Nang na kami maglaba, nadryer na namin Saka sinampay. Wala pa ding umiimik sa amingdalawa dahil sa nangyari.
Ang unexpected. Masyado kaming magkalapit sa isa't isa kanina.

"Mga anak, tara na, kain na tayo ng tanghalian" Saad ni Nanay Imelda nang makita niyang tapos na kamisa pagsasampay.

Agad kong kinuha ang batsa na pinaglagyanan ng mga nalabhang damit Saka ko pinatong sa washing machine. Nauna na Si Harris sa loob at ayos lang sakin yon. Hindi kami nag iimikan. Siguro nagulat din dahil nasanay siyang kaming magkalayo.

Nangmakapasok ako sa loob ng bahay, kumakain na si Harris pati si Nanay. Naglakad ako palapit kay Nanay atdun umupo sa tabi niya.

Hindi umiimik Si Harris kaya hinayaan ko nalang muna, isa pa, kumakain kami kaya Okay lang din, Isa na din itong dine etiquette.

Nang matapos na kami kumain Sinabi ni Nanay na maglilinis muna siya ng mga kwarto, at iwan muna daw kami Saglit ni Harris tutal ngayon ay magkasundo na kami.

Magkasundo? I don't think so.
Agad kong niligpit ang mga pinagkainan namin at nilagay sa sink saka naman siya pumunta sa sala.

Ewan ko ba bakit napaka feel at home netong Ialaking to, kailan ko lang naman siya nakilala.

Siguro dahil magkaibigan ang mga magulang ko at magulang niya kaya ganyan umasta. Okay nga lang kay Mama at Papa na pumasok dito sa bahay ng walang katok katok sa pinto e.

Naghugas na aka ng pinagkainan namin habang naghahum ng kanta.

Nang maisalansan ko na ng mabuti ang mga pinagkainan namin, halos mapasigaw ako sa gulat dahil pagkaharap at pagkaharap ko ay ang lapit ni Harris sakin.

"Damn it!" Halos mawalan aka ng hininga dahil sa sobrang lapit niya.
Mas lalo pa akong kinabahan dahil lumapit Siya.

"What the fvck are you doing?" Nakakunot ang noo ko, habang siya taimtim lang na tinititigan ako at papalapit nang papalapit ang mukha niya.

"Bear me this time, Faith" Saad niya.
Ang lapit ng katawan niya sakin, hindi ko alam kung ano ang irereact ko, dahit parang binuhusan ako ngmalamig na tubig at tuluyan nang nanigas. 

Di ko namalayang dumampi na pala ang labi niya sa labi ko, mabagal ang paggalaw ng labi niya   ay hindi pa din makakilos.
Ang Iambot, pakiramdam ko naging komportable agad aka sakanya lalo pa at nasanay na akong kasama siya.

Nang mahimasmasan ako ay bigla ko siyang tinulak ng malakas, halata ding nahimasmasan siya sa ginawa niya kaya parang kinabahan siya habang tinitignan
"Ang kapal ng mukha mo” wala sa sarili kong sumbat ko habang hawak hawak ang labi ko.


Damn that was my first kiss.

Bigla akong naiyak dahil don hindi ko alam kung bakit. Dahil na rin siguro sa takot kong malapitan ng ibangtao Ialo na hindi ako komportable pero ginawa niya pa din.


"Why did you do that?" Naguguluhang tanong ko ngunit punong puno ito ng takot at galit.


"Why did you fvcking do that?!" Sigaw ko sa mukha niya. Hindi siya umimik, nakayuko lang siya at hindi makatingin sa mga mata ko.


"A-alam mong takot ako sa tao hindi ba?"
"Alam mo hindi ba?! Bakit mo ginawa yon ha! I know it's fucking weird and at the same time ang OA pero wala ka sa posisyon ko" napaiyak ako.

"You just kissed me without permission, plus I have fear to those people I'm not comfortable with. Ang kapal ng mukha mo" dagdag ko. Akma akong aalis sa Dining Room ngunit pinigilan niya ako.

"I'm s-sorry ! --- "

Sinampal ko siya ng malakas kaya napadaing siya ng kaunti.

