My Forbidden Love (3)

1.6K 48 1
                                    


CHAPTER 3






Si Kuya Carlo pala ay 24 years old na, maganda ang pangangatawan dahil palaging nag gy-gym. 6 packs ang abs, 6'1 ang height, Makinis ang mukha, maputi, para na siyang mannequin sa kaputian at kakinisan. Malinis siyang tignan dahil wala itong tattoo sa katawan niya. Isa siyang Operations Manager sa isang call center dito sa Iloilo City.

Hindi pa niya gusto mag asawa kasi nag eenjoy pa ito sa pagka binata. Yun ang alam kong dahilan niya. Hahaha. Kaya nung pagkadating ko sa airport palang at pagsalubong sa akin ni Kuya ay yun na ang pagkakataon ko na masilayan kung gaano siya kagwapo at kakisig. Kaya kahit sinong bakla o babae ay talagang mahuhumaling din at malalaglag ang panty kapag nakita itong si Kuya Carlo.

Pero ang di ko maintindihan talaga ay yung ginawang pagdikit ng alaga ni kuya sa aking puwet. Lalo tuloy nanaig yung pagnanasa ko sa kanya. Nag iingat lang ako talaga para hindi mahulog sa bitag ni kuya dahil magiging malaking problema ito samin at baka itakwil pa ako ng aking ina.

Pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko na hindi magkaroon ng pagnanasa kay kuya kasi magkadugo kami at ayokong magkaroon ng ugnayang sekswal kahit na may gusto ako sa kanya at baka multuhin ako ng daddy ko pag kumirengkeng ako sa tiyuhin ko.

Pero ang hirap talagang pigilan yung nararamdaman ko sa kanya at yung mata ko na hindi tumingin sa kanya lalo na kung naka boxers lang ito. Kitang kita ko talaga yung abs at muscles niya. At siyempre yung malaking alaga nito sa loob ng boxers niya.

Pero sa kabila ng pang aakit ni Kuya Carlo sa akin ay nakaya ko pang iwasan ito. Pero sadyang mapaglaro talaga ang panahon at sinusubukan ang aking katatagan.





~~~×××~~~





Pagkatapos maghugas ng mga pinagkainan si Glen ay dali dali na siyang nagpunta ng banyo para maligo dahil nga aalis sila ng Kuya Carlo niya. Nang matapos nang magbihis si Glen ay kumatok na ang Kuya niya sa pintuan at tinanong kung tapos na ba siyang magbihis dahil aalis na raw sila.

Pagkabukas ni Glen ng pintuan ng kwarto niya ay bumungad sa kanya ang Kuya niya na naka gray sweat pants, plain white shirt at sneakers. Napakagwapo niya talagang tignan at manghang mangha si Glen sa kagwapuhan ng tiyuhin niya.





"Naks! Ang gwapo naman ni Kuya oh.." agad na bungad nito sa tiyuhin niya.





"Siyempre naman Glen, lahi yata tayo ng mga gwapo eh!!.." sagot naman ni Carlo na sinabayan ng pagtawa nilang mag tiyuhin hanggang sa tuluyan na silang umalis.





Pumunta silang dalawa sa Ford at si Glen yung pumili ng model na gusto niya. Pinili nito ang Silver Ford Explorer at nang matapos na lahat ang mga pipirmahang papeles nito ay binayaran nila nito through card at dinala na nila ito pauwi. Si Glen na ang nag drive nito para masanay na siya sa kanyang bagong kotse since marunong na siyang magdrive kasi nung nasa America pa siya nito ay tinuturuan siya ng kanyang mga manliligaw na magmaneho ng kotse.

Bago tuluyang umalis ang magtiyuhin ay naisipan ni Glen na iconnect ang phone niya para magpatugtog. Nang maka connect na ito ay pinatugtog niya agad ang mga kanta ni Britney Spears dito. Habang enjoy na enjoy si Glen sa music niya ay biglang nagsalita ang kanyang Kuya.





"May boyfriend ka na ba Glen?"





Pinahinaan muna ni Glen ang music bago magsalita.





"Naku, wala Kuya hanggang date lang ako" sagot ni Glen.





"Bakit naman?" tanong ulit ni Carlo.





"Palpak po yung mga dumidiskarte sakin eh" sagot naman ng pamangkin nito.





"Bakit naman palpak? Kwentuhan mo naman ako oh" pa sweet na tugon ni Carlo kay Glen.





Napangiti si Glen sa kanyang Kuya. Para kasing bata na nanghihingi ng candy kung magsalita.





"Ganito po kasi yun Kuya, hindi na po kasi ako nag eentertain ng ibang lalaki nung nandun pa po ako sa america"





"Bakit naman? Sayang naman yang mukha mong yan kung di ka magkaka syota." Sagot ng kanyang Kuya Carlo.





"Eh kasi naman Kuya, halos lahat ng mga nagkakagusto sa akin eh may mga syota din. Kaya ako napapasama sa away at nagiging dahilan pa sa paghihiwalay ng mga mag syota dun sa school namin. Kaya ayun di na ako nagpatuloy sa pakikipag date hanggang sa nakauwi na lang ako dito sa Pinas na walang jowa. Hahahaha" mahaba habang sagot ni Glen sa tiyuhin niya.





"At tsaka Kuya may iba na po kasi akong gusto kaya di ko nagagawang magka syota doon" dugtong ni Glen.





"Talaga? Sino namang maswerteng nilalang na yan?" Tanong ni Carlo sa kanyang pamangkin.





"Ikaw." biglang sagot ni Glen





"Ako?" tanong ni Carlo kay Glen.





"Ah-I mean ikaw Kuya? May idea ka ba kung sino? Yun yung ibig kong sabihin." pagpapalusot ni Glen sabay tawa.





"Ahhh... akala ko ako eh, liligawan na sana kita" bulong ni Carlo pero narinig yun ni Glen.





"Ano yun Kuya?"





"Ahh wala sabi ko wala akong idea kung sino yung tinutukoy mo eh" sagot ni Carlo.





"Pero alam ko naman na yung taong gusto ko ay malamang di ako gusto nun" malungkot na sagot ni Glen.





"Aww.. wawa naman ng pamangkin ko, walang nagpapasaya sa kanya. Wag kang mag alala, andito naman ako eh, pasasayahin ka ni Kuya." Sabay hawak ni Carlo sa legs ni Glen at hinimas himas ito.





Hindi na pinansin ni Glen ang ginawa sa kanya ni Carlo at nginitian niya nalang ito sabay sabing...





"Naku wag kang ganyan Kuya, kinikilig na ako dito oh.." at sabay namang tumawa ang mag tiyuhin habang bumibiyahe sila pauwi.





Pero habang nagmamaneho si Glen ay nag init ito sa paghimas ng kanyang tiyuhin sa legs nito. Pagkarating nila ng bahay ay nag aabang na ang pari na pinatawag ni Carlo para ipa bless ang sasakyan ni Glen.








Continue...








---@spicelopez---

My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon