"Ma'am? here's the copy of your new schedule."
The staff kindly handed me the paper that I gladly accepted. Nagpasalamat ako bago siya umalis tsaka muling nagpatuloy sa pagtutok sa laptop.
My agenda for today is matapos yung pinapa-compose na kanta for commercial. Hindi naman totally na ako yung gagawa kasi kailangan ding i-finish ng ibang katrabaho namin iyong magiging gawa ko. Maikli lang naman iyon kaya kayang kaya tapusin 'to hanggang ngayon.
I'm with my manager and Isla nga pala. Pero si Isla walang ginawa kundi dumada at magchismis sa tabi ni Ms. Selene, kalakas talaga e.
"Zhavrielle Celeste mag-update ka naman sa IG mo, kahit paa lang ni Xi masaya na ako." ani ni Isla na kala mo typewriter kung bumigkas. Napa-tsk tsk pa ang baliw, kanina pa siya nagbabasa ng mga twts at hindi ko nalang pinapansin dahil halata namang busy ako.
"Z, kung ang multo ay ghost at ang ghost ay multo bakit hindi ka na nagparamdam?"
Napaside-eye ako sa narinig.
"Luh? ate Z, parang nawawalang mga bata 'tong mga ito. Mag-update kana kasi! masyado mo silang pinag-ooverthink eh." umiling-iling pa ito sa akin tsaka muling nagbasa ng mga twts about sa amin.
"Ito last makinig kang mabuti." she literally faced me this time na akala mo napaka importante at seryoso ng sasabihin niya napahinto tuloy ako sa pagt-type. "Ryuu, it's been a while since your last update. We hope you're doing well right there and if anything happens just remember that we're right here lang for you, always. We miss you so much."
"Hala ka teh! ayan na ang sign tigil mo muna 'yan! Haha!"
"Miss na miss niyo ko ha." I smirked to myself and I can't help but feel touched by their remarks.
Isla made me stop working for a while. Kung hindi dahil sakaniya hindi ko pa malalaman na parang missing in action na pala ako sa mga fans namin so I decided to take a picture and have my 30 minutes break muna.
I placed the laptop on my lap and wore my cap then angled my phone on top of my head just enough para makuhanan ang buong katawan ko. Once I captured the right photo I immediately posted it on my IG story tsaka pinatay ang phone at sumimsim sa ice coffee na bigay ni Ms. Selene.
Rinig ko ang pag-vibrate ng phone ko dahil sa sunod sunod na notifications pero mamayang before nalang ako matulog ko sila titignan.
"Miss Selene?" agaw pansin ko sa manager namin busy rin sa pagdutdot sa cellphone.
"Hmm?"
"Sa'n ka po bumili nitong kape? ang sarap." puri ko sa bigay niyang kape.
Ewan ko bakit ang bait niya ngayon tapos ako lang meron, nagrereklamo pa nga si Lavender na bakit ako lang daw meron e hindi naman siya nagkakape.
"Pinabigay lang din 'yan, hindi ako ang bumili." halata ang bahagyang pag-angat ng dalawang sulok ng labi nito kaya hindi maiwasang maguluhan.
"Nino po?"
"Aba magtatanong pa, basta inumin mo nalang. Safe na safe naman 'yan!"
Hala siya? I shrugged it out nalang baka trip ako ni Ms. ngayon.
Continuous ang trabaho namin since makauwi kami galing Cebu. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ko dahil hindi na nagtatagpo ang landas namin nung pulang buhok- I mean nung CEO or malulungkot- and bakit ako malulungkot? there's no way.
BINABASA MO ANG
Our Impending Sunset (On Hold)
RomanceShe's my strength that made me gave up on everything, my medicine who made me feel thousands of pain. -Zhavrielle Ryuu Celeste [UNEDITED] Date started: 07-12-2022 Date finished: ---