Habang tumatakbo ako papasok ay tanaw ko ang mga katawan na wala ng buhay sa sahig, Ang simpleng klase lang ay nauwe sa karumal dumal na pangyayare.Sobrang bilis ng mga pangyayare. Why this world change in instant? Hindi kona nakikilala ang mundong ito. Ibang iba ang Mundo na ito sa nakilala ko.
Agad akong nahinto ng may marinig na malakas na ingay--- Para itong tunog sa The Purge ng mag- uumpisa na ang purge. Kasabay nito ay ang tunog ng mga Helikopter.
" Mag-iingat ang lahat! Nagkalat ang mga kakaibang nilalang sa paligid! "
Tumingin ako sa langit at nakita duon ang Limang Helikopter, May isang Lalaki ang nakasilip sa baba at may hawak na Microphone.
Maya maya pa ay unti- unting bumulusok ang Helikopter ng may biglang isang Asong Lobo ang sumulpot sa himpapawid.
Sunod sunod rin nagsibagsakan ang iba pang Helikopter. Malakas ang pagsabog na narinig sa buong Akademya ngunit sa tingin ko ay hindi lang dito nagkakagulo kundi maging sa ibang lugar rin.
Third Person's POV
Ang mapayapang Tempest ay Unti- Unti ng nagiging magulo. Ang Emperor at Empress ay hindi magkaungagaga sa sunod sunod na mga hindi magandang balitang dumadating sa kanila. Kanina pa sila aligaga at hindi alam ang gagawen sa ganitong sitwasyon kahit siguro ay magpahanda pa sila ng Isang hukbo ng mga kawal ay wala iyong magagawa dahil ang mga kalaban nila ay hindi pangkaraniwan---Hindi sila halos makapaniwala sa mga binabalita sa kanila ngunit sa huli ay naniwala rin sila ng may biglang sumulpot na grupo ng mga nilalang sa harap ng trono nila.
" L-luna!! " Malakas na sigaw ni Lucian at mabilis na lumapit sa kaniyang kapatid na nasa sahig at nag- aagaw buhay. May malaking sugat ito sa dibdib at ang dugo nito ay umaagos sa sahig.
" L-lucian, Tulong.... "
Agad napalingon si Lucian kay Rebecca. Halos taasan siya ng balahibo ng makita niya si Rebecca na kanina lang ay nasa likod niya at ngayon ay nasa hindi kalayuan na. Nasa sahig ito at ang mata nito ay desperadang nakatingin kay Lucian na tila nagmamakaawa na iligtas siya nito dahil may isang bampira ang walang tigil sa pagsipsip ng dugo niya. Unti- unti ng nawawalan ng lakas si Rebecca at ang mata niya ay unti- unti ng pumipikit.
" R-rebecca... " Tanging sabi ni Lucian. Hindi niya alam ang gagawen niya. Gulat siya sa mga nangyayare ngayon, Hindi niya alam kung ano pabang gagawen niya gayung tiyak niya na mamatay rin siya sooner.
" K-kuya.... Tulungan mo ako " Mabilis na inalalayan ni Lucian ang kaniyang kapatid at dahang dahang humakbang. Ngunit ng makita ni Lucian ang nakangising bampira na papalapit sa direksyon nila ay halos lakad takbo ang ginawa niya ngunit sa huli ay naabutan paren sila nito.
Ginawa ni Lucian ang lahat para makipaglaban sa bampira ngunit wala talaga siyang binatbat dito dahil sa bilis at liksi ng Bampira---Pumikit nalang siya at hinintay ang papasugod na Bampira ngunit makalipas ng ilang minuto ay wala siyang kakaibang naramdaman..
Dahan dahan niyang inangat ang kaniyang paningin at tanging nakataas kilay na mukha lang ni Terry ang bumungad sa kaniya. May hawak itong patalim sa magkabilaang kamay nito. Nakita niya ang bampirang kaninang kumagat kay Rebecca ito ay nakahiga na sa sahig at mukhang wala ng buhay.
BINABASA MO ANG
Reincarnated as Seventh daughter of Mafia Boss (COMPLETED)
AzioneTerry is a hired killer who kill in exchange of Money. For her Money is everything. Then one day she realized all wrongdoings she done. She's going to change her life that's what she plan but while she's in her way to go to her new place to start a...