"Hindi pa tayo masyadong magkakilala pero nanakawan mo na ako ng halik" malamig na saad ko.

"Faith -- "

"Cut it out!" Sigaw ko sa pagmumukha niya. Agad akong umalis sa Dining Room saktong parating si Nanay Imelda na halatang iniwan ang mga kwarto para makita siguro kung anong nangyayari dito.

Hinarang ako ni Nanay at pinagmasdan akong mabuti, hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luhang nagsisilabasan sa mga mata ko.

"A-anong nangyari anak?" Tanong nito.

Umiling ako.

"Pauwiin niyo na po si Harris nanay, parang awa niyo na po" saad ko. Tinanggal ko ang mga braso niyang nakahawak sa akin.

Umakyat ako sa hagdan at dumeretso sa kwarto at humiga ako sa kama.

Parang tanga. Hahalikan ako ng walang rason.

Iwas so confused.Why did he just did that without reason? Ano yun? May sumanib sakanya na malademonyo at inutusan siyang halikan ako? Imposible naman mangyari yon dahil sa wattpad lang yon nangyayari. Tssss.

Nagdaan ang Linggo, puro facebook lang ang atupag ko, sayang naman kung hindi ko gagamitin ang wifi na pinakabit nila papa.

Hindi pa din matanggal sa isip ko yung halik na yon. Ewan ko ba! Naiinis ako sa tuwing naaalala ko.

Sa ngayon, nandito na ako sa school, kakataposlang ng first subjectnamin.Maymga gustong kumausap sakin ngunit hindi ko sila pinansin. Kesyo masungit daw ako, kesyo snob.

Edi kung alam lang nila pinagdaanan ko, baka maiyak sila sa harapan ko.

Sinawalang bahala ko nalang lyon. Dahil wala pa namang susunod na klase dahil may isang oras pa bago ang susunod, niligpit ko na ang mga gamit ko at sinalansan sa bag ko.

Gusto ko mapag-isa kaso wala akong makitang lugar pagtambayan. Napapadyak ako sa frustration. Bakit kasi sobrang crowded ng school na to? Sa sobrang crowded hindi ko alam kung may lugar ba dito na tahimik lang e.

Gusto ko sana na maghome study ngunit takot din ako kasi mangingilalananaman ako ng tao.

Takot din naman ako sa crowded places pero mas nakakaya ko to kesa may lumapit sa akin. Pakiramdam ko sasaktan nila ako.

Biglang tumunog ang cellphone ko, nakalimutan ko palang patayin ang data, biglang nag pop ang notificationko.

John Harris Dela Vega sent a message. Napatigil tuloy ako sa paglalakad saka napakunot ang noo. Problema nitong lalaking to? Binuksan ko iyon at binasa ang message niya.

"I'm sorry"

Napairap ako. Bahala ka jan.

Pinatay ko ang data ng cellphone ko saka ko to isinuksok sa bulsa ko.

Nang makarating ako ng cafeteria, madamibg tao kung kaya't umakyat nanaman sa katawan ko ang kaba pero tinapangan ko dahil nakaramdam ako ng gutom.

Nang klaro na ang linyahan, pumunta na ako sa counter at bumili ng pagkain. Pagkatapos non, naghanap agad ako ng mauupuan.

Mabuti nalang at may nakita akong bakante kaya agad agad kong nagtungo roon.

Mapayapa akong kumakain kaya naman nang dumating si Harris ay nabilaukan ako.

Agad niyang binigay ang tubig saka pinainom niya sakin agad.

"Dahan dahan kasi,para namang mauubusan ka ng pagkain" saad niya

Hindi ako umimik. Parang hindi ko siya kilala at hindi siya nag eexist.

"Bili lang ako ngpagkain, dito ka muna" saad niya ngunit hindi pa din ako tuumugon.

Bahalaka jan. Kapal ng mukha mo.

Pagdating niya ay katatapos ko lang kumain.

Agad kong kinuha ang mga libro at bag ko saka umalis sakanya ng walang paalam.

"Faith sandali!" Sigaw niya, saka niya ako hinawakan sa braso.

Tinignan ko lyon ng matagal saka tumitig sakanya ng malamig. Agad niyang binitawan ang braso ko saka siya napalunok, at tumayo ng matuwid.

