Chapter 30 - Concerned

4.7K 214 115
                                    

Tumabi ito sakin. I can't move a single muscle. Gusto kong lumayo ngunit traydor ang puso ko. Marami akong gustong sabihin ngunit ayaw bumuka ng bibig ko.

Nandito na siya pero pakiramdam ko ang layo niya pa rin sakin. Maaliwalas ang mukha niya. She looked refreshed and so calm.

"Hey,"

Napailing ko ng muling marinig ang boses niya. Tatayo na sana ako ngunit hinawakan niya ko sa braso kaya napaupo ako pabalik sa sofa.

"It's been a week, how are you?"

May gana pa siyang magtanong niyan? after lying to my face? may sagot na ko, eh, ano na naman 'to?

Nanatili akong nakatingin sakaniya. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin ng hindi naaalala yung mga nangyari nung nakaraan.

"Are you just going to stare? that's so rude of you," she uttered with furrowed brows.

Ayokong magpadala sa nararamdaman ko kaya hanggang maari hindi ako nagsasalita. Baka kung ano ang masabi ko na pagsisihan ko na naman sa huli. Think before you talk, Zhav.

"I-I'm just tired, ma'am. Excuse me."

I stood up and decided to go to my room. Thank goodness she didn't stop me this time. Nakahinga ako ng maluwag nang malagpasan siya.

Why the hell does the living room feels so narrow? for now I can't stand sitting beside her. I'm moving on here, hello?

I slept with too many thoughts running inside my head. Maaga rin akong umalis para hindi maabutan si ma'am. But it was useless 'cos she was now our professor. Bumalik na pala siya.

I was just doodling randomly on the back of my notes when she called me. She even asked me to come in front! Napangiwi ako at tahimik na tumayo.

"Give back to the owner," she handed me a bunch of papers.

Tumango ako at tahimik na kinuha ang mga papel na hawak niya. Bahagya pa akong natigilan ng magdikit ang kamay namin. I choose to ignore it and proceed to distributing the paper.

Nang matapos ang first period nauna talaga akong lumabas. Inayos ko na nang maaga ang mga gamit ko para isang hablutan nalang sa bag.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Noong mga araw na wala siya hinahanap hanap ko ang presensya niya, ngayong nandito na siya ayaw kong nasa malapit siya. Hindi ko na alam. Ang gulo talaga ng mga babae.

We're at the library.

"May notes ka ba nito, Zhav?" Sage asked, napahinto ako sa pagt-type at tinignan ang sinasabi niya.

"I'll send it to you." I plainly uttered and continue to what am I doing.

Narinig kong may nagtext sa phone kong nakalapag lang ngunit hindi ko iyon pinansin. I was making reviewer for our upcoming exam. Habang si Sage tinatapos yung isang activity na nakalimutan niyang gawin.

I was wearing thin rectangular specs dahil sumasakit ang mata ko kapag matagal na nakatutok sa laptop.

Muling tumunog phone ko kaya't inis akong napatingin dito. But I was stunned when I saw who texted me.

R_AvisRamirez sent you a message...

Ilang segundo akong napatitig doon at hindi alam ang gagawin. Ano ba, ma'am. Hayaan mo muna ko, pls.

Ngunit muli itong nagtext dahilan para mapapitlag ako. Wtf.

"Buksan mo na, Avi, para kang tanga dyan." nang tignan ko si Sage ay nakatutok lang ito sa ginagawa niya.

Our Impending Sunset (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon