Chapter 37 - Commercial

942 28 7
                                    

I have never been this tired in my whole life. Nakakapagod talaga ikaw ba naman whole day gumawa ng mga water activities. I'm not a fan of adventures yet nagawa ko pa ring gawin ang mga bagay na 'yon para sa ikasasaya ng grupo.

I'm not saying na I'm being nonchalant here ha, it's just that I prefer admiring the view on the place rather than exploring the things inside the place.

Oh, to have a rest talaga.

"Hoy, Ryuu puntahan mo raw ni Ms. Serrano."

"Huh? bakit daw?" I kept my face on top of my hand na nakapatong din sa railings. Nasa balcony kasi ako ng room namin at tahimik na pinagmamasdan ang langit. Daming stars e.

Ganda parang siya. I miss you, mom.

"I.D.K ate ko, kung ako sayo tama na kakatitig d'yan mamaya biglang malaglagan ka ng ipot d'yan."

Baliw talaga.

I stood up and went inside. "Ako lang ba?"

"Yep."

"Bakit? I mean bakit ako lang?"

"Kasi ikaw lang at hindi kami kasama?"

Ilang segundo ko siyang tinitigan at hindi nagsalita. Tinitigan ko talaga siya like I was saying na 'seryoso ka?'.

"Zhavrielle Ryuu, oo ante ikaw lang dahil ikaw lang naman ang minention sa ating gc! jusko! nako nako kang bata ka!"

"Alam mo, Isla kanina ka pa ah. Ryuu ka nang Ryuu sasapakin na kita d'yan." sarkisto ko siyang inirapan at naghanda para layasan siya.

Ivelle on the other side is in the other room nakikigulo dahil nakita niyang nagl-live si Yashey sa IG, wala eh ganyan talaga pagpapansin lang, papansin moments.

"Ano ka rin ba kanina ka pa galit d'yan, bakit pinayagan ba kita?"

"Manahimik."

"Wala, bakit? feel ko lang maging hapones ngayong gabi, ganda kaya ng second name mo! mala mananakop ang atake," tumawa ito kaya kung ano ang mahawakan ko ay kusang naibato ko sakaniya.

Pasalamat siya unan una kong nahawakan.

"Ate Z naman! ikalma mo, chill mahaba pa ang gabi kahit wala namang manlalambing sayo- OPS!"

Hinampas ko na siya ng unan, demonyo kong kamay gumalaw.

"Ang daldal, Isla! bahala kana nga riyan!"

Padabog kong sinara ang pinto para hindi ko na marinig ang nakakairita niyang tawa. Sa buong pag-aakala ko ligtas ako sa isang 'yon, nag-iibang ewan ko rin hindi ko matanto pagkatao nila minsan. Siguro dahil sa tagal naming magkakasama ay nahaluan na ng personality ni Lavender itong si Isla. Malala na siya.

Tahimik kong tinahak ang daan papunta sa elevator at dahil gabi naman na terno PJ's nalang ang suot ko. I want to feel comfortable because I'm pretty tired of this day.

Also this is our last night here in Cebu, it was nice travelling here especially we make a lot of people happy. Ang babait din ng mga crew and other maintenance kaya mas naging maagan ang pagnanatili namin dito.

The elevator's door opened as I step in front of it, napansin ko 'yon dahil nakatungo ako habang lumalakad. Hinintay kong may lumabas doon pero lumipas na ang ilang segundo ay wala pa rin kaya inangat ko na ang mukha ko.

Kaya naman pala walang lumalabas kasi may parang ayaw lumabas.

It's Ms. Ramirez.

Parang wala rin talaga siyang balak dahil sa postura ng katawan niya. She's leaning on the steal with folded arms and blank face.

Our Impending Sunset (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon