Third person's POVKinabukasan may isang balita ang nagpa-ingay sa buong Rimuru. Aligagang aligaga ang pamilyang Mazcender ng may mga dumating na pulis at pwersahang dinala si Lady Zerebine sa presinto, Nasa iisang lamesa ang membro ng Mazcender Family at kapwa tulala sa mga kaganapan na nangyayare--Hindi nila maipasok sa kanilang utak kung ano nga ba ang mga nangyayare.
" Dad! Totoo ba ang mga sinabi ng pulis? Nakapatay si Mom? " Tanong ni Oliver sa kaniyang ama. Hindi siya makapaniwala sa balitang nakarating sa kanila, Siya ang panganay sa kanila subalit ay wala siyang alam sa mga kaganapang nanyayare sa paligid at sa mga nangyayare sa buhay ng kaniyang mga kapatid at maging ng kaniyang ina.
" Kuya! Hindi kayang gawen yun ni Mama.. " Hindi napigilang mapasigaw ni Zebiana.
Sobrang frustrated na siya sa mga nangyayare, She don't know what to do anymore. Ang Ina niya ay dinampot ng mga pulis dahil naka hit and run ito-- She know that the police is telling the truth, Her mom just hit someone and ignored it. Alam nilang tatlo iyon si Van, Siya at ang kapatid niyang si Zaliya. Dahil ng makasagasa ito ay tinawagan pa silang tatlo para tulungan itong ilibing ng buhay ang lalaking nasagasaan ng kanilang ina.
Tahimik lang ang kanilang ama na si Eros at malalim ang iniisip, Hindi niya alam kung anong gagaweng hakbang sa ganitong mga problema--- Ni miski kahit isang beses ay hindi pa nadumihan ng ganito ang kaniyang pangalan. Ngayon ay nasa isang malaking sakuna ang pamilya nila maging ang mga business na hawak nila dahil sa malaking problemang dumating--- Trending ang pamilya nila sa social media, Laman din sila ng mga Balita sa tv at sa dyaryo.
" Dad, Tulungan mo si Mom! Wala siyang nagawang kasalanan, Hindi siya pwedeng makulong.. " Naluluhang sabi ni Zaliya. Lumapit pa ito sa kaniyang ama para magmakaawa.
Napapailing-iling lang si Van. Hindi siya makapaniwala na ganito magrereact ang kaniyang mga kapatid. Tumahimik nalang siya at pinagmasdan ang mga kamay niyang nasa lamesa.
Terry's POV
Nakangiti akong nakatingin sa repleksyon ko sa salamin habang sinusuklay ang aking buhok, Natutuwa ako sa mga kaganapang nangyayare ngayon--- Gayumpaman hindi ako makakapagcelebrate sa pagdadalamhati ng iba dahil may lakad ako ngayon.
Tutungo lang naman ako sa dalawang magkaibang City para personal na kumuha ng supplier na didirect ang deliver sa Hadleigh City.
Una ay tutungo ako sa Europia kung saan nanggagaling ang mga prutas at gulay ng buong rimuru, Hahanap ako ng direct supplier para mapamura at para mapadali ang aking tungkulin ngunit sa tingin ko ay hindi mapapadali ang aking paghahanap dahil ang pagdedeliviran ay patungong Hadleigh City...
Hadleigh City na isa sa mga City na pinakakinakatakutan ng mga tao, Bukod sa puno ng kriminal ang lugar na ito, Ang iba pa dito ay purong mamatay tao.
Pangalawang City na pupuntahan niya ay ang Neoma, Ang lugar na pinanggagalingan ng mga sandata o armas ng buong mamayan ng Rimuru.
Katulad ng hinahanap ko sa Europia ay ganun rin ang hinahanap ko sa lugar, Kailangan kong maisagawa ito ngayon dahil bukas ay iba na ang aking kailangan gawen. Ngayon ay sabado at bukas naman ay linggo, ito lang ang araw na libre ako kaya kailangan kong humabol sa mga dapat kong gawen--- Gustuhin ko man magsaya at magcelebrate ay hindi pwede dahil sa mga tungkulin ko.
