip kung ano ang pakiramdam na hawakan iyon. Napalunok ako at pagtingin ko sa kanyang mga mata ay dumako rin ang kanyang tingin sa kanyang dibdib kaya naman napaiwas ako bigla ng aking tingin dahil sa hiya.

"Can you please cook breakfast for us, Evelyn? Thank you." Agad namang tumalima iyong ginang at naisip ko na siya ang kasambahay dito sa bahay ni Lucifer.

Nang makaalis na si Evelyn ay naramdaman ko ang presensya ni Lucifer sa aking likuran kaya hindi ko mapigilan ang mapalingon sa kanya. Nginitian ko siya pero hindi man lang siya ngumiti pabalik sa akin at nagpatiuna nang naglakad pababa. Bakit gano'n? Kagabi lang ay ang bait-bait niya sa akin pagkatapos ngayon ay balik nanaman kami sa hindi pagpapansinan?

Ibig sabihin ba nun ay iyong akala kong progress ay nasayang lang dahil sa natulog ako? Naiinis akong bumaba ng hagdan at sumunod na rin sa kanya. Ang luwang ng bahay ni Lucifer at hindi ko alam kung ilang palapag ito dahil naaalala ko na sumakay pa kami ng elevator kagabi. Maya-maya ay napunta ako sa kusina at nakita ko na abalang nagluluto si Ate Evelyn yata iyong pangalan niya.

"May maitutulong po ba ako?" tanong ko.

"Ikaw po pala Ma'am. Naku hindi na po kailangan dahil bisita ka po rito ni senyorito. Nagugutom ka na ho ba? Malapit na hong matapos ito." Umiling ako.

"N-Naku, ayos lang po ako at hindi niyo po kailangan na bilisan ang pagluluto." Napangiti naman siya at bumalik siya sa pagluluto. "Ate Evelyn, pwede ba akong magtanong sa iyo?"

"Oo naman ho."

"Uhm, g-gaano na ho kayo katagal na nagtratrabaho kay Lucifer?" Natigil siya sa kanyang ginagawa at napatingin sa akin na may ngiti sa kanyang mga labi. Pinakatitigan niya ako at mas lalong lumawak ang kanyang ngiti na akin namang ipinagtaka at muli siyang bumalik sa pagluluto.

"You are in love with him, aren't you?" Napamaang naman ako at hindi agad nakaimik. "No need to lie to me Ma'am because I can see it in your eyes, you know. Hindi naman ho kita masisisi kung magkagusto ka nga ho kay senyorito. Sino ba naman po ang hindi 'di ba?

"Sa tanong mo ay sabihin na natin na simula eighteen years old ako ay dito na ako nakatira sa mga Salazar. Naabutan ko pa yata ang lolo noon ni senyorito bago ito sumakabilang buhay. Ano ba ang gusto mong malaman kay senyorita iha?" tanong niya.

"Ho? A-Ako ho? H-hindi ko naman ho tinatanong iyong tungkol sa kanya." Natawa naman ng mahina si Ate Evelyn at bigla naman akong napasimangot.

"O sige." Bigla siyang tumahimik at bigla naman akong nagsisi dahil hindi ko pa tinanong iyong tungkol kay Lucifer.

"M-Mabait po ba siya?" Muling napangiti ng matamis si Ate Evelyn sa akin at gumanti na rin ako ng ngiti.

"Marami ang nagsasabi na masungit si senyorito dahil hindi siya palangiti at hindi siya gano'n palasalita. Marami ang nagsasabi na bagay ang binigay na pangalan sa kanya dahil para raw siyang...alam mo na..." Alanganin niya itong sinabi pero ako na ang nagtuloy.

"Demonyo?" Tumango naman siya. "Bakit naman ho demonyo ang tingin sa kanya ng iba? Oo hindi siya namamansin at may pagka-mean nga po siya pero masyado naman po yatang harsh iyong demonyo."

"Tama ka riyan iha. Mabait si senyorito oras na makilala mo na siya pero ang problema lang talaga kasi kay senyorito ay hinahayaan niya na sabihin ng mga tao na isa nga siyang demonyo. Hindi kasi marunong maglabas ng kanyang emosyon si senyorito pero sa lahat na yata ng mga nakilala ko ay siya na yata ang pinakamabait. Kailangan mo lang habaan ang pasensya mo sa kanya dahil hindi siya marunong mag-adjust sa ugali ng iba." Tumango-tango naman ako.

The Double Life of Angel Nebrez (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon