Tatlong araw. Tatlong araw ko ng hindi nakikita yung shokoy. I mean yung mukhang tuhod- mali Oliver kasi 'yon. At lubos akong nagpapasalamat dahil don. Malaya ko ng nalalandi si Miss pero of course in low-key way pa rin. Tsaka ko siya lantarang lalandiin kapag naka-amin na ako.
But the real deal is if I can still show my face to her when that day comes.
Sa loob ng tatlong araw na iyon ay walang ibang ginawa si Miss Ramirez kundi sumabay sakin papunta at pauwi ng University.
Tatanongin ko sana kung bakit hindi niya ginagamit yung sasakyan niyang naka park lang sa harap ng apartment namin kaso huwag nalang.
Chance ko na ito sasayangin ko pa ba kaya hinayaan ko nalang din na gawin niyang display sa labas. Kahit agaw pansin ay walang namang nagtatangkang galusan nino man yung sasakyan. Halatang mahal kasi. Sana halls.
Balak kong umamin bago niya lisanin itong apartment namin para kung sakaling iwasan niya ako hindi na magiging mahirap para sakaniya.
Tansya ko na sa mga isang linggo nalang siyang mananatili rito kaya sinisimulan ko ng mag-ipon ng lakas ng loob.
Ako itong takot na mahusgahan pero handa akong harapin ang takot kung nararamdamn ko ang pag-uusapan. This might take a lot of courage on my part to tell her how I truly felt for her, but when the time comes, I will fearlessly share my feelings with her instantly.
Bahala na si Darna kung anong pwedeng mangyari. Basta aamin ako.
"Miss?" tawag ko sakaniya habang palabas kami ng apartment.
"What is it again this time Celeste?" wala pa nga e gagalit na naman.
"Hanger ka ba ni manang?" I smile to her.
"No." irap nito sakin napanguso tuloy ako.
"Dali na sabihin mo bakit,"
"Tss. Bakit?"
"Pwet mo may racket." pag-iiba ko ng sagot sabay hagalpak ng tawa.
"What the fvck?!" pulang pula ang mukha nito sa inis sabay hampas sa braso ko. Napadaing ako ngunit tinawanan ko lang siya. Mas binilisan nito ang paglalakad kaya naiwan ako sa tapat ng pinto.
She's cute when her face is red. I think should make her blush next time.
Huminto muna ako para ubusin ang tawa ko tsaka sumunod kay Miss Ramirez na nauna ng pumasok sa loob ng sasakyan. Naka ngiti akong pumasok sa sasakyan, nang tignan ko ito ay masama ang tingin nito sa bintana.
"Miss totoo na 'to," sabi ko at inistart ang engine.
BINABASA MO ANG
Our Impending Sunset (On Hold)
RomanceShe's my strength that made me gave up on everything, my medicine who made me feel thousands of pain. -Zhavrielle Ryuu Celeste [UNEDITED] Date started: 07-12-2022 Date finished: ---