Nagising ako dahil sa malambot na bagay na dumadampi sa pisngi ko. I tried moving but there's something heavy on my tummy causing me to groan.
Pinanatili kong nakapikit ang aking mga mata dahil ramdam ko ang bigat ng talukap ko. Hindi ko alam kung anong oras ba ako nakatulog kagabi, kahit anong pilit ko ay mas lalo lang nabubuhay ang diwa ko kaya ang ending bangag ang lola niyo. Mabigat din ang pakiramdam ko dahil sa lapastangan kong mga luha. Gusto kong dukutin yung mga mata ko kagabi para pigain kaso hindi pwede.
"Good morning Ate!" isang tili ang tuluyang nakapagising ng diwa ko.
Ang aga-aga naman jusko. Hindi pa ko nakakamove on sa nangyari kagabi at hindi ko rin alam kung paano haharapin si Maam ng hindi naalala yung posisyon nila nung mukhang tuhod na Oliver na yon.
Biglang gumalaw ang ang nasa taas ko dahilan para mapahawak ako sa ulo ko. Nahihilo ako bwiset.
"S-stop moving Eli," oh my gosh feeling ko lumilindol.
Narinig ko pa itong humagikgik at muling humalik sa pisngi ko bago umalis mula sa pagkakaupo sa tiyan ko. Dahan dahan akong umupo at sinandal ang ulo sa headboard ng kama, antok pa talaga ako.
"Wake up ate! let's eat breakfast! Tita Avis cook for us!" breakfast my ass.
Umiling ako dito at muling nahiga. "Hindi ako sasabay baby, sige na, mauna na kayo." sabay subsob ng mukha sa unan.
"But ate, Tita Avis said wala akong ice cream kapag hindi kita kasamang lumabas." ang kaninang masigla nitong boses ay napalitan ng lungkot. Ang propesora na yun talaga. Mautak.
"I'll buy you your own ice cream shop baby, let me sleep please,"
"I don't want to," her voice broke.
Naman oh. Hindi ko na sana siya susundin ngayon dahil nga mabigat ang pakiramdam ko pero bakit nasa kasarapan palang ako ng pagtulog siya naman itong madadatnan at bigla biglang mandadagan sakin tapos napag-utusan pang gisingin ang natutulog kong diwa. Kailan ba ako makakatulog ng payapa?
I heave a deep and heavy sigh before getting up again to face her.
"I'm coming na, hmm? wag na iiyak, come here," I extend my arms to hug her.
"Lets go?" tumango ito kaya binuhat ko na siya palabas.
Dumiretso kami sa banyo dahil ayaw ko namang makita ni Maam ang bangag kong pagmumukha baka magtaka siya kung bakit, sabihin pa niya sobrang apektado ko sa ginawa nila sa gilid ng kalsada which is totoo naman. Nakakawalang gana, sa totoo lang. Halos iyon lang ang laman ng utak ko kagabi at patuloy lang sa pagreply.
Sana pala nagstay nalang ako sa sanctuary ko edi sana hindi ako nakakita ng nagtutukaan sa gilid ng kalsada diba. Wrong move. Tsk tsk.
Binaba ko muna si Eli at walang ganang naghilamos ng mukha.
"You look like a panda po Ate." komento ng duwende sa gilid ko habang nagto-toothbrush ako dahilan para mapatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Napanguso ako.
Tama siya, but that's okay, let the concealer do the work.
Mabilis kong tinapos ang ginagawa baka kasi naghihintay na yung pinag hintay lang naman ako ng apat oras. Don't get me wrong ha, I think my feelings are valid din naman and no one deserves to wait for nothing.
Pagpasok namin sa kusina ay walang emosyong mukha ni Miss Ramirez ang bumungad samin. Halatang bagot na bagot partida wala pang isang oras yun ah. Nakahanda na rin ang mga pagkain kaya marahan kong ibinaba si Eli sa tabi ko at walang imik na umupo rin sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Our Impending Sunset (On Hold)
RomanceShe's my strength that made me gave up on everything, my medicine who made me feel thousands of pain. -Zhavrielle Ryuu Celeste [UNEDITED] Date started: 07-12-2022 Date finished: ---