Ang dami kong dapat icelebrate unang una ang pagiging Successful ng aking ni launch na app--Wala pang ilang araw ay nakaabot na agad ng millions ang downloads ang app na aking Nilaunch Sobrang pumatok ito sa mga tao dahil sa mga features at advantages na makukuha while using it.
Pangalawa ay ang pagkakakulong ng magaling kong Step Mother na si Zerebine, Deserved itong icelebrate dahil sa daming kasalanan nito kay Ozianna ngunit di bale nalang dahil baka mag- aksaya lang ako ng oras, Tiyak rin naman ako na makakalabas rin ito agad. Ngunit kahit makalabas ito, Ang mga nagawa niya ay hindi na mabubura sa isip ng taong bayan, Nakatatak na ito sa isipan ng bawat isa kahit gamitin nila ang kanilang kapangyarihan bilang pang- limang mayaman sa bansa ay wala iyong magagawa.
Pangatlo ay ang pagkapanalo ng aking kaibigan na si Ashley. Yes you read it right. She won kahit na may sumabotahe sa kaniya. Ofcourse she still won. After all I am her assistant pero kahit ganun ay siya paren ang nagpanalo sa sarili niya dahil sa mga effort na ginawa niya. She deserved it. I mean it.
Pang-apat ay, Empress invite me for a coffee. I finally hook their attentions! Ha ang dami ko ng ginawang pagpapansin para lang mapansin nila and finally they already notice me! Who wouldn't anyway? In just One year-- I snatch there position as the most richest in the the whole Rimuru and My application just boom in the whole country. Maybe they want to talk about business but sadly gusto ko magpabebe kaya I declined their invitation.
" Where are you going Terry my friend? Diba we are going to celebrate tonight? " Agad na lumapit si Ashley sa akin ng makita niya akong nakaupo sa sala habang inaayos ang sapatos na suot ko.
" I have a work to attend today but don't worry I'm here before it darks. " I smiled and look at Ashley when I finish fixing my shoes.
" I really loved how you dress Terry. " Nairap ko nalang ang mga mata ko. " Kahit sobrang simple mo lang, Ang ganda mo paren! " Winagayway ko lang ang mga kamay ko at dumiretsong labas na.
Galit na umupo sa dulong sulok ng selda si Zerebine, Naiyukom nalang niya ang kaniyang kamao. Hindi niya alam kung paano nakuha ang memory card ng dashcam ng kaniyang kotse. Hindi niya alam kung sino ang may pakana nito ngunit tiyak siya na isa ito sa may malalim na galit sa kaniya or isa sa mga kaaway niya. Malaman lang talaga niya kung sino ay tiyak na mata lang nito ang walang latay.
" Aba.. Aba. Tignan mo nga naman ang mapangmataas na donya ay narito ngayon at kasa-kasama natin sa selda... " Inangat ni Zerebine ang Kaniyang tingin at sumalubong sa kaniyang paningin ang babaeng papalapit sa kaniya. Malaki ang katawan nito at mukha itong lalaki.
" At sino ka namang hampaslupa ka? Talento mo ba ang umepal at mangielam? " May disgusto na sabi ni Zerebine.
Ngumiti lang ang babae at may sinenyas sa tatlong babaeng kasa- kasama nila sa selda-- Nakangisi nilang tinignan si Zerebine, Takot ang nadarama ni Zerebine. Takot sa kaniyang buhay. May alam siya sa pakikipaglaban ngunit hindi niya alam kung magiging sapat iyon, hindi niya alam kung kaya niya bang patumbahin ang apat na babaeng papalapit sa kaniya. Hindi siya kasing lakas at kagaling makipaglaban ng kaniyang mga anak.
Wala siya kumpara sa mga ito. Kung mawawala ang apilyido niya sa kaniyang pangalan ay isa lang naman siyang normal na tao na walang ibang gawin kundi magyabang at manlait ng kapwa.
" T-Teka... "
" Wag kayong lalapit!! "
" Tulong.. "
BINABASA MO ANG
Reincarnated as Seventh daughter of Mafia Boss (COMPLETED)
ActionTerry is a hired killer who kill in exchange of Money. For her Money is everything. Then one day she realized all wrongdoings she done. She's going to change her life that's what she plan but while she's in her way to go to her new place to start a...