" Wala paren ba si Terry? " Tanong ni Ashley kay Andrea. Umiling iling nalang ito. Nasa alas kwatro na ng hapon ngunit wala paren ang kaibigan nito." Bingi ka ba?! Sabi ko anong ginagawa mo dito?! " Agad na lumabas sila Ashley ng marinig ang ingay na nanggagaling sa labas.
Naabutan nila si Allen na may Kausap na babae. Tsaka lang nila narealize kung sino iyon. It's Sally. Isa iyon sa kaibigan ni Janice. Isa iyon sa kaibigan ni Janice na nangbubully kay Marie. Bakit nandito to ngayon? Bakit narito ito ngayon sa bahay ng kanilang kaibigan na si Terry.
" Ano sumagot ka! Anong ginagawa mo dito?! " Narinig pa nilang sigaw ni Allen. Kapwa sila nagtataka kung bakit nandito ito ngayon.
Tila napipi nalang si Sally. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya ngayon. Napako ang kaniyang katawan sa kaniyang kinakatayuan. Hindi niya inaasahan na makikita niya dito ang mga taong hindi niya inaasahan.
Terry's POV
Kanina pa ako naiinis, Kasalukuyan akong nasa Neoma City ngayon ngunit wala paren akong mahanap na supplier. May nakasalubong pa akong mga manyak kanina. Pansin ko na ang lugar na ito ay halos walang pinagkaiba sa Eerie City.
Ang mga tao dito ay weirdo. Tinitignan lang ako ng mga taong nakakasalubong ko pagkatapos ay magpapatuloy na ulit sila sa paglalakad. Ayon sa Novel itong Neoma ay nag iisang lugar na nagbebenta ng mga Armas, Talamak din dito ang mga magnanakaw at manloloko. Kaya kailangan kong mag-ingat.
Maayos naman ang lugar at malinis ngunit kakaiba lang ang mga tao dito, Walang masyadong mga tao na naglalakad at tahimik hindi katulad sa Hoku City na puno ng tao at maingay.
" Dali mimi! Mag sara na tayo at sasapit na ang alas singko!! "
Tumingin ako sa isang tindahan na humahangos magsara. Sumulyap ito sakin saglit bago bumalik sa pag- aayos ng mga paninda nila. Tumingin ako sa buong paligid at nakita ko rin ang ibang tindahan na kapwa nagmamadali rin magsara.
Anong meron kapag sapit ng alasingko?
" Kuya! May alam ho ba kayong nagsusupply ng mga armas? " Lumapit ako sa lalaking may hawak na mga prutas hindi Ito makapaniwalang lumingon sa akin at mabilis na pumasok sa loob at sinara ang pinto ng kanilang tindahan.
Lumapit naman ako sa isang ale na nag- papasok ng isda sa isang timba. Nagmamadali itong lumayo sa akin ngunit nahawakan ko ang braso nito kaya napahinto ito.
" May alam ho ba kayong supplier ng mga armas? " Pilit nitong inaalis ang kamay kong nakahawak sa braso nito. Kaya Mas lalo ko itong diniinan. Napapikit ako sa mga imahe na nagpop up sa utak ko
" Mare! may nabalitaan nanamang natagpuang patay at may kagat sa leeg!! "
" Mama! Wag kana kaya magtinda baka mapahamak kapa! "
" Mama! Mag- iingat ka!!! "
" Pasing! Pasing! Yung anak mo natagpuang patay sa dalampasigan may kagat rin sa kaniyang leeg! "
Napatingin ako sa mukha ng matanda. May Nadiskubre ako ng hawakan ko ang kamay ng matanda. May nagaganap na kababalaghan sa lugar na ito pagsapit ng alasingko. May nangyayareng hindi maganda. Tuwing sasapit ang ala singko ay may mga taong nawawala at kinabukasan ay nakikita itong walang buhay na at may kagat sa leeg. Isa sa biktima dun ang anak na babae ng aleng hawak ko ngayon na nagngangalang pasing.
