CHAPTER 38Madaling araw nang bigla akong magising dahil ako ay naiihi. Nakayakap pa sa akin si Kuya kaya dahan dahan ko itong inalis at ingat na ingat akong bumangon para lang hindi magising si Kuya at dali dali na akong nag tungo ng banyo. Nang matapos na akong umihi ay di muna ako bumalik sa higaan, bagkus ay kinuha ko muna ang phone ko at nag check ng soc med ko. Marami pa ring nag sesend ng friend requests sa akin, mostly mga lalaki pero since wala naman ako masyadong kilala ay di ko ito inaccept.
Ilang minuto lang ng pag check ko sa aking social media accounts ay naririnig ko na parang umuungol si Kuya sa higaan niya. Agad naman akong napalingon at dali daling nilapitan siya at pina ilaw ang lampshade niya. Pagkaupo ko sa tabi niya ay parang umiiyak ito pero nakapikit.
Siguro nananaginip siya. wika ko sa aking isipan.
"Mmmmm... Gleeeennn!!! Huwag mo akong iwan!! Mahal na mahal kitaaa!! Gleeennn!!! Pleaseee!! Hindi ko kayang mabuhay na wala kaaaa... mmmmmm.." mahinang iyak ni Kuya.
"Kuya??? Kuya??? Gising Kuya.." pang gigising ko kay Kuya habang hinahaplos ko ang mukha niya.
Ilang sandali lang ay biglang nagising si Kuya at pagkakita niya sa akin ay agad siyang napabangon at niyakap ako nang mahigpit.
"Gleeeeennnn!!! Babyyyyy!!! Pleaseee!!! Huwag mo kong iwan haaa..." umiiyak na sambit ni Kuya habang nakayakap siya sa akin.
"Huwag ka nang umiyak Kuya, it was just a bad dream, okay?" pag aalo ko sa kanya.
Nang humiwalay na si Kuya sa pagkaka yakap sa akin ay agad niya akong hinawakan sa pisngi at hinalikan sa labi. Nang humiwalay na ang aming mga labi ay agad siyang nagsalita.
"Basta ha?? babyyy... Hindi mo ako iiwan.. hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag iniwan mo ako." sambit ni Kuya na patuloy pa rin sa pag hikbi habang hawak niya ang aking pisngi.
"Pangako Kuya, hinding hindi kita iiwan. Mahal na mahal na mahal kita Kuya..." tugon ko sa kanya sabay yakap nang mahigpit. Nang humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya ay agad siyang nagsalita.
"I love you babyyy.." lumuluha niyang sambit sa akin sabay halik niya ulit sa aking labi.
"I love you so much Kuya... Sige na, higa ka na. Tulog na tayo ulit ha." nang maihiga ko na si Kuya ay kaagad naman ako nahiga sa tabi niya.
Nang makahiga na ako ay agad akong niyakap ni Kuya nang mahigpit. Hinaplos haplos ko na ang kanyang buhok habang nagkaka titigan kaming dalawa hanggang sa hinalikan ko siya sa kanyang noo.
"Ang sama sama ng panaginip ko baby." sambit ni Kuya sa akin.
"Ano ba yung napanaginipan mo Kuya? At bakit ka umiyak?" agad kong tanong kay Kuya.
"Nanaginip ako na isang araw habang nasa sala ako ay bigla ka na lang lumabas ng kwarto mo at may dala dala ka nang maleta at ang sabi mo sa akin ay di mo na daw kaya na makasama ako. Kaya ayun napaiyak ako kasi di ko naman alam ang dahilan kung bakit mo ako iiwan." malungkot na sambit ni Kuya sa akin.
"Huwag kang mag alala Kuya, hinding hindi ko gagawin yun. Hinding hindi kita iiwan. Basta ipangako mo lang sa akin Kuya na hindi mo ako bibigyan ng rason para iwanan ka." agad kong tugon kay Kuya.
BINABASA MO ANG
My Forbidden Love
RomanceSi Glen Lopez ay isang 20 anyos na binabae na matagal nang naghahanap sa kanyang one true love hanggang sa isang araw ay nagdesisyon si Glen na umuwi ng Pilipinas dahil namimiss na niya ang kanyang tiyuhin na si Carlo Navarrete pero deep inside ay h...