CHAPTER 20Habang inaayos ko ang bag ko at pagkasara ko nito ay may biglang humawak sa balikat ko. Di na ako nag abala pang tignan 'yon kasi alam ko namang si Vince na naman 'yon kaya agad akong nagsalita.
"Vince naman eh, sabi ko sa'yo gutom lang--... Mike??" medyo may sungit kong sabi, eh kasi naman akala ko si Vince, napag sungitan ko tuloy.
"So-sorry Mike.! Akala ko kasi si ano ka." paghingi ko ng paumanhin kay Mike.
Tahimik lang na nakatingin sa akin si Mike. Di na rin ako nakapag pigil at agad ko na siyang niyakap at napaiyak pa ako.
"Mike!! I'm so sorry sa nagawa ko sa'yo. Di ko sinasadya na saktan ka!!" pagsosorry ko kay Mike habang umiiyak. Kaagad naman akong niyakap ni Mike at hinaplos haplos ang likod ko.
"Wag ka nang umiyak Babe, naiintindihan naman kita eh. Nabigla ka lang. Ako ang dapat mag sorry sa'yo kasi hinalikan kita nang hindi mo gusto." sagot ni Mike sa akin.
"I'm so sorry babe..." Sagot ko kay Mike habang patuloy pa rin ako sa pag iyak.
Nang medyo tumahan na ako ay tinignan ko si Mike at nakaisip ako ng paraan para makabawi naman ako sa bestfriend ko. Agad ko na hinawakan ang pisngi niya at pa smack ko siyang hinalikan sa labi niya. Nagulat naman si Mike sa ginawa ko at natulala.
"Pambawi ko sa kasalanan ko sa'yo babe." nakangiting sambit ko kay Mike sabay hila na sa kanya papuntang training room. Pinulupot ko pa ang braso ko sa braso niya habang inihihiga ang ulo ko sa balikat niya.
Habang papunta kami ni Mike sa training room ay nakasalubong namin si Vince. Nagulat pa ako kasi titig na titig siya sa amin ni Mike habang papalapit sa amin.
"Kaya ba hindi mo ako gustong manligaw sa'yo dahil ba sa kanya??" mahinahong tanong ni Vince sa akin.
"Uhmm... Sorry Vince ha pero nagkakamali ka. He's my bestfriend kasi kaya clingy at sweet ako sa kanya. Siya nga pala, siya si Mike, bestfriend ko nung sa America pa ako nag aaral. And Mike, siya si Vince." pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.
Nag smile lang si Vince kay Mike at tsaka umalis papuntang training room. Pagkaalis ni Vince ay biglang nagsalita si Mike.
"Mukha yatang malakas ang tama ni Vince sa'yo babe ah, parang nasaktan nung nakita niyang nakayakap ka sa akin." sambit ni Mike.
"Luh??? Ba't parang kasalanan ko?? Kung ayaw niyang maniwala edi wag. Parang papatayin mo pa ako sa konsensya Mike ah." sagot ko kay Mike sabay kurot ko sa tagiliran niya.
"Araayyy!! Nananakit ka na naman. Tara na nga sa loob" Sagot ni Mike sabay sundot niya sa ilong ko tsaka hinila niya na ako papasok ng training room.
~~~×××~~~
First break namin kaya agad na kaming pumunta ni Mike sa pantry para mag chismisan ulit. Habang kumakain kami ay biglang nagsalita si Mike.
"Narinig ko ang usapan ninyo ni Vince kaninang umaga."
"Chismoso ka talaga babe!" sagot ko sa kanya sabay tawa.
"Narinig ko lahat ng pinag usapan ninyo, pati yung dahilan kung bakit ayaw mong ligawan ka niya. I didn't know na may naging boyfriend ka pala..." natatawang sabi ni Mike sa akin.
"Kinailangan kong sabihin yun sa kanya babe, baka sa ganung paraan eh hindi niya ituloy ang panliligaw niya sa akin." pag eexplain ko kay Mike.
"Eh paano kung hindi siya tumigil sa panliligaw niya sa'yo?" seryosong tanong ni Mike.
"Ah basta, ayoko. Hahanapan ko nalang 'yan ng dahilan. Kung kinakailangan kong magsalita ng medyo harsh sa kanya ay gagawin ko para tigilan niya na ako." sagot ko kay Mike.
"Talaga bang wala ka nang balak na magpaligaw pa ulit babe?? Talaga bang ayaw mo nang magmahal??" seryosong tanong ni Mike habang nakatingin siya sa akin.
"Hindi ko alam babe, hindi naman siguro na forever pero ang akin lang ay huwag muna ngayon." seryosong sagot ko kay Mike.
Malamang di ako magpapaligaw sa kahit na kanino, ciempre jinowa na ako ni Kuya eh. Hahaha. Ayoko namang maging two timer. May boyfriend na nga ako tapos magpapaligaw pa ako? Edi kinonyatan ako ni Kuya pag nalaman niyang nakikipaglandian ako sa iba.
Natahimik naman si Mike sa sinabing 'yon ni Glen kaya inaya na niya ito na bumalik na silang dalawa sa training room.
Continue...
---@spicelopez---
BINABASA MO ANG
My Forbidden Love
RomanceSi Glen Lopez ay isang 20 anyos na binabae na matagal nang naghahanap sa kanyang one true love hanggang sa isang araw ay nagdesisyon si Glen na umuwi ng Pilipinas dahil namimiss na niya ang kanyang tiyuhin na si Carlo Navarrete pero deep inside ay h...