XLIX

8K 400 190
                                    







" Terry, Pasensya na hindi na kita mahahatid hanggang sa bahay mo... May emergency sa bahay! Malapit lapit narin naman ito bahay mo.. " Kumakamot na sabi ni David.








Tumango lang ako kaya mabilis itong umalis. I smell something fishy to David. Kani- kanina lang ay may tumawag sa kaniya at dahil sa tawag na yun ay nabagabag siya at mabilis na nagpaalam.







Pasikreto ko siyang sinundan ngunit ng pumasok siya isang iskinita ay bigla siyang nawala. Huminga akong malalim bago dumiretso sa sentro ng Tempest.








Nang makarating ako ng Tempest ay as usual. Magulo. Puno ng kalat ang buong paligid at maraming katawan sa paligid na mga wala ng buhay. Wala ang mga nakakasanayan kong nagtitinda sa bawat gilid. Wala ang ingay ng mga batang naghahabulan sa gitna ng kalsada. Wala ang mga nagtitinda na tila halos tumalon makatawag pansin lang sa mga dumadaan Those monster really make a messed. Those monster really ruined this place.








Wala ng bakas ng mga bampira sa paligid. Wala ring katao- tao.








Tuwid akong tumayo at malakas na pinadyak ang kaliwa kong paa sa lupa. Unti- unting nagkaroon ng liwanag mula sa paa ko. Unti- unti iyong gumapang sa lupa at sa buong nasasakupan nito.








Bawat nadadaanan ng liwanag ay unti- unting nanunumbalik sa dating kaanyuan nito. Ang mga halaman na nasira ay bumalik sa maayos na kaanyuan nito, Ang mga kaninang dugo na nagkalat sa buong kapaligiran ay nawalang bigla, Ang mga taong kanina lang ay puno ng sugat at wala ng buhay ay unti- unting gumaling tila ang mga ito ay nasa malalim nalang ng pagkatulog.








Bumalik sa pagkakaayos ang sentro ng plaza tila parang walang nangyareng delubyo sa lugar na ito. Ang liwanag ay nagpatuloy lang sa paggapang, Malayo layo na ang nararating nito at patungo na ito sa ibang panig ng lugar ng Tempest.







Huminga akong malalim at tatalikod na sana ng bigla akong mapatigil.







Agad akong napaupo dahil sa gulat.







" Tell us. Sino ka ba talaga? " Napatingin ako sa seryosong mukha ni Athicus. He is looking at me as if He is going to eat me. please eat me if I guess it right.






Hindi ko na nabilang kung ilang beses na ako napalunok. Thinking the idea that Athicus will eat me brings some weird emotions in my heart. Keme. Ang landi.







" Tell us who are you and how did you do that Miss. " Seryosong sabi ng lalaking nagngangalang Evander ngayon ko lang siya nakita na ganito kaseryoso. I always see the playful side of him wherever I met him.







Dumako ang tingin ko sa Lima pang lalaki na bago sa mga mata ko.






Ang isang lalaki ay may kulay puting buhok. Usually kapag ang buhok ay kulay puti ay nagmumukha itong matanda pero iba iyon sa lalaking nasa harap ko, Mas lalong nagpadagdag iyon ng kagwapuhan niya. Idagdag pa ang makisig nitong pangangatawan. I wonder kung may 8 packs ito. Hmm






Mabilis kong nilipat ang paningin ko sa lalaking may green na buhok. Mukha palang nito ay mapapasabi kana na ulalam. Dahil sa angking kagwapuhan nito. May matangos itong ilong at may mapupulang labi ngunit bakas sa mukha nito ang pagiging snabero dahil sa nakataas na kilay nito. Sa balikat nito ay may maliit na animal para itong buwaya na aso ang hirap maexplain ang itsura nito. Ang buntot nito ay may mga tinik na sa tingin ko ay kapag nadapuan ka ay automatic kang mapapagood bye world.







Reincarnated as Seventh daughter of Mafia Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon