My Forbidden Love (70)

425 28 0
                                    


CHAPTER 70






Glen's POV



Dahil sa sobrang kalasingan ko ay kinabukasan na ako nagising. Pagkabangon ko ay napahawak ako sa ulo dahil sa sobrang sakit.





"Aaaahhh!! Araaayy!! Ang sakit ng ulo kooo!!" tsaka ko lang napansin na nasa bahay na pala ako.





"Paano ako nakarating dito??" tanong ko sa aking sarili. Agad na akong bumangon at tumungo sa banyo para maghilamos at mag sipilyo.





Nang matapos na akong mag sipilyo ay kinuha ko yung phone sa sling bag ko at tinawagan si Jerald. Agad naman siyang sumagot.





"Yes babe? Napatawag ka? Namiss mo na ako agad?" bungad ni Jerald sa akin.





"Paano mo nalaman?? Charot! Hahaha! Uhmm.. paano ako'ng nakauwi kahapon?? Ikaw ba naghatid sa akin?" tanong ko kay Jerald.





"No... it was your Tito na sumundo sa'yo" sambit ni Jerald sa akin. Agad naman akong natahimik at nag flashback yung nangyari sa bar.





"Ohh.. okay sige.. thank you Jerald." tugon ko sa kanya.





"No problem babe... byeee!" hanggang sa ibinaba ko na ang phone ko.





Pagkatapos kong makausap si Jerald ay bumalik ulit sa ala ala ko ang nangyari kahapon. Kaya bumalik ulit yung galit ko kay Kuya. Well... hindi yun kayang alisin ng isang halikan lang. Dadalhin ko tong sakit na idinulot sa akin ni Kuya hanggang sa kamatayan.

Agad na akong lumabas ng kwarto at tinungo ang kusina para magluto ng pagkain. Pagkababa ko ay nadatnan ko si Kuya na nagluluto. Pagkakita ko sa kanya ay agad akong bumalik paakyat. Di pa man ako nakaka tatlong hakbang nang magsalita si Kuya.





"Glen??? Baby?" tawag sa akin ni Kuya pero di ko siya nilingon at tinuloy ko lang ang pag akyat ng hagdan na para bang wala akong narinig.





Pagkapasok ko ng kwarto ay kinuha ko yung phone ko at dinial ang number ni Mike.





"Uyyy!! Babe! Napatawag ka?" agad na bungad sa akin ni Mike.





"Are you on duty babe??" tanong ko kay Mike.





"No babe... naka leave ako ngayon... bakit??.." tugon ni Mike sa akin.





"Ohhh... I'm on leave din babe... Kita naman tayo pleaseee.." tugon ko sa kanya.





"Sure babe... yun lang pala eh.. ngayon na?" tanong niya sa akin.





"Yeah.. kung okay lang sa'yo." sambit ko kay Mike.





"Yes of course babe... okay na okay sa akin.. ikaw pa ba?? Eh ang lakas mo sa akin eh. Hahaha.. so pano?? Gusto mo bang sunduin kita diyan sa bahay niyo?" sambit ni Mike sa akin.





"Uhmmm... okay lang ba sa'yo babe?" tanong ko kay Mike.





"Oo ngaaaa!! Ikaw naman Glen oh! Para ka namang other people! Sige na ha. Tawagan kita ulit once na malapit na ako sa inyo.. byeeee!!" sambit ni Mike bago niya ibinaba ang phone niya.





Muli akong nabuhayan ng loob matapos kong makausap si Mike. Agad na akong tumungo ng banyo para maligo. Habang nagbibihis ako ay biglang nag ring ang phone ko at pagtingin ko ay si Mike ang tumatawag. Sinasabing nasa labas na siya ng bahay ko. Agad ko nang kinuha yung sling bag ko at dali daling lumabas ng kwarto. Pagkababa ko ay nasa sala si Kuya, nagkatitigan pa kami pero inirapan ko siya agad at lumabas na ng bahay.

My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon