Chapter 08 - Movie

4.3K 168 57
                                    

"Good evening Everyone!" bati ko ng makapasok sa dining area. I'm in a good mood because of the simple word said by Ma'am before I left the apartment. It's just a simple word yet she made my mood lift up. Dahil hindi ko siya masasabayan ngayon babawi nalang ako next time.

 

"Ate Avi! Na miss kita ate!" agad na tumakbo si Eli at yumakap sa bewang ko. Binuhat ko ito at pinugpog ng halik ang buong mukha niya.

 

"I miss you too baby!"

 

Lumapit kami kina mom na sa table. Nakaupo na silang tatlo ako nalang ang hinihintay. Hindi ko pinansin ang nagtatakang tingin nila. I know looked weird because most of the time when I'm here hindi naipinta ang mukha ko o laging wala sa hulog.


Pinaupo ko si Eli sa tabing upuan ko bago bumaling kina mom na pinapanuod ang bawat ko.


"Hi, mom. Hi, dad." ngiti ko. Hindi ko na binati si Kuya. Bahala siya.


"You look happy." namamanghang komento ni Mom.


"Mabuti at napilit ka ng Kuya mo." si dad.


"Don't mind me. Let's eat?" tumango sila at nagsimula na kaming kumain.


Matapos ang ilang minutong katahimikan ay nagsalita si Dad. Pareparehas kaming nagpapakiramdaman.


"How're your grades Zhavirielle?" dad said in a serious tone. Eto na naman siya.



"Grades pa rin." hindi ko mapigilang maging sarkisto dahil alam ko kung saan mapupunta ang usapan na 'to.


"Zhavirielle." kalmadong tawag sakin ni Mom. Alam kong pinaparating niya na hindi tama ang ginagawa ko.


"Tinatanong kita ng maayos Zhav,"

 

"My grades is fine dad, I guess." Hindi pa nilabas ang grades kaya hindi ko pa alam. Ginagawa ko naman ang best ko kaya sure akong hindi ako babagsak.


Tsaka first day palang. Ano ba namang klaseng tanong yan.


"Oh I see, that's good to hear then, just focus on studying. Avoid entering some kind of relationship. Are we clear Zhavirielle?" I mentally rolled my eyes and nod my head.


Ang ganda ganda ng mood kong pumunta rito tapos sisiraan lang niya. Hindi makatarungan kaya hinayaan ko nalang


One reason why I hate having dinner with them is because of my Dad. He's always telling me to don't enter into new relationships. It's irritating fr. I don't know what's his motive, why he's always reminding me of that thing when I know in myself that I still haven't moved on. I'm not a kid or teen anymore for Pete's sake!


He's always dictating what I need to do. Kahit gusto kong gawin ang gusto niya ay hindi ko naman matuturuan ang puso ko kung sino ang dapat kong mahalin. I'm not the one to decide whom to love, it's my heart.

Our Impending Sunset (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon