Chapter 09 - Finger

4.9K 161 59
                                    

"May chika ako."


"Wews mosang."


"Dun ka nga naalibadbaran ako sa mukha mo."


Tahimik akong nakikinig sa bangayan nila. Ang iingay ang aga aga. Parang mga bata. Nakatambay kaming lahat dito sa canteen habang naghihintay ng kaniya kaniyang naming first subject.


"Spill the tea mare." si Sage.


"So eto na nga," sabi ni Ilog with accent pa talaga ng isang marites.


"Bilisan mo naman." si Klay.


"Teka iniisip ko pa."


"May isip ka?" sabat ni Nova.


"Naneto."


"Ewan ko sayo."

 

"Pabitin ampota." sabi naman ni Klay.


"Eto na! eto na! naisip ko na!" sigaw ni Ilog. Napatayo pa siya. Pinagtitinginan tuloy kami dahil sa kaingayan niya.

"Pucha sabihin mo nalang Ilog daming alam." pagsusungit ni Zella.


"Di makahintay girl? eto na nga e."


"Faster Ilog. Ah ah." usal ni Ven naikinatawa ko.


"Pasmado ka girl?" natatawang sabi ko. 


"May bagong chix na teacher daw na papalit kay Mr. Abalos." 


"Gago?! adviser niyo yon diba Avi? Sage?" namamangha silang na patingin saming dalawa. 


"San mo narinig yan Ilog? baka fake news ka." usal ni Sage. 


"Diyan lang sa tabi tabi." 


Ako naman ay hindi makapaniwala. Malay ko ba. Second day of classes palang naman.


"Klay tara lipat course, second day palang naman." si Ven.


"Gago. Pwede rin."


"What happened to Mr. Abalos?" I asked out of curiosity. 


"Sosyalin."


"Naks englisher."


"Englisherist yon tanga."


"Pake mo ba."

Our Impending Sunset (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon