Tatlong araw na ang nakakalipas simula ang nangyare sa pagsunog ko sa Solaire Hotel. Usap usapan pa rin ito ng karamihan ngunit naging tahimik ang may ari ng Hotel.
Kumakalat rin ang mga balitang may mga nawawala sa iba't ibang panig ng siyudad kagaya ng nangyare sa lugar na napuntahan ko kung saan una kong natuklasan ang existence ng mga bampira at asong lobo ngunit hindi ito kagaya na kinabukasan ay natatagpuan ang mga katawan ng nawawala na wala ng buhay tila ang mga nawawala ngayon ay hindi makita at walang lead kung saan napunta at sa ano ng nangyayare sa mga nawawala.
Ilang araw ko naring hindi nakikita sila Apollo and such a relief dahil walang nangbwibwisit sa akin.
Napatingin ako sa suot kong mga bracelet ng bigla itong umilaw hahawakan ko na sana ang mga ito ng biglang sumikip ang dibdib ko. Unti unti akong kinakapos ng hininga kaya napakapit ako ng mahigpit sa upuan na inuupuan ko.
" Lady Terry! Anong nangyayare sa inyo?! " humahangos na lumapit sa akin si Lilian habang may pag-aalala sa mukha nito.
Pumikit ako ng ilang minuto bago dumilat. Umupo ako ng maayos ng mawala na ang kakaiba kong nararamdaman bago pinagmasdan ang mga bracelet na suot ko.
" Ayos ka lang ba Lady Terry? " lumingon ako kay Lilian bago bumuntong hininga.
" Ipagtimpla mo ako ng kape kulang lang ako sa kape pagkatapos ay magpadala ka ng bagong batch ng supplies sa Hadleigh City, Lilian. "
" Masusunod po Lady Terry. "
Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko. Pinagmasdan ko ang convo namin ni Apollo at hindi ko mapigilang mapaisip lalo na ilang araw na itong hindi nagtetext at nangungulit.
It makes me annoyed just by receiving messages from Apollo dahil sakit ito sa ulo pero ngayong wala akong nakukuhang text hindi ko mapigilang mastressed. what the hell is happening.
" Ito na yung kape niyo Lady Terry. "
" Salamat Lilian, makakaalis kana. " tumango ito bago naglakad papalabas.
Sa kabila ng lahat ay pinili ko pareng hindi mag overthink sa kabila ng lahat. I'm walking inside the school when I saw a familiar face.
" Diyosa. " lumingon ako sa paligid at wala namang tao bukod sa aming dalawa kaya hindi ako nagreact ng tawagin ako nitong Diyosa since ayun naman ang tingin nila sa akin since I said that I am a Goddess.
Hindi ko mapigilang magtaka na makita ang itsura nito, May mga sugat ito sa katawan at kitang kita kung gaano ito kaproblemado.
" Anong ginagawa mo sa Lugar na ito? " I ask the woman.
" Kailangan namin ng tulong mo Diyosa. Marami ang sugatan sa lugar namin at ang mga pinuno ay kasalukuyang nawawala. "
" Anong ibig mong sabihin? " Hindi ko mapigilang maguluhan sa sinasabi ng babae. Hindi ko siya kilala ngunit tandang tanda ko pa siya lalo na siya ang tila Judge sa hukuman sa Dead City.
BINABASA MO ANG
Reincarnated as Seventh daughter of Mafia Boss (COMPLETED)
AcciónTerry is a hired killer who kill in exchange of Money. For her Money is everything. Then one day she realized all wrongdoings she done. She's going to change her life that's what she plan but while she's in her way to go to her new place to start a...