My Forbidden Love (72) (Part 19)

929 31 0
                                    


CHAPTER 72






Glen's POV





"Sa'n kayo pupunta Glen?" tanong ni Kuya sa akin.





"Pupuntang Manila Kuya... manonood ng concert ni Madonna sa MOA Arena... we still have time pa naman kung gusto mong sumama... we've secured a ticket for you..." tugon ko sa kanya.





"Uhmm... pwede ba akong sumama Glen??.." nahihiyang tanong ni Kuya sa akin.





"Sure Kuya! We'll just wait here sa living room." tugon ko sa kanya sabay punta namin ni Mike ng living room.





Agad nang naligo at nagbihis si Kuya. Ilang minuto lang ang lumipas ay dala na ni Kuya ang kanyang malaking bag. Nang handa na kaming lahat ay kaagad na kaming lumabas ng bahay at sumakay ng taxi papuntang airport.

At dahil matagal pa ang aming flight ay waiting session kami sa loob. Habang naghihintay kami pinabili muna ni Kuya si Mike ng mga makakain namin. Kaagad namang tumayo si Mike at umalis papuntang bilihan ng mga pagkain.

Ngumiti sa akin si Kuya. Natuwa naman ako kasi pinansin na niya ako. Binalikan ko naman agad si Kuya ng ngiti. Habang wala pa si Mike ay nakikipag kwentuhan na sakin si Kuya, kinakamusta niya ang mga calls ko. Ilang sandali lang ay bumalik na si Mike dala ang aming mga kakainin. Nang akmang uupo na si Mike sa tabi ko ay biglang nagsalita si Kuya.





"Dito ka na sa tabi ko Mike." sambit ni Kuya.





"Huh??..." tanong ni Mike.





"Huwag ka nang magreklamo..." pagalit na sabi ni Kuya.





"Ano ba naman yan Kuya!!!" pag awat ko sa kanila.





"Sige dito na lang ako Babe. Ayos lang ako dito" sabi sakin ni Mike.





Alas dies na ng umaga kami nakarating ng airport sa Manila... at dahil wala naman kaming kakilala ay naghotel lang kaming tatlo. Dalawang room sana ang kukunin ko pero inunahan na ako ni Kuya at isang pang 3 person na room ang kinuha niya. Aangal pa sana ako pero sinenyasan ako ni Mike na huwag na lang kaya hindi na lang ako umimik.

Dumating yung araw ng concert... intro pa lang ay napaka engrande na... at ciempre napasigaw na ako sa tuwa. Halos mawalan na ako ng boses sa concert na ito... pa'no ba naman kasi... sa halos dalawang oras ay kung hindi sigaw ay panay ang kanta ko... hehehe... avid fan po talaga ako ni Madonna...



Madonna - "Iconic" (Live from Rebel Heart Tour)




Naging masaya ang concert experience ko at umuwi kaming masayang masaya. Masaya ako kasi nag enjoy din si Kuya sa concert... maliban lang kay Mike... bakit??... eh sa tuwing tumatabi sa akin si Mike ay humaharang si Kuya at niyayakap niya ako... hayyy nakuuu...

Nang matapos ang concert ay umuwi din kami kinabukasan. Alas siete na ng gabi nang kami ay makarating sa bahay. Pagkapasok namin ng kwarto ay agad na kaming nag shower ni Mike. Pagkatapos naming mag shower ay nagbihis na agad kami at tinungo ko ang kusina para magluto ng pang merienda na lang. Nagluto ako ng Papa Rellena at Pastelón at tsaka gumawa rin ako ng Coquito.





My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon