Chapter 23 - Hug

3.1K 115 4
                                    

"I'm sorry, Miss. I promise, I will never do it again." nakayukong hingi ng tawad ni Sage habang magkadikit pa ang dalawang palad.

Naiwan kaming dalawa nitong kupal na ito sa loob ng classroom dahil sa kabastusan ng bibig niya. Hindi naman kasi dapat ako madadamay kaso kinulang sa aruga 'tong isang to e. Natulog ba naman.

"As you should be, do it again and you'll be receiving punishment. From me." Miss Ramirez replied sternly. "You can go now to your next class."

"Sorry po ulit, ma'am, Tara Avi,"

"No. Celeste will come to me in my office." sa halip ay sambit nito at nakita ko pa kung paano pairap na binaling ni Maam ang tingin sakin.

"Maam?! a-ayoko po," pag tanggi ko at umiling iling pa, bigla akong kinabahan.

"You can leave, Miss Travis." utos ni Miss habang diretso lang ang tingin sakin.

Nagpapalit palit ang tingin ko sakanilang dalawa. Nang tumayo si Sage ay muntik na rin akong mapatayo kung hindi ko lang nararamdaman ang masamang tinging binibigay ni Ma'am ay baka naka takbo na ko kanina pa.

Nang makalabas si Sage ay tumayo na rin si Ma'am. I just followed her every move using my eyes, not wanting to move nor leave this classroom.

"Fix yourself and follow me to my office, now." matalim ang matang tingin nito sakin bago ako inawan at nagmartsang lumabas ng classroom.

Napasandal nalang ako sa inuupuan kong arm chair. I bit my lower lips and deeply breathed. Ano na naman ba 'tong ginawa ko. I get it, kasalanan ko naman pero, ba't ako lang dapat sumama kay Ma'am sa office niya? naiiyak na ko.  Tulong naman diyan oh.

Wala naman akong choice kung hindi tumayo at sundan siya. Sinadya ko talagang bagalan ang aking paglalakad para mabawasan ang oras kung sesermonan lang naman ako ni Ma'am.

Hindi naman ako yung nagmura eh, ginising ko lang si Sage dahil alam kong ayaw niya ng may natutulog sa klase niya. Napanguso tuloy ako at sinipa sipa ang mga maliliit na batong nadadaaanan ko. Buhay nga naman.

Nang makarating sa office niya ay hindi ko alam kung kakatok ba muna ako, tatakbo nalang o papasok nalang agad dahil inaasahan niya naman akong sumunod sa kaniya.

Sa huli ay marahan nalang akong kumatok nang dalawang beses tsaka pumasok nang nakayuko. Dumiresto ako sa couch na nasa tapat lang ng desk ni Ma'am at doon umupo.

"Explain. " iyon lang ang sinabi niya pero parang tinakasan na ko ng dugo. Walang mababakas na kahit anong emosyon sa boses nito. Sinulyapan ko ito at nakitang wala naman sakin ang atensyon niya ngunit nasa laptop na nasa harapan niya. Nag-iwas ako ng tingin.
Ayaw bumuka ng bibig ko. Puta.

"Ma'am..." maliit na boses na usal ko. Anak ng.

Narinig ko itong umayos ng upo kaya napabalik ng tingin ko sakaniya. She's now crossing her arms.

"You did make me wait, now you won't explain."

"Ma'am kasi..."

"Kasi what?" nauubusang pasensya niyang sabi.

"Natutulogpokasisiyakayasinapakko."

Nakita ko kung paano magsalubong ang dalawang perpekto niyang kilay kaya napakagat ako ng mariin sa aking labi at nagbaba ng tingin. Sana lang naintindihan niya.

"Could you talk properly?" inis na usal nito. Halatang nagpipigil sumigaw. Okay sabi ko nga.

Napakagat ako sa ibabang labi at tumango. "She's sleeping in your class ma'am. Ilang beses ko na po siyang sinibukang ginising pero ayaw po, ungol lang nang ungol kaya sinapak ko na.. pero sa braso lang naman po."

Our Impending Sunset (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon