Chapter 27 - Unwanted Visitors

3.5K 106 17
                                    

"Professor Ramirez!"

I heard someone yelled while I was walking alone in the corridor. May sukbit akong acoustic sa likod. Napalingon ako sa mga estudyante nagtakbuhan habang may hawak na kumpon ng mga papers, umalis din sila pagkabigay nila sa mga papers.

This afternoon is our free time. They gave us time to practice for the up coming foundation anniversary since all of the professors are having general meeting.

Buti nalang sasakyan ko ang ginamit papuntang school kaya may magagamit ako kahit papaano.

Sinabayan ko maglakad ang professor/roommate ko na may hawak na ngayong maraming papers.

"May I help?" ani ko habang naka hawak sa starp ng gitara.

Mukhang hindi na siya nagulat sa paglitaw ko sa tabi niya pero tinaasan ako nito ng kilay. Tinaas baba ko rin ang dalawa kong kilay pambawi.

"Don't you have classes, Celeste?" strikto nitong tanong.

"Wala, nothing, none." sagot ko at ngumisi. Maarteng umikot naman ang mata nito.

"What are you doing here?"

"I'm going to help? akin na 'yan, mukhang mabigat pa naman," humarang ako sa dinadaanan niya tsaka marahang kinuha ang dala niyang mga papel. Hindi na siya nakaangal, siya pa mismo ang nagbigay dahil kung hindi ay mahuhulog lahat ng mga iyon sa sahig.

I heard her sighed. "Bring all of that to my office, I'm heading to the meeting now."

Na-iwan akong nakatulala sa dinaanan niya. Anak ng. Akala ko magkakaroon na ko ng chance maka-usap siya kahit ilang minuto lang. Simula kasi kaninang umaga hindi ko pa siya na kakasama ng maayos. Hindi rin siya sumabay sakin sa pagpasok, basta paggising ko wala na siya sa apartment pero nag-iwan ng breakfast sa lamesa. Nakakalumbay slight.

Napakamot tuloy ako sa ulo. Inipon ko lang sa kaliwang braso ang mga papel at muling hinawakan ang strap ng gitara na nakasukbit kanina pa sa likod ko.

Sa open field sana ang punta pero nagbago na isip ko, change of plans sa office nalang ako ni Ma'am. Sinimulan ko nang maglakad dahil medyo malayo pa ang lalakbayin ko.

If you guys are wondering where that stupid Sage is, wala pinangpain ko na sa alaga kong agila chariz. No but seriously, busy sila gumawa ng research.Yung ibang asungot naman ganun din busy-busyhan sa pag-aaral. Habang ako mamaya na, nagpaalam naman akong may gagawin kaya hindi muna ako makakasama sa group activity.

But I promised na tatapusin ko before this day ends.

Mas prinoproblema ko pa 'tong i-pperform ko kaysa activities namin. Nacha-challenge kasi ako na parang gusto kong mapili. Hanggang ngayon nga nararamdaman ko pa rin yung feeling na nakatungtong ako sa stage, I felt like I belong there. Tapos ang sarap sa tenga nung crowd, like alam niyo yung feeling na may mga taong nag-checheer sa'yo dahil gusto nila yung kinakanta mo, dagdag niyo na rin yung boses ko. Ganon, basta ang sarap sa feeling.

I've always wanted to perform pero kinukulang ako sa kumpyansa, eh. Isa pa naman sa mga new years resolution ko is huwag magsayang ng opportunities kaya ito na, ginagawa ko na ang makakaya ko. I'm making sure to give my very best when the day comes. Kaya todo practice ang lola niyo.

Isang week nalang din ang mayroon kami para makapaghanda. Papalit na nang papalit ang araw, kabilis bilis naman kasi ng oras. Mamaya gabi na naman. Gusto ko laging sunset lang.

Speaking of sunset, I want to visit my place later for another session of practice, wala lang, tagal na kasi ata nung huli kong punta ron.

Pagdating sa harap ng office ni Ma'am agad kong pinihit ang pinto. Pinaghalong lamig at amoy ni Ma'am ang sumalubong sakin. Nilapag ko muna ang gitara sa sofa tsaka nilapag sa glass table ang mga papel.

Our Impending Sunset (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon