My Forbidden Love (15)

766 37 0
                                    


CHAPTER 15







Lumipas ang mga araw at magsisimula na ako sa aking bagong trabaho. Maaga kaming nagising dahil baka abutan kami ng traffic sa daan. Pinapapunta kasi kami sa office ng 2 hours before training time. Since wala pa akong alam sa kumpanya at kung saan ito located ay magkasama kami ni Kuya na pumunta ng opisina.

Pagkarating namin ng opisina ay pumunta muna kami ni Kuya sa front desk para sa temporary ID ko. Pagkapasok ng mismong office ay pinaupo ako ni Kuya kasama ang iba pang mga trainees sa lobby at sinabihan niya ako na dito daw kami maghihintay hanggang lumabas ang magiging trainer namin.

Napatingin at napabulong pa ang ibang mga trainees nang makita nilang hinalikan ako ni Kuya sa pisngi bago siya tuluyang pumasok ng production floor. Di ko nalang sila pinansin at nag cellphone nalang ako. I mean, why would I waste my time on someone na walang ambag sa buhay ko, diba? Hahaha

Habang busy ako sa cellphone ko ay may tumawag sa pangalan ko. Agad kong tinignan kung sino yung nagsalita dahil medyo pamilyar sa akin ang boses.





"Glen??? Ikaw ba yan??" tanong ng guy sa akin nang makalapit siya sa akin.





"Oh my goshhhh!!! Mike!!!..." Gulat kong tugon sa kanya. Muntik pa akong mapasigaw sa tuwa.





"Baaaabeeee!!!!" nakangiting sambit ni Mike sakin at agad niya akong niyakap.





"Ahhhhh I miss you so much babe!!! Kamusta ka na?? Ano'ng ginagawa mo dito?" tuwang tuwa kong tanong kay Mike.





"Na refer ako dito. Ngayon ang first day ng training ko., ikaw??" sagot ni Mike sa akin.





"Really????? First day din ng training ko, ano'ng wave ka?" tanong ko kay Mike.





"Wave 106 D" sagot ni Mike sa akin.





"Ayyyyy!!! Magkawave pala tayo eh. Hanggang dito sa trabaho ay magkasama parin tayo." sagot ko kay Mike sabay yakap sa kanya.





Hindi ko nga akalain na magiging close kami nito kasi nga straight siya. Nung una ay di ko pa siya masyadong pinapansin kasi baka ayaw nito sa kagaya ko pero siya pa ang naging bestfriend ko nang nasa Amerika pa ako kaya lang ay pagkatapos niyang mag graduate ay umuwi na ito ng Pinas. Di ko akalaing magkikita pa kami nito eh.

Tumabi sakin si Mike at nagsimula na kaming magkwentuhan, hanggang sa dumating na yung magiging trainer namin at sinabihan na kaming pumasok na ng training room. Nang makapasok na kami ng training room ay naupo kami ni Mike sa left side facing the trainer. Nang mapuno na ang training room ay kaagad na pumasok ang trainer namin at nagpakilala.





"Good morning everyone, My name is Jerald Illustrisimo and I'll be your trainer for this whole training period. Just call me by my first name or pwedeng Je nalang, at wag niyo nang dagdagan pa ng kung ano ano, Just Jerald or Je. Okay??" pagpapakilala niya samin sabay ngiti. Nawawala ang mata niya pag ngumingiti siya.





Tinignan ko siya nang mabuti. Ang cute niya, maputi at may braces sa ngipin. Panay tingin din niya sa akin at may kasama pang kindat habang nagsasalita siya pero dinedma ko ito, ciempre si Kuya na ang nilalaman ng puso ko noh.

Pagkatapos niyang inintroduce ang sarili niya ay nagsimula na kaming i-introduce ang mga sarili namin. Pinauna ako ng trainer ko since kanina niya pa ako tinitignan eh. Kaagad naman akong tumayo at nagsimula nang ipakilala ang sarili ko.





"Good morning everyone, I'm Glen Dale Alexander Lopez but you can call me Glen nalang para madali, I'm 20 years old and this is my first time working in the BPO Industry." nakangiting pagpakilala ko sa kanila.





"I didn't expect na lalake ka pala, Glen, akala ko talaga babae ka. Anyway, you have pretty face. You look like Stefania Fernandez..." nakangiting sambit sakin ng trainer ko sabay kindat.





"Thank you po. Hehe" nahihiya kong response sa trainer namin.





Sunod naman na nagpakilala si Mike.





"Hi everyone, I'm Michael Angelo Fernandez, you can call me Mike, I'm 20 years old din and this is also my first time working in the BPO Industry." pagpapakilala ni Mike sa amin.





Yung iba naming mga wavemate na babae at bakla ay todo ngiti habang nakatingin dito kay Mike. Gwapo din naman kasi 'tong bestfriend ko eh at maganda din ang hubog ng katawan. May tattoo pa sa kanyang dalawang arms na lalong nagpadagdag hotness sa kanya.





"Thank you Mike." nakangiting tugon ni Jerald pagkatapos nitong magpakilala.





Nagpatuloy ang introduction namin hanggang sa matawag ang pansin ko sa huling wavemate ko na nagpakilala.





"Hi, I'm Marco Vincenzo Castellanos, you can call me Vince. I'm 24 years old and I've been in the BPO industry for 6 years and this is my 2nd BPO company.





Tinignan ko siya nang mabuti habang nagsasalita siya. Gwapo din 'tong si Vince, maputi, makinis at hottie din pero masyadong plain ang ichura niya para sa akin.








Continue...








---@spicelopez---

My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon