Chapter 22 - Dish

2.5K 87 1
                                    

Sa mundong ito
Para tayong mga ibon na lumilipad
Sa kahel na kalangitan
Na walang ginagawa kung di ang magmahal

I sang while strumming my acoustic guitar. I'm here, alone, in my place. It's still early so I came here.

Madilim na buhay pa rin ang mundo
Tulad ng pagmamahal ko sa 'yo hindi napupundi
Lumalapit bumabalik sa 'yo
Sa 'yo

The sun is setting again. Ang bilis ng mga oras, ilang taon na ba ang lumipas? Napapikit ako at dinama ang chorus ng kanta.

Gusto kitang makasama buong gabi
Nakahigang nakaharap sa mga bituin
Hinihintay ang kinabukasan
Tayong dalawa lang sa istoryang ito

Sa mundong ito
Ang ganda ng mga bituin
Ngunit sa 'yong sa 'yo lang ako
Nakatingin

Mga kilos mo'y aking nasisilayan
Ako ba'y lumilipad na naman

Hanggang sa matapos ang pagkanta ko ay nakatanaw lang ako sa paglubog ng araw. I looked up. Papadilim na. I must go home, magluluto pa pala ko.

I don't know how late she will go home dahil hindi niya rin naman sinabi but I have this feeling na sobrang late na. Ako lang naman ang kakain mamaya mag-isa, so.

I arrived at our apartment safely. Katahimikan ang sumalubong sakin, I opened the light and decided to take a shower first so that para tuloy tuloy na.

I get my towel and hang it on my shoulder. I'm humming some random song while walking myself to the bathroom. Nadaanan ko pa ang pinto ng room ni Ma'am kaya saglit pa akong napahinto sa harap nito. 

I faced the door of her room and tilted my head to the left. What is inside her room that she doesn't want her roommate to get in? sabagay privacy.  I shrugged, shook my head, and went to the bathroom to do what I needed.

After cleaning my body, I wore my pajamas. Inipit ko nalang din ang buhok ko pa messy bun para mas madaling gumalaw.

Sinimulan kong hugasan ang ampalaya, yes ampalaya. I don't know anything that is bitter except ampalaya kaya iyon nalang ang binili ko para lutuin.

Hiniwa ko ito at nagbatil na rin ng itlog para ihalo. Pagtapos magluto ay naghanda na kong kumain. I only prepare one plate for myself of course.
Hiniwalayan ko nalang din ng ulam si Maam baka kasi hindi ko mamalayan ubos ko na pala, gutom pa naman ako.

After eating and washing the dishes I decided to go to my room and read for our next lesson nalang. Wala rin naman akong gagawin so it's better to read and have a stock knowledge since tinatamad din naman akong maglaro ng mga online games.

I close the lights in the kitchen and in the living room before heading to my room. I went to my study table and opened some books then turned the page to our next topic. I put my ear pod on to not be distracted by any noise.

...

Naalimpungatan ako sa sakit na nararamdaman sa bandang leeg ko. I hardly closed my eyes as I tried to fix my position. Nakatulugan ko na pala ang pagbabasa, hindi ko namalayan dahil sa biglaang pagkaidlip.

I checked the time on my phone and saw that it's already a quarter to eleven. Nag-unat ako ng braso sabay hikab. Maghahating gabi na, naka uwi na kaya si Ma'am? Maybe?

I felt thirsty kaya nagdesisyon akong pumunta sa kusina. Pakamot kamot pa ko ng bunbunan habang naglalakad papapunta sa kusina. Naiwan sa ulo ang kamay ko, nanliit ang mga mata at dahan dahang naglakad papunta sa doorway ng kusina dahil nakabukas ang ilaw at tanging ilaw lang sa kusina ang nakabukas.

Our Impending Sunset (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon