CHAPTER 25Pagkatapos naming kumain ay iniligpit ko na ang mga pinagkainan at agad nang hinugasan 'yon. Nang matapos ay agad na kaming bumalik ni Kuya sa kwarto para magpahinga. Dumirecho na ako sa study table ni Kuya at pinaandar ang laptop ko para ipagpatuloy ang ginagawa kong novels.
Habang abala ako sa harap ng laptop ko ay naka receive ako ng message sa IG. Agad kong binuksan ito at binasa.
"Hi Glen, Good Morning. Are you free today? Can I invite you for a coffee?"
Agad naman akong nag reply kay Jerald.
"Good Morning Trainer, Yeah! I'm free today but I'll have to ask permission first with Kuya before I go. I'll let you know if it's a yes."
"Okay, I'll wait." reply ni Jerald sa akin.
Kaagad kong pinaalam kay Kuya ang natanggap kong imbitasyon mula kay Jerald.
"Kuya, iniinvite ako ng Trainer ko for a coffee daw." sambit ko kay Kuya habang nakasmile.
"Si Jerald?" tanong ni Kuya.
"Yes Kuya. Papayagan mo ba ako?" pagpapacute kong tanong kay Kuya.
"Hayyyy, what can I do pa ba?? Since you're my one and only baby." sagot ni Kuya sa akin.
"Thanks Kuya, I love youuuu!!" sabay yakap ko kay Kuya at pa smack siyang hinalikan sa labi.
"Sige na, you can go. But ihahatid kita papunta doon ha at ako rin ang magsusundo sa'yo mamaya. Masyado yang flirt si Jerald, walang pinapalampas 'yan mapa babae man o bakla kaya wala akong tiwala diyan sa kanya." sambit ni Kuya.
"Don't worry Kuya, ikaw ang magsusundo sa akin mamaya. Huwag na magselos, okayyy??" sagot ko kay Kuya at hinalikan siya ulit sa labi nito. Kinuha ko na yung phone ko at agad na nagreply kay Jerald.
"Pumayag na si Kuya na umalis ako. So, saan tayo magkikita?"
"Coffee Bean & Tea Leaves na lang tayo para hindi masyadong matao." reply ni Jerald sa akin.
"Ngayong oras na ba tayo magkikita?" agad kong tanong sa kanya.
"Yes, kung okay lang sa'yo?" reply ni Jerald.
"Sure, mag aayos na ako ngayon." sagot ko kay Jerald.
"Okay, see you in a bit." reply ni Jerald.
Kaagad kong tinanong kay Kuya kung saan 'tong coffee shop na ito. Buti na lang at alam niya kaya di na kami mahihirapang hanapin ito. Agad na kaming nagbihis na dalawa. Tumungo muna kami ni Kuya kay Mommy para magpaalam na may pupuntahan ako.
Kaagad namang pumayag si Mommy dahil si Kuya naman ang maghahatid sa akin sa pupuntahan ko hanggang sa nakaalis na kami ng bahay. Pagkarating namin sa coffee shop ay bumili muna si Kuya ng iced coffee bago tuluyang nagpaalam.
"Oh pano? Text mo ako kung ano'ng oras kayo matatapos ha?" sambit ni Kuya.
"Thank you Kuya." sabay yakap kay Kuya at tuluyan na siyang umalis.
BINABASA MO ANG
My Forbidden Love
RomanceSi Glen Lopez ay isang 20 anyos na binabae na matagal nang naghahanap sa kanyang one true love hanggang sa isang araw ay nagdesisyon si Glen na umuwi ng Pilipinas dahil namimiss na niya ang kanyang tiyuhin na si Carlo Navarrete pero deep inside ay h...