Natagpuang patay ang kaniyang anak sa dalampasigan at may kagat sa leeg nito. Sobra itong nagdalamhati. Hindi lang halata ngunit sobrang nagdadalamhati ito. Mukha lang siyang okay ngunit ang kaloob looban nito ay tila namatay na dahil sa pagkamatay ng kaniyang anak. Wala na ang asawa nito at ngayon ay wala narin maging ang nag- iisa niyang anak. Ito ay mag- isa nalang.
Tumingin ito sa akin na may takot.
" Miss! Mag aalasingko na. Mabuti pa't umuwe ka na muna at bukas ka na bumalik! Panigurado ay sarado na ang north gates kung saan ang bentahan ng mga armas! Delikado ang lugar na ito pagsapit ng alas singko! "
" Bakit ano ang mangyayare kapag sumapit ang alas singko ? " Tanong ko kahit alam ko na kung anong nangyayare. Base sa naalala ko wala naman naisulat sa novel na may nangyayare dito kapag sapit ng alas singko. Walang namemention na kababalaghan sa Lungsod na ito.
Anong nangyayare sa mundong ito bakit tila nag- iiba na ang mundong alam ko? Ito na ba ang tinutukoy ng dating Ozianna?
" Wala kang alam Miss! Bali- balita na kapag sapit ng alas singko may mga bampirang lumalabas! Kada araw ay may natatagpuang patay at may bakas ng kagat sa leeg! " Natatakot na sabi ng babae. Niluwangan ko ang paghahawak ko sa babae kaya agad itong kumaripas ng takbo papasok sa loob ng bahay nito.
Bampira? Diba ang mga bampira ay fictional lang at walang katotohanan. Ano na bang nangyayare sa mundong ito? Sobrang naguguluhan na ako sa lahat.
" Umuwe kana Miss.. Kung mahal mo pa buhay mo!!! " Rinig kong sabi ng ale bago malakas na sinara ang pinto ng kaniyang tindahan.
Naiwan pa nito ang tinda niyang mga isda kakamadali, Huminga lang akong malalim habang nakatingin sa pinto nitong nakasara.
Tahimik na ang lugar at talagang wala ng katao tao sa kapaligiran--- Tanging huni nalang ng mga ibon ang aking mga naririnig. Nagsimula akong maglakad at tinungo ang daan papuntang North Gates. May mga karatula sa gilid na nagtuturo sa daan patungo sa North Gates.
Ha. This City looks Dead City now. Sobrang tahimik at miski isang tao ay wala kang makikita. Tumingin ako sa orasan ko at may limang minuto nalang bago mag- alasingko.
Sinuot ko ang hood ng aking Jacket at tinahak ang daan patungo ng North Gates, Sobrang nakakadismaya dahil akala ko naman ay makakauwe ako ng maaga dahil may maliit na party na magaganap sa bahay para sa pagkakapanalo ni Ashley sa contest at idagdag pa na kanina pa nagtetext si Sally na nasa bahay na siya---Sigurado ako na maraming magugulat kapag nakita nila si Sally sa bahay. So much stress today ha.
Mag- aalasingko palang ngunit medyo madilim na, Ang mga street lights ay nakapatay--Para akong naglalakad sa isang Haunted na lugar.
Maya maya pa ay may mga narinig akong sari saring kaluskos, Ngunit kapag titingin ako sa likod ko ay wala namang tao.
Parang may mga taong nakamasid sa akin ngunit pagtitingin ako sa likod ay wala naman miski isang tao.
Umiling-iling nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad, Nakikita kona ang Gate ng North kaya mukhang malapit lapit na ako--- Napahinto ako ng makarinig ako ng parang may nabagsak sa aking likudan, Tumingin ako sa puno na nasa gilid ko at nilapitan iyon ngunit wala namang tao.
Akmang haharap na ako ngunit nahinto ako ng may maramdaman ako sa aking leeg.
" W-what the hell .... "
BINABASA MO ANG
Reincarnated as Seventh daughter of Mafia Boss (COMPLETED)
AcciónTerry is a hired killer who kill in exchange of Money. For her Money is everything. Then one day she realized all wrongdoings she done. She's going to change her life that's what she plan but while she's in her way to go to her new place to start a...