"Miss totoo po bang merong magaganap na event this upcoming foundation anniversary ng university?" tanong ko habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.
I need a confirmation baka kasi mamaya jinojoke time lang pala ko ng babaeng 'yon.
"Hmm-mm." tumango ito. Saglit pa akong natigilan dahil sa paraan ng pagsagot niya. Grabe yorn. Ang tipid na nakakaakit. Chz.
"If sasali po ako, sa tingin mo may chance po kayang makuha ako ng isa sa mga manager na manunuod?" curious na tanong ko. I don't know why but I have this feeling na gusto kong mapili.
"Why? Are you planning to join some of the events?" sagot niya pabalik.
Napakamot ako sa batok ko dahil hindi ko sure. Wala namang mawawala kung itatry. Tsaka may point naman si Cia sayang opportunity and base na rin sakaniya once in a blue moon lang nangyayari 'yon kaya baka may possibility na sumali ako. Ang kaso nga lang wala akong tiwala sa sarili ko. Lols.
"Oo?" hindi siguradong sagot ko.
"That's great, you have the talent so I'm sure you can own the crowd even by just standing on stage and doing nothing," she replied and wiped the side of her lips with the cloth, tapos ng kumain.
"Kaya sayo ako Ma'am e." napangiti ako sinabi niya ngunit inirapan lang niya ako.
That is what I need, support and motivation. Lalo na galing pa sakaniya. Mas lalo tuloy akong na motivate sumali.
Nagsimula ng mamumo ang mga ideya sa utak ko kung ano bang gagawin ko sa araw na iyon. Medyo may katagalan pa naman ngunit mas maganda kung mas maaga para mapag handaan ko pa.
Marunong akong kumanta, libangan ko nga 'yon e. Marunong din naman akong tumugtog. Marunong din akong sumayaw kaya lang kung iyon ang gagawin ko baka mag mukha akong bulate na inasinan. Kaya wag nalang.
I mentally shook my head dahil sa kalituhan. Mamaya ko na iisipan ang mga iyan pero now dapat ineenjoy ko ang moment.
"Ma'am, punta ba tayo sa place ko later?" tanong ko.
"Let me think about it,"
Napanguso ako. "Busy ka ba, Ma'am? I can just cook dinner for us sa apartment if you want naman. Sabihin niyo lang po kung anong gusto niyo, I'll cook it for us.
I waited for her response but she didn't, tumayo siya kaya napa-angat ako ng tingin. Tumungo siya sa mini ref saka tumuwad nang bahagya na parang may kinukuha at dahil don ay napa iwas ako ng tingin.
I unconsciously cleared my throat. Bumaba lang ang tingin ko nang nasa harapan ko na siya. She put the mineral water bottle in front of me without uttering a word tsaka bumalik sa pagkakaupo sa swivel chair.
"Drink."
"M-maam?" I stutter.
"Drink, I suppose you haven't drunk yet. Going back, I want something bitter tonight." she shrugged
"Okay." sabi ko at binuksan ang water bottle na nilapag niya kanina tsaka dahan dahang uminom at napako ang tingin sa kung saan.
Sana pumayag siya na pumunta kami parang gusto ko pa naman manuod ng sunset ngayon. I want to feel the calmness. I want to feel the calmness with her. Hindi na ko nag-iisa ngayon though dati rin naman. Hindi na ako nag iisa kaya bubulabugin ko tahimik na mundo ni Ma'am.
Iba siya, iba kasi siya sa mga kaibigan ko. Obvious na obvious naman. Panay katarantaduhan lang gagawin ng mga 'yon sa place ko if ever na dalhin ko sila ron so napepredict ko na hindi magiging relaxing kapag nandun kaming lahat. Gusto ko silang isama pero 'wag nalang. There's always time for next time naman.
BINABASA MO ANG
Our Impending Sunset (On Hold)
RomanceShe's my strength that made me gave up on everything, my medicine who made me feel thousands of pain. -Zhavrielle Ryuu Celeste [UNEDITED] Date started: 07-12-2022 Date finished: ---