XXXIII

8.5K 390 42
                                    






Third person's POV





Takot ang pumalahaw sa buong gym ng may isang estudyanteng binaril ang mga bandido. Sari- saring ingay at sigaw ang namutawi sa buong sulok ng gym. Takot ang nadarama ng iilang estudyante.









Napayukom nalang ni Van ang kaniyang kamao sa sobrang inis, Gusto niyang lumaban ngunit ang daming baril ang nakatutok ngayon sa kanila. Nakaramdam lang siya ng konting tuwa ng wala dito ang kaniyang mga kapatid dahil tiyak siyang ligtas ang mga ito, Tanging siya lang ang nahuli ng isa sa mga bandido. Naiinis siya sa kaniyang sarili pakiramdam ni Van ay sobrang hina niya kung ikukumpara sa mga kapatid niya. Walang wala siya kumpara sa mga ito.









" Kung sinuswerte nga naman tayo nandito ang isa sa prinsesa ng mga Writz... " Napatingin ang leader ng mga bandido sa babaeng takot na takot, Walang iba kundi si Alessandra Writz. Takot na takot ito dahil isa sa kaibigan niya ang nabaril, Kapwa takot silang tatlo habang nakaagapay sa kaibigan nilang nabaril. Kapwa silang tatlong takot na takot sa nasaksihan.









Pwersahang hinatak papatayo si Alessandra at dinala sa unahan. Nagpupumiglas ito ngunit sa huli ay wala rin itong nagawa.









" At nandito rin pala ang anak ng mga Cromwell, Mukhang nakajackpot tayo ngayon boss... " Sabi ng lalaking katabi ng leader. Kitang kita ang malademonyo nitong ngiti.









Hindi na mapigilan mapaluha ni Janice sa Sobrang natakot sa mga nangyayare. Hindi niya inaasahan na magkakaganito ang araw na ito. Excited na excited pa siya pumasok kanina dahil sa mga plano nila ng kaniyang mga kaibigan.








Pilit siyang nagpupumiglas ng hatakin siya ng isang lalaki, Ayaw niyang iwanan ang kaniyang kaibigang duguan, Dahil sa pagkakabaril ng isa sa mga armadong lalaki. Maldita man at masama ang kaniyang ugali ay kaibigan paren niya ito. Ayaw niyang iwanan ito dahil duguan na ito, Ano mang oras ay mawawalan na ito ng hininga dahil marami na ang dugong nawala sa kaniyang kaibigan.








Walang nagawa si Janice kundi magpatianod sa lalaking humatak sa kaniya, Dinala siya nito sa harap kagaya ng kaibigan niyang si Alessandra.









Maya maya pa ay may pumutok ulit na baril, Napatingin ang lahat ng estudyante sa babaeng bumagsak. Walang iba kundi si Rebecca--- Binaril ito ng isang bandido dahil tatakas sana ito, Lalabas sana ito ng gym, Ngunit agad itong nakita ng isa sa bandido kaya binaril ito sa hita na siyang kinabagsak nito.








Nilapitan si Rebecca ng kaniyang kaibigang si lemonade at tinulungan.







" Boss! Nandito rin pala ang isa sa anak ni Mr.Mazcender! " Sabat pa ng isang lalaki at bahagya pang tinuro si Van. Masama itong tinignan ni Van pero hindi natinag ang bandido. Pwersahang tinayo si Van ng lalaki at katulad nila Alessandra at Janice ay dinala rin siya nito sa unahan.









Pwersahan kinuha ng isang bandido ang kanilang cellphone, Maya maya pa ay tinatawagan nito ang mga magulang nila Van.









Sa kabilang banda naman ay humahangos si Zerebine papunta sa opisina ng kaniyang asawang si Eros. Kakatanggap lang niya ng tawag sa lalaking nagpakilalang Eric. Humihingi ito ng Limang Milyon kapalit ng kalayaan ng kaniyang anak na si Van. Halos madapa na ito kakamadali patungo sa opisina ng kaniyang asawa.









Sa kakamadali ay hindi na niya na nagawang kumatok. Agad siyang lumapit sa kaniyang asawa na busy sa pagbabasa ng mga Dokumento.









Reincarnated as Seventh daughter of Mafia Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon