My Forbidden Love (50)

418 29 1
                                    


CHAPTER 50






Nag file si Glen ng 3 days na leave at luckily approved siya at dikit pa sa rest days nito. Isang araw, tinawagan ni Glen si Mike para ayain siyang mag bar. Sa kanyang bestfriend na lang siya magtatanong kung saan yung magandang bar kasi di naman siya masyadong pamilyar sa mga bar dito sa kanilang lugar eh.





"Hello babe?" tugon ni Mike pagkasagot nito.





"Babeee!! How are you?..." masayang bungad sa kanya ni Glen.





"Heto babe... namimiss na kita." malambing na tugon sa kanya ni Mike.





"Susss.. oh sige na nga.. I miss you too babe." tugon ni Glen kay Mike. Natawa naman siya sa sinabi ng kanyang bestfriend.





"Kinilig naman ako dun ah... hahaha.. ano'ng atin?" tanong niya kay Glen.





"May alam ka bang bar dito babe? Gusto ko sanang mag bar eh. Gusto kong subukang uminom." sagot nito kay Mike.





"Why??? May nangyari ba?" tanong nito kay Glen.





"Babe... I need someone to talk. I'm depressed." agad na tugon ni Glen kay Mike.





"Oh? Alam mo pala yang word na yan? How come? Sige... meron akong alam na bar. Kita tayo ngayon?" tanong ni Mike kay Glen.





"Sige kahit saan man yan basta kasama lang kita." sambit nito kay Mike.





"Oh sige babe. Mag aayos lang ako. Sunduin kita diyan once I'm finished. Okay?" tugon ni Mike kay Glen.





"Thank you babe." sambit ni Glen kay Mike.





"Sure babe. Bestfriend kita eh. No worries, aalisin natin yang depression mo. Oh sige na ha? Byee babe. Love youuu." sambit ni Mike kay Glen.





"Love youuuu. Byeee." agad na tugon ni Glen kay Mike.





Tuwang tuwa si Glen matapos niyang makausap si Mike kaya agad na siyang naligo at nagbihis. Pagkababa niya ng hagdan ay saktong wala ang Kuya Carlo niya. Malamang ay nasa kwarto niya. Dumirecho si Glen ng sala at dun na naghintay kay Mike. 20 minuto ang nakalipas at narinig na niyang bumusina ang kotse ni Mike kaya agad na niyang pinatay ang TV at nang akmang aalis na ito ay tinawag siya ni Carlo.





"Glen? Sa'n ka pupunta?" narinig din naman siya ni Glen pero di niya ito nilingon at direcho lang siyang lumabas ng bahay at dali daling sumakay sa kotse ni Mike.





Nang makarating na sila ni Mike sa parking area ng bar ay di muna sila bumaba. Agad nang hinawakan ni Mike ang kamay ni Glen at nagtanong.





"Babe?? What happened?" tanong ni Mike sa kanya. Di na rin napigilan ni Glen ang sarili niya at agad na siyang naiyak. Nagulat naman siya sa pag iyak ng kanyang bestfriend kaya agad niya itong inalo.





"Bakit ka umiiyak babe?? Ano'ng nangyari??" tanong ni Mike kay Glen habang inaalo niya ito.





"Ginawa akong tanga ni Kuya." naiiyak na sambit ni Glen kay Mike.





"What do you mean babe???" tanong nito kay Glen.





"I caught him having sex with his ex girlfriend. Sa loob mismo ng bahay namin at sa birthday ko pa talaga!!." sagot ni Glen habang patuloy lang siya sa pag iyak.





My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon