My Forbidden Love (30)

515 33 0
                                    


CHAPTER 30






Glen's POV



Pagkatapos ng aming mainit na pagtatalik ni Kuya ay kaagad na kaming bumangon para magpunas at tumungo ng banyo para maligo. Pagkatapos naming magbihis ay naunang nahiga si Kuya sa kama. Ako naman since basa pa ang buhok ko ay pina andar ko muna ang TV at nanood lang muna ako ng horror movie habang nagpapatuyo ako ng buhok ko. Paborito ko kasi mga horror eh kaya ganun. Mga 30 minutes din ang lumipas hanggang sa tuluyan nang natuyo ang buhok ko pero di muna ako humiga at pinagpatuloy ko lang ang panonood ng pelikula. Tahimik lang akong nanonood hanggang sa nagsalita si Kuya.





"Baby??" tawag sa akin ni Kuya. Kaagad naman akong lumingon sa kanya.





"Yes Kuya?" naka smile kong tugon kay Kuya.





"Halika, tabihan mo na ako dito." pacute na utos sa akin ni Kuya.





"Ayoko! Nagtatampo pa rin ako sa'yo." sambit ko kay Kuya.





"Bakit baby? Ano bang ginawa ko?" tanong ni Kuya sa akin.





"Basta, malaki ang kasalanan mo sa akin." sambit ko kay Kuya.





"Ano na naman yan?" nagtatakang tanong ni Kuya.





Kaagad akong tumayo sa kinauupan ko at lumapit kay Kuya tsaka umupo sa tabi niya. Agad kong nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Ngayon ay magka eye to eye na kami.





"Ninakaw mo kasi ang puso ko Kuya!" sagot ko kay Kuya sabay halik sa kanyang labi at ngumiti.





Agad namang napangiti si Kuya sa sinabi ko at gumanti na rin siya ng halik sa akin. Ilang minuto din nagtagal ang aming paghahalikan na iyon. Pagkatapos ay agad na akong nahiga at niyakap si Kuya. Tahimik na kaming nakahiga ni Kuya nang magtanong siya sa akin.





"Baby, ano nga pala yung tungkol sa sinabi ni Ate kahapon. Totoo bang boyfriend mo na si Mike?" tanong ni Kuya sa akin habang hinahaplos niya ang aking buhok.





"Okayyy, so heto na Kuya, makinig ka ha." sabay sundot ko sa ilong niya.





"Ganito kasi yung nangyari Kuya, naaalala mo diba na sinabi ko sa'yo na nag confess sa akin si Jerald diba???" tanong ko kay Kuya. Agad naman siyang tumango bilang sagot.





"Okayyy, So ayun, ikinuwento ko din yan kasi kay Mike. Tapos nung Thursday, habang nag lelecture si Jerald ay bigla siyang nagtanong out of nowhere sa aming lahat." paliwanag ko kay Kuya.





"Na ano?" tanong ni Kuya.





"Ito yung sinabi niya. "Naranasan niyo na bang magmahal ng hindi naman kayo mahal?" Yownn!! Yun yung tanong niya." sambit ko kay Kuya. Agad namang natawa si Kuya sa sinabi kong 'yon kaya tinitigan ko siya nang masama.





"Nakakatawa 'yon Kuya?" pagsusungit ko sa kanya.





"Ayyyy!! Ayan ka na naman baby eh, natawa lang naman ako sa sinabi ng Trainer mo. Sorry na baby! Kiss na kita ha. I love youuuuu!!" sabay halik sa akin ni Kuya sa labi. Agad naman akong napangiti sa ginawa niya at sinundot ko na lang ang ilong niya.





"Ang cute mo talaga Kuya!" nakangiting sambit ko kay Kuya.





"Oh sige na, tapos? Ano na ang nangyari?" agad na tanong ni Kuya.





"Uhmm... ayun nagsireact ang mga wavemates namin, tapos itong si Vince agad namang nagsalita. Sabi niya, Bakit Jerald? Nireject ka rin niya ba?" Natawa pa siya sa pagtanong niyang 'yon ha." sambit ko kay Kuya. "Agad namang sumagot si Jerald, sabi nito, Oh? Pano mo nalaman Vince, ganyan din ba nangyari sa'yo? Then si Vince agad namang sumagot, sabi niya ayaw niya na lang daw mag tell." dugtong kong sabi kay Kuya.





"Then? What happened after that?" tanong ni Kuya.





"Wala naman, kaya lang pagkatapos magsalita ni Vince ay kaagad na tumingin sa akin si Jerald. Na para bang sinasabi niya na Oo Ikaw!! Ikaw ang tinutukoy ko dito! Mga ganun." sambit ko kay Kuya.





"Nagbanggit ba siya ng pangalan.?" tanong ni Kuya.





"Hindi naman, kaya nga di na ako nag react pa eh. Umarte na lang ako na as if na wala akong alam. Pakialam ko diyan sa kanya. Bahala siya diyan. May boyfriend na ako noh at katabi ko siya ngayon." sambit ko kay Kuya sabay hinigpitan ang pagyakap sa kanya. Hinalikan naman ako ni Kuya sa aking noo tsaka nagtanong ulit.





"So ano yung kay Mike? Bakit naging boyfriend mo yun?" tanong ni Kuya.





"So nung lunch break, since hindi mo ako sinamahan ay si Mike ang isinama ko sa paglunch. At naitanong niya kung ano yung nangyari. Napansin niya pala yung mukha ko na parang malungkot nung time na nasa training room pa kami. So nasabi ko sa kanya yung tungkol dun sa pag amin ni Jerald sa akin. Well hindi naman sa nireject ko siya, it's just that naabutan mo lang talaga ako Kuya at tinitigan kita na sinasabing iuwi mo na ako Kuya. Ganon!. Pagkatapos habang pabalik kami ni Mike ay nakasalubong namin sina Vince at Jerald. Ayyy just so you know Kuya, titig na titig silang dalawa sa amin ni Mike. Then this happened.... Agad na nagtanong si Jerald Oh sa'n kayo galing? And ohhhh??? I guess... kayo na bang dalawa?? Magsasalita na sana ako pero inunahan ako ni Mike. Ito yung sinabi niya... Yes Jerald! Kami na ni Glen. Sinagot na niya ako sabay ngiti. So ako ngumiti na lang din para di halata na hindi totoo. Nginitian lang nila kami at pagkatapos ay agad din naman silang umalis. And then tinanong ko si Mike kung bakit niya ginawa yon. Sagot niya sa akin ay Ciempre para tantanan ka na nila. Eh kesa naman na panay reject mo sa kanila edi ito nalang ang gawin natin. Di na ako tumutol pa doon Kuya, kasi para naman daw yon sa aking kapakanan. Hanggang sa inihatid niya ako pauwi kasi wala ka. At naabutan siya ni Mommy pero nagulat ako nang pinakilala niya ang sarili niya kay Mommy na boyfriend ko. Di na lang ako nag react pa kasi ayaw ko namang mapahiya yung isa kaya hinayaan ko na. Kuya, Hindi totoo na boyfriend ko si Mike.... Tandaan mo 'to... ikaw lang ang boyfriend ko. Ikaw lang ang lalaking pipiliin ko at higit sa lahat, Ikaw lang ang mamahalin ko. IKAW LANG KUYA!" mahaba habang paliwanag ko kay Kuya.





"Promise mo yan sa akin baby ha. Walang First, Second at Third. Dapat ako lang." Pacute na sambit sa akin ni Kuya.





"I promise Kuya. IKAW LANG! Unless, you will break my heart. Hindi ako magdadalawang isip na kalimutan ka. Kahit gaano man kalalim ang ating pinagsamahan." sambit ko kay Kuya.





"Pangako ko sa'yo baby, hinding hindi kita sasaktan. Hindi ako gagawa ng mga bagay na alam kong ikakasakit ng damdamin mo. May tiwala ka naman sa akin diba?" tanong ni Kuya sa akin.





"Yes naman Kuya. Buong buo ang tiwala ko sa'yo. Kaya kong talikuran ang lahat ng lalaki sa mundo para lang sa'yo." sagot ko kay Kuya.





"I love you so much baby!" sabay halik sa akin ni Kuya sa labi.





"I love you too Kuya!" at agad ko rin siyang hinalikan sa labi sabay yakap sa kanya. Ilang sandali lang ay nagpasya na kaming dalawa na matulog na.








Continue...








---@spicelopez---

My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon