Chapter 10 - The sunset is beautiful isn't?

4.7K 163 84
                                    

"Siguro ma'am kung kumikita lang ng pera sa pagiging masungit bilyonaryo kana." sabi ko ng hindi tumitingin dahil nagsusulat ako.


"Shut that beautiful mouth of yours if you're just going to say stupid things."


Eto ang gusto ko kay Ma'am eh, galit pero pinupuri niya pa rin ako hahahha kaya lagi kong iniinis para dama ko ang pagiging maganda.


Ngayon ay sabado. At nagbobonding kami ni Miss Ramirez. char. Asa pa ko e taong bahay yata tong si Ma'am.


Nasa living room kami. Ako nakaupo sa carpeted floor at gumagawa ng mga requirements. Siya naman seryosong nanunuod sa Netflix habang naka crossed arms pa. 


Lumipas ang isang linggo na normal naman lahat. Pwera lang sa pagiging masungit ni Miss Ramirez. Lagi rin akong nakatambay sa office niya pagvacant ko. Hindi naman siya umaangal kahit lagi ko lang siyang iniinis. Isang linggo na rin ako ang pinagbubuhat niya ng gamit niya. Nasanay nalang din ako. 


Sa loob ng isang linggo mas lalo lang akong humahanga sa kagandahan niya at skills niya sa pagtuturo. Hindi ko talaga mapigilang hindi siya purihin dahil ang pro niya magturo plus point pa yung charms niya. 


Double kill. 


Maayos din siyang kasama sa apartment. Wala pa naman akong reklamo so far. Hindi ko pa rin sinasabi kila Sage. Hindi pa kasi ako makahanap ng tamang tiempo at sa tingin ko ay hindi naman big deal yon. 


Naalala ko yung bagong palit na adviser namin. Si Miss April. She wants us to call her in her name daw. Ayaw niya raw ng Ms./Ma'am Abalos dahil napapangitan daw siya. 


Sarili niyang surname ikinakahiya amp. 


Kung nagtataka kayo, yes. Kapatid siya ni sir. Magaan lang din siyang kasama parang si Miss Glads lang kaya madali rin kaming naging close. 


Kaya pala sinabihan kaming magbehave ni Mr. Abalos ayaw ata niyang mastress si Miss April samin.


Naramdaman kong nagvibrate at umilaw ang phone ko ngunit hindi na ko nag-abalang tignan pa dahil busy ako sa sinusulat pero sadyang makulit ang nagtetext sakin dahil naging sunod sunod ang tunog non.


"Silent your phone Celeste if you're not going to answer one of those text." napatingin ako kay Ma'am ng magsalita ito na hindi tumitingin sakin.


Napakamot tuloy ako sa batok bago ito kinuha at tignan kung sino ang lintek na text ng text sakin. Hindi pala text chat pala. 


Napakunot ang noo ko ng mabasa ang name ng gc. 


*MGA DEAD SKIN NI SAGE*


Sage: @River Hoy Ilog may sasabihin ako.

River: Sino ka?

Sage: Iniri ako hindi ako sinuka bobo.

Our Impending Sunset (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon