CHAPTER 69Nagising ako ng tanghali at ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Ilang litro na kaya ng luha ang naiyak ko ngayon? tanong ko sa aking sarili.
Agad na akong bumangon at tumungo ng banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay agad na akong nagbihis at lumabas ng kwarto. Pagkababa ko ay nandun si Kuya sa sala na nakaupo lang at tulala. Nang mapansin niya ako na pababa ng hagdan ay agad siyang tumayo at nilapitan ako.
"Glen??" agad na sambit niya sa akin.
Pero ciempre dahil nasaktan ako sa sinabi niya kanina ay nilagpasan ko lang siya. Agad niya naman akong nahawakan sa kamay at nagsalita siya.
"Glen... please... let me explain." sambit ni Kuya sa akin.
"Para ano Kuya? Para lalo mong ipamukha sa akin na naging tanga ako sa'yo?" mahinahon kong sambit sa kanya sabay hila ng kamay ko sa kanya at agad na akong lumabas ng bahay, mabuti na lang at may dumaan na taxi kaya agad akong nakasakay. Wala po akong ganang mag drive kaya mag cocommute lang ako.
"El Pollo Carrera po tayo manong." Sambit ko kay manong driver. Ito yung bar na pinuntahan namin nina Vince kagabi. Gusto kong makalimot sa sakit.
Pagkarating ko dun ay saktong kaunti lang ang mga customer kaya agad akong na entertain.
"Manhattan please." agad kong request dun sa waiter.
Ilang minuto lang ay na serve din agad, umorder na rin ako ng pulutan. Mukhang makakarami ako ngayon ah. Nakakailang baso na rin ako nang makaramdam ako ng pagka hilo. Parang ang bilis ko naman yatang tamaan ah.
Shunga! Mababa ang alcohol tolerance mo!
Ay!! Oo nga pala. Sorry naman.
"Isa pa nga pleaaaassseeeee!!!" order ko pa.
"Akala ko magiging okay na kami ni Kuya... yun pa naman ang surprise ko sa kanya.. pero mukhang ako ang na surprise dun ah.. hmm.. nevermind... marami namang lalaking nahuhumaling sa akin eh. Dun na lang ako. Andiyan naman si Vince at si Mike na handang maging boyfriend ko eh. So bakit pa ako mang hihinayang diyan kay Kuya." pakikipag usap ko sa kawalan.
Kahit medyo hilo na ako, pansin ko na unti unti nang dumadami ang pumapasok na tao.
Ano na kayang oras ngayon? Nag aalala na kaya sa akin si Kuya? Huh... dapat lang noooohhh!!! Hmmmppp!!
Dire direcho ko agad na ininom yung Manhattan nang ma i serve sa akin. Lalo tuloy akong nahilo...
"Wooaaahhhh!! Ito na yata... oh my goshh... nahilo ako... para akong na vertigo... chosss... Naman oohhh!! I want moorrreeee!! Waiteerrrr!! Bilissssss! Isa paaa!!!"
"Maam, heto na po yung order niyo." sabit ng waiter sabay lagay ng inumin ko.
"Ayy Kuya!! Hindi po ako babae, pero nevermind.. thank youuuuu!!! Mamaya marami kang tip sa akeeeennnn aaahhh!!!"
Iinom na sana ulit ako nang maramdaman ko yung vibrator, ayy I mean yung vibration ng phone ko. Agad kong inilapag yung baso para kunin yung phone sa loob ng sling bag ko.
BINABASA MO ANG
My Forbidden Love
RomanceSi Glen Lopez ay isang 20 anyos na binabae na matagal nang naghahanap sa kanyang one true love hanggang sa isang araw ay nagdesisyon si Glen na umuwi ng Pilipinas dahil namimiss na niya ang kanyang tiyuhin na si Carlo Navarrete pero deep inside ay h...