"Alright!!!"
"Chibugan naaa!"
"Yummy hatdog may tomeh!"
"Akin yan par! pot-"
Nawalan talaga ako ng gana kanina but seeing them like this mas lalong nakakawalang gana, joke. Seeing them like this can literally influence my mood. They somehow make my mood light up by their stupidity and dumbness. Hindi ko alam pero ganyan siguro pag nasanay kana sa presensya nila, makita lang silang naggagaguhan, nagtatawanan, at naka ngiti ay parang kusa na ring kukurba ang iyong mga labi. Basta nakakahawa sila.
"Ano pang tinutunganga mo diyan, Aviang?! ayaw mo ba??" nag-aalalang tanong ni Ven.
"Anong ayaw e ako pumili niyan?" taas kilay kong sabi, napakamot naman siya sa ulo.
"Ano ba kasi ginawa ni Miss Ramirez sayo?" tanong din ni Sage sabay kagat sa chicken burger na hawak niya. I saw how Zella and Nova nod their heads, they must me curious too.
"Kaninang iniwan kita sa classroom parang nang-aasar ka pa na natatakot, ngayong bumalik ka, ang tamlay mo naman, tell us, did Miss Ramirez do something to you?" seryoso ang tono nito sa pagtatanong.
Inikot ko ang buong paningin ko sa table namin. Lahat sila ay nasa akin ang paningin at nakita ko pang sabay na tumango tango si Zella at Nova na parang nacucurious din kung anong nangyayari sakin.
I sighed and shook my head then gave them an assuring smile.
"Walang nangyari, sa pagkain kayo magfocus huwag sakin." I said to them instead.
"May point." sambit ni Ilog. "Naknampu-masakit hoy!" nakatanggap siya ng isang malakas na pagbatok mula kay Ven.
"Puro ka kasi pagkain dapat lang sayo yan." gatol pa ni Klay.
Kahit saan talaga 'tong mga 'to, walang kasawaan sa bardagulan. Napailing nalang kaming apat nila Sage at nagpatuloy sa pagkain.
Yes, it's lunch time already pero heto malalaking burgers, fries, ice creams, at soda ang mga kinakain namin. It's because sawa na raw sila mag rice, ang layo ng reasons nila pero dahil may "atraso" kuno ako kay Sage ako ang nagbayad, sila namili. Wala namang kaso sakin 'yon basta kung saan sila masaya ron ako.
While chewing my food I looked around the cafeteria. Maraming tao, lahat may sariling mundo, pero ang nakaagaw talaga ng atensyon ko ay ang table mga professors. They're all dining at one long table just like usual. Miss Glads even wave her hands to me but I just nod my head, even the freshmen Professor and Miss April are there.
Kusa siyang hinanap ng mata ko pero she's not there. Maybe she's having some lunch with that Oliver again.
Hindi ko muna siguro siya iisipin kahit ngayong lunch lang. Tama, ilang minuto lang naman e. Para rin naman sakin to.
Nakakahiya talaga yung nangyari kanina, wala talagang pinipiling oras ang pag-atake ng anxiety. Thank goodness Miss Ramirez- ngek. Just what the hell. Kasasabi ko lang, right? Anyways, I can still feel her warmth towards me. I can still feel her body being pressed on mine.
I just can't believe what a hug can do kung alam ko lang na ganon pala kasarap sa pakiramdam kapag may yumayakap ay baka matagal ko nang nailabas ang clingy side ko sakanila. Matagal na rin kasi simula nung may huling yumakap sakin, kaya siguro ganyan nalang ang epekto sakin.
Infairness, ang huggable ni Miss Ramirez sa tingin ko nga ay hahanap hanapin na ng katawan ko ang yakap niya. It just happened once and it will be my pleasure to make it twice, even if it meant my anxiety attacks.
BINABASA MO ANG
Our Impending Sunset (On Hold)
RomanceShe's my strength that made me gave up on everything, my medicine who made me feel thousands of pain. -Zhavrielle Ryuu Celeste [UNEDITED] Date started: 07-12-2022 Date finished: ---