*Kriiinnggggggg!*
My soul got awaken by the alarm. Dahan dahan akong tumayo at napakusot ng mata bago patayin iyon. Napasandal ako sa headboard dahil hindi pa nag-f-function nang mabuti ang utak ko.
Matapos ang ilang minutong pag titig sa kawalan at napasapo nalang ako sa magkabilang pisngi gamit ang dalawang palad sabay iling-iling para gisinging mabuti ang diwa ko.
Napabusangot nalang ako dahil ayoko pang bumangon. Antagal naman matapos nitong linggo na 'to. I can't wait for the weekend.
Muli akong huminga at tumagilid para yakapin ang favorite plushie ko. Gusto ko pa matulog. Quarter to six palang naman at alas otso pa ang first subject namin. Hindi ko nga rin alam kung bakit andaming unecessary alarms ang naka on sa phone ko.
I was so close to closing my eyes when I heard a soft knock to my door. Noong una ay hindi ko pa iyon pinansin dahil baka guni guni ko lang dahil nga antok pa talaga ko. Pero nang maulit ito at may kasama ng mahihinang pahsigaw ay mabilis pa sa alas kwatrong napatayo ako. Anak ng.
"I'm coming!" kamot batok pa akong tumayo at naglakad para pagbuksan si Ma'am. Ano na naman kayang problema ni Ma'am? kay aga aga e, buti nalang gising na ko.
"Morning, I thought you're still asleep," bungad nito matapos ko siyang pagbuksan ng pinto.
"Good morning, Miss, uh, well as you can see I'm awake, ano po 'yon?"
"I'm making breakfast, you can take a shower first."
I didn't say anything and just watch her facial expression. The side of my lips rose dahil napansin kong parang nahihiya siya at hindi alam kung saan titingin. What a great moment to start your morning.
"Stop staring." she glared which cause me to smile widely.
Naiinis na naman siya, wala naman akong ginagawa, eme. "Relax ka lang, Miss, mahaba pa ang araw, huwag mo ako masyadong seryosohin, ikaw seryosohin ko diyan, sige ka."
"Quit being too creepy, jeez." humalukipkip ito sa harap ko.
I giggled because of her remarks. "Oops, sorry, can't help it kasi e," I said in a conyo tone with konting kaartehan or should I say in a flirty tone. Then I looked straight into her eyes to indicate that I was telling the truth. No need to say it verbally, that's not my thing. Hehe.
"Anyways, aside from being effortlessly fresh and pretty this early morning, what else do you need, Miss?" hindi ko na siya hinintay pang makapag side comment pang muli dahil nagsalita na ulit ko.
Nararamdaman ko na rin kasing nagwawala na ang mga alaga ko kaya it's better to feed them early. May ilang minuto na rin kasi kaming nakatayo dito sa tapat ng pinto.
"Nothing, that's all."
"Okay then, maliligo na muna ako." I smiled at her and she nodded as a sign that she agreed.
Nauna siyang tumalikod kaya tumalikod na rin ako but when I was about to go inside narinig ko pa ulit siyang magsalita kaya napatigil ako.
"Milk or coffee?"
Humarap ako sakaniya habang hawak ang door knob. "Milo po."
Nanliliit ang mga nito sakin.
Hindi niya alam 'yon? "Uh I mean, hot choco." sagot ko pang muli. Muntik ko pang makalimutang yayamanin pala 'tong roommate ko.
Kumalma naman ang expression ng mukha niya sabay tango at naglakad na papuntang kusina. Napakamot nalang ako sa batok at pumasok na rin sa kwarto para kuhanin ang towel.
BINABASA MO ANG
Our Impending Sunset (On Hold)
RomanceShe's my strength that made me gave up on everything, my medicine who made me feel thousands of pain. -Zhavrielle Ryuu Celeste [UNEDITED] Date started: 07-12-2022 Date finished: ---