CHAPTER 31Kinabukasan, Araw ng Sabado... naunang nagising si Carlo at pagtingin nito sa gilid niya ay mahimbing pa ang tulog ni Glen. Pinagmasdan niya muna ang kanyang pamangkin habang ito'y tulog. Ilang sandali pa ay agad niyang hinaplos ang pisngi ni Glen.
"Hindi ko talaga alam kung ano'ng gagawin ko kapag nawalay ka sa akin Glen. Hindi makukumpleto ang buhay ko kapag wala ka. Gagawin ko ang lahat maging masaya ka lang sa piling ko at hindi ako papayag na agawin ka ng kahit na sino, Hindi si Jerald, hindi si Vince, at mas lalong hindi si Mike. Akin ka lang Glen. Malaman man ni ate ang relasyon natin, ipaglalaban pa rin kita. Kaya kong ibuwis ang buhay ko maprotektahan lang kita." wika ni Carlo sa kanyang isipan habang hinahaplos niya ang mukha ni Glen.
Ilang minuto pa ang lumipas at biglang nagsalita si Glen habang nakapikit pa.
~~~×××~~~
Glen's POV
Mahimbing ang tulog ko nang maramdaman kong hinahaplos ni Kuya ang aking pisngi. Napilitan akong imulat ang mga mata ko dahil medyo nakikiliti ako sa paghaplos niya.
"Ano ba yan Kuyaaa... nakikiliti ako." sambit ko kay Kuya. Nang imulat ko ang aking mga mata ay nakatitig pala siya sa akin. Napangiti naman ako at binati ko siya agad.
"Good morning Kuya." bati ko sa kanya.
"Good morning baby. Nakatulog ka ba nang maayos kagabi?" tanong ni Kuya sa akin at agad niyang hinaplos ang aking buhok.
"Ciempre naman Kuya, maayos talaga ang tulog ko lalo na't katabi kong natulog ang lalaking mahal na mahal ko." nakangiting tugon ko kay Kuya.
Napangiti naman si Kuya sa sinabi ko kaya inilapit niya ang mukha niya sa akin para sana halikan ako pero pinigilan ko siya at inilapat ang hintuturo ko sa bibig ni Kuya.
Wala namang morning breath si Kuya. Mabango pa rin ang hininga niya kahit bagong gising siya. Kinikilig lang talaga ako kaya ko siya pinigilang halikan ako. Hahaha.
"Wait lang Kuya, di pa tayo nagsisipilyo eh. Mamaya na natin gawin yan, okayyy???" pacute kong sambit kay Kuya.
"Bakit?? Bad breath na ba ako?" tanong ni Kuya sa akin sabay amoy niya sa hininga niya.
"Hindi naman ah." dugtong niyang sambit.
"Eeeeehhhhh Kuyaaaaaa!!!!" pagpapacute ko kay Kuya.
"Bakit baby??" tanong ulit ni Kuya sa akin habang hinahaplos niya ang pisngi ko.
"Kinikilig kasi ako Kuya eeeeehhhhh!!! Hihihi!!" sambit ko kay Kuya.
Natawa naman si Kuya sa sinabi ko kaya agad na kaming bumangon at kinarga pa niya ako papunta ng banyo. Habang nagsisipilyo ako ay napansin kong hindi pa nagsisimula si Kuya at tinititigan lang niya ako nito kaya agad ko namang tinanong si Kuya.
"Bakit hindi ka pa nagsisipilyo Kuya?" tanong ko sa kanya. Agad na lumapit sa akin si Kuya at niyakap niya ako sa likod at agad na nagsalita.
"Ikaw ang gagawa niyan para sa akin baby." sambit ni Kuya sa akin. Agad naman akong natawa sa sinabi niya kaya tinapos ko na ang aking pagsisipilyo at kinuha ko na yung toothbrush ni Kuya at nilagyan ng toothpaste at tsaka sinimulang ibrush ang kanyang ngipin.
BINABASA MO ANG
My Forbidden Love
RomantikSi Glen Lopez ay isang 20 anyos na binabae na matagal nang naghahanap sa kanyang one true love hanggang sa isang araw ay nagdesisyon si Glen na umuwi ng Pilipinas dahil namimiss na niya ang kanyang tiyuhin na si Carlo Navarrete pero deep inside ay h...