My Forbidden Love (4)

1.4K 49 0
                                    


CHAPTER 4






Pagkatapos ng pagpapa blessing ng kanyang sasakyan ay nagpunta na ng kwarto si Glen at nagpahinga at dahil sa pagod ay nakatulog ito nang mahaba haba. Gabi na nang magising si Glen at naisipan niyang magluto na ng hapunan nila ng kanyang tiyuhin.

Pagkalabas niya ng kwarto ay narinig niya na may mga lalaking nag uusap at nag tatawanan sa sala nila. Bumaba si Glen at nagtungo sa sala para tignan kung sino ang mga ito at nadatnan niya si Carlo na umiinom at may kasama na isang lalaki.





~~~×××~~~





Glen's POV



"Uy Glen! Halika rito at may ipapakilala ako sa'yo" bungad sakin ni Kuya nang makita niya akong papalapit sa sala.





"Sandali lang kuya magpapalit lang po ako ng damit" sagot ko kay Kuya Carlo.





Nakakahiya kasi naka short shorts pa ako at sando. Maglalakad na sana ako pero biglang nagsalita si Kuya Carlo.





"Wag ka nang magbihis Glen, halika na dito" wika ni Kuya habang nakatingin silang dalawa sakin. Nahihiya man pero wala na akong choice kundi bumalik at lumapit kay Kuya.





"Glen, ito nga pala si Kurt, kaibigan ko at kasamahan ko rin sa trabaho at Kurt, siya si Glen, pamangkin ko." Pagpapakilala ni Kuya Carlo saming dalawa. Tumayo naman si Kurt at lumapit sakin.





"Hi Glen! Kurt nga pala, nice meeting you." pagpapakilala ni Kurt sakin sabay offer ng kamay niya para makipag handshake. Agad ko namang tinanggap ang kamay ni Kurt at nakipag handshake.





Di ko napigilang hindi mapatingin sa katawan ni Kurt dahil maganda din ang pangangatawan nito katulad kay Kuya Carlo. Mahilig din yata sa pag gy-gym itong si Kurt. Meron siyang tattoo sa kanyang left arm at nakakadagdag pogi points yun sa kanya. At di rin nakaligtas sa mga mata ko ang umbok ni Kurt. Mabuti nalang at nakontrol ko agad ang aking tingin at agad na binalik sa mukha ni Kurt ang tingin.





"Hello po Kuya Kurt, nice meeting din you po." sabay ngiti ko naman sa kanya.





"Naku wag mo na akong tawaging Kuya, nakakatanda yun eh, Kurt nalang itawag mo sakin, I'm sure di naman nagkakalayo mga edad natin" sabay ngiti sakin na ubod ng tamis.





"Hehe, sigeeee." tanging sagot ko kay Kurt.





"Glen! May asawa na yang si Kurt, pero nasa ibang bansa kaya pwede mo siyang tikman." biglang sabi ni Kuya Carlo sakin sabay tawa.





"Huyyy!!! Kuya talaga, binugaw pa tong si Kurt sakin, naku wag kang maniwala jan sa Kuya ko, Kurt, nagbibiro lang yan. Hehe" sagot ko kay Kuya habang nakatingin kay Kurt.





"Okay lang yan Glen, bakit? Ayaw mo ba sakin?" Sagot ni Kurt habang nakatingin siya sa akin.





Nagulat ako sa sinabing 'yon ni Kurt at di ako agad nakasagot. Pero buti nalang nasalo ko yung sarili ko at nakapagsalita agad.





"Oyy isa ka pa Kurt, wag kayong ganyan!" at nagtawanan kaming tatlo.





Habang nagtatawanan kaming tatlo ay nahagip pa ng mata ko si Kurt na nakatingin sa akin habang nakangiti. Doon ko nakita ang gwapo niyang mukha. Nginitian ko nalang siya nang pagkatamis tamis at nagpaalam kay Kuya.





"May pagkain na ba tayo Kuya? Kung wala pa ay magluluto na ako." Tanong ko kay Kuya.





"Meron naman Glen, pero kung gusto mo pa ring magluto, okay lang." sagot ni Kuya sakin.





"Ah sige Kuya punta na muna ako ng kusina at magluluto na lang ako, dito ka narin kumain Kurt ha." sabay tingin kay Kurt habang nakangiti.





"Oh sige, excited na kong matikman ka, ay este yung luto mo pala" pabirong sagot ni Kurt sakin.





Nagtawanan naman kaming tatlo at tuluyan na akong umalis papunta sa kusina para maghanda ng aming kakainin ngayong gabi.





Habang nagluluto ako ay naalala ko naman yung nabanggit ni Kurt sa akin





"Oh sige, excited na kong matikman ka, ay este yung luto mo pala."





"Totoo kaya yung sinabi ni Kurt?" sabi ko sa aking isipan.





"Nevermind, baka pinagtitripan lang niya ako nun" bulong ko sa sarili ko habang nagluluto.





Nang matapos ko na ang niluluto ko ay tinawag ko na sila Kuya at Kurt para kumain. Agad namang tumayo ang dalawa at nagtungo sa dining area. Babalikan nalang daw nila ang kanilang inumin pagkatapos kumain.

Habang kumakain kaming tatlo ay napapansin ko si Kurt na panay ang titig sa akin. At nung nahuli ko siyang nakatingin sa akin ay akala ko iiwas siya ng tingin pero ang ginawa niya ay ngumiti pa nang pagkatamis tamis. Halos mawala na yung mata niya sa pag ngiti at napansin 'yon ni Kuya Carlo na nagtititigan kaming dalawa ni Kurt.





"Oyy! Baka bigla nalang kayo mag evaporate diyan ha." Pagbibiro ni Kuya Carlo sa amin ni Kurt at tumawa kaming tatlo habang kumakain.





Pagkatapos naming kumain ay niligpit ko na yung mga pinagkainan naming tatlo. Tumayo si Kurt at tinulungan ako na ligpitin yung iba naming pinagkainan.





"Tulungan na kita diyan Glen" pag prisinta naman ni Kurt sa akin.





Tinulungan na ako ni Kurt na hugasan yung iban mga pinagkainan namin. At nang matapos na kaming maghugas ay bumalik na kaming dalawa sa sala nang anyayahan ako ni Kuya na sabayan ko daw sila sa pag inom.





"Glen, sabayan mo naman kami ni Kurt sa pag inom." aya ni Kuya Carlo sakin.





"Sorry kuya pero I don't drink eh. Mababa yung tolerance ko sa alcohol." sagot ko kay Kuya.





"Ganun ba? Sige. Pero samahan mo nalang kami dito oh." pagpapacute ni Kuya sakin na ikinilig ko naman kaya pumayag nalang din ako na makipag chismisan sa kanila.





Habang nag uusap kaming tatlo ay nabanggit ni Kuya Carlo na hiring pala ang kanilang kumpanya at kahit walang experience sa BPO ay tinatanggap nila at sinabi ring baka si Kurt pa ang maging Supervisor ko pag natanggap ako dun kaya naman na engganyo akong mag apply at sasamahan narin ako ni Kuya na mag process ng mga kailangan requirements para sa application.








Continue...








---@spicelopez---

My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon