CHAPTER 26Kinabukasan... Araw ng Undas, maaga din silang ginising ulit ni Dayana sina Glen at Carlo dahil pupunta sila sa puntod ng kanyang Lola't Lolo at pati na rin sa Daddy nito. Kailangan nilang pumunta nang maaga dahil siguradong marami na namang tao ang dadagsa sa sementeryo.
Pagkarating nila sa puntod ay si Dayana na ang nagbukas ng gate at agad na silang nagsindi ng kandila, naglagay ng mga bulaklak at nag alay ng dasal para sa kanilang yumao.
"Lucia Marisol Aldana Navarrete, Fernando Joaquin Alvarez Navarrete, Ma! Pa! Nandito na ulit kami kasama ni Carlo at yung nag iisang apo niyo na si Glen. Sayang at di niyo na nakita ang glow up ng apo niyo." pakikipag usap ni Dayana sa kanyang mga magulang.
Pagkatapos ay sa puntod ng kanyang asawa niya naman ito tumingin si Dayana.
"Babe!! Pasensya na ngayon lang ulit kami nakadalaw sa'yo ha. Miss na miss na miss na kita babe! Kahit ano'ng mangyari hindi kita ipagpapalit." wika ni Dayana sa puntod ng kanyang asawa.
"Ayyy ibaaaa Babe!! Pang jowa!!" sambit ni Glen sabay tawa.
"Asawa!" biglang sagot ni Dayana sa anak niya.
"Jowa! Asawa, ka partner, katuwang sa buhay, better half, ano mang salita kung gusto mong gamitin, kung ano'ng ibig sabihin, nasa sa'yo na 'yon, Asawa!" sambit ni Glen out of nowhere.
"Yun nga ang sinasabi mo pero yun ang wala ka!" pag asar ni Dayana kay Glen.
"Owwwwwww!!! Foul!" biglang hiyaw ni Carlo sabay tawa.
"At talagang nakisali ka rin Kuya ha! Coming from you?" baling niya sa Kuya Carlo niya sabay tawa at nilingon ang Mommy niya.
"Grabe ka naman Dayana Esperanza Navarrete Lopez!! Ma! Biruan lang naman 'to ba't namemersonal ka?" agad na sambit ni Glen kay Dayana na agad naman nilang ikinatawa na tatlo.
"Oh bakit?? Hindi ba totoo??" tugon ni Dayana sabay tawa nito.
"Grabe siya oh." tanging tugon ni Glen sa kanyang ina.
"May boyfriend ka naman Glen ah. Ano'ng ginagawa ko dito oh??" biglang sambit ni Carlo sabay turo niya sa sarili niya.
Para namang mapupunit yung bibig ni Glen sa pag ngiti dahil sa sinabing iyon ni Carlo.
"Ayy oo nga pala Mommy... may boyfriend pala ako... siya..." sabay yakap ni Glen kay Carlo.
Agad namang natawa si Dayana sa sinabi ng anak niya. Pagkatapos ng kanilang bonding ay agad na rin silang umuwi.
~~~×××~~~
Days have passed...
Araw ng Huwebes... abala na sila sa kanilang product training. Habang nag lelecture si Jerald ay panay ang titig nito kay Glen sabay kindat. Si Glen naman ay deadma lang at nag fofocus lang sa lecture nito para madaling mag sink in sa utak niya. Abala lang si Jerald sa lecture nila hanggang sa nagtanong ito ng out of the topic question sa kanila.
"Just a question guys, Nasubukan niyo na bang mag mahal ng hindi naman kayo mahal?" tanong ni Jerald.
Agad namang nagsireact ang iba nilang mga wavemates. Yung iba sa kanila ay natawa at yung iba ay sumasagot sagot rin hanggang sa nagsalita si Vince.
BINABASA MO ANG
My Forbidden Love
RomanceSi Glen Lopez ay isang 20 anyos na binabae na matagal nang naghahanap sa kanyang one true love hanggang sa isang araw ay nagdesisyon si Glen na umuwi ng Pilipinas dahil namimiss na niya ang kanyang tiyuhin na si Carlo Navarrete pero deep inside ay h...