"Sorry" sambit niya.

Hindi ako umimik, umalis ako don at iniwan siya mag isa.

Pagkatapos ng klase ng hapon, agad kong kinuha ang mga gamit ko at isinalansan ng maayos saka nauna ng umalis.

Mahirap na, baka madatnan ko si Harris sa tapat ng room.

Pagkalabas ko ay nauntog ako sa isang napakatigas na bagay, akala mo hollowblocks. Pag-angat ko ng tingin ay si Harris nanaman.

Nakasanayan na kasi nito pumunta sa tapat ng room namin lalo na pag uwian dahil sabay kami.

"Nextime wag kang humarang sa daan" matabang na salita ko.

Nawala agad ang ngiti niya sa mga labi niya saka tumingin sakin ng seryoso.

"I'm sorry" saad niya.

Nilagpasan ko siya at binilisang maglakad, ngunit hinarang niya ako sa lalakaran ko. "Ano ba?!" Inis na saad ko.

"Hindi ako titigil hanggang sa hindi mo ako napapatawad" sinserong saad niya.

"Suit yourself" umirap ako sakanya saka siya nilagpasan.

"Faith please -- " harang niya ulit.

" Tigilan mo ako" saad ko saka ako naglakad palayo.

Martes

Naglalakad ako papunta ng locker dahil may kukunin akong mga gamit para sa susunod na subject namin. Nang may nahulog na maliit na piraso ng papel kaya kyuryoso ko itong pinulot.

"I'msorry"

-Harris Pogi. Napairap ako. Bahala ka jan.

"Hi beautiful"

Napasara ko agad ang pinto ng locker dahil sa gulat.

"Ay jusko marimar tang ina ka" pagmumura ko.

Napatawa siya ng bahagya.

"Did you see it?" Saad niya.

"Yeah." Walang ganang saad ko.

"I have to go. Bye" saad ko. Hindi ko talaga kaya nang sobrang lapit niya sakin.

"Faith naman" saad niya pero nagtuloy tuloy ako sa paglalakad.

Miyerkules

Habang hinihintay ang teacher nagscroll muna ako sa facebook ko nang nagpop ang isang notification. Buti nalang at nag install ako ng messenger kagabi kaya hindi na ako nahirapan.

"Nandito ako sa labas"messageniHarris. Agadakongnataranta kayanaman pumunta ako agad sa labas ng room.

Pagkarating ko ay pinagtitinginan siya ng ibang babae at ang iba naghahagikgikan sa gilid.

Sige lang, kiligin lang kayo, tignan ko kung papatulan kayo niyan. Natawa ako sa iniisip ko.

Bahagya akong lumapit ngunit nagbigay pa din ako ng espasyo hindi katulad sakanya na hindi uso ang salitang space.

"Ginagawa mo dito?" Mataray kong tanong.

"I just want to see you" ngiti niya. My heart skipped a bit. Pero sinawalang bahala ko lyon.

Umirap ako sakanya kaya tumawa siya ng bahagya.

"I don't want to see you" tugon ki saka humalukipkip.

"I'm sorry" saad niya. Umiling iling nalang ako.

"Bumalik ka na don. Sakana tayo mag usap. Mainit pa ulo ko sayo" saad ko saka ko siya tinalikuran at pumasok sa loob ng room.

Huwebes

Kumakain ako dito sa cafeteria dahil lunch time na. Nakakapagod din dahil may mga long quizes kami kanina, mabuti nalang wala akong maling sagot. And it went out smoothly.

Hindi nga ako nahirapan sa mga tanong.

Bumalot ang matinding kaba sa buong katawan ko nang may umakbay sa akin. "Hey beautiful" saad ni Harris.

Marahas kong inalis ang kamay na nakaakbay sakanya at umusog ako palayo.

"Don't even touch me" saad ko. Saka nagpatuloy kumain.

"Sorry na kasi. Ano ba dapat gawin ko para mapatawad mo ako? Kelan mo ako papatawarin?" Puno ng pagpapaawa ang boses niya.

"Wala. Hayaan mo ako" saad ko. Nandun lang siya sa tabi ko habang kumakain at wala akong pakialam. Hindi na din siya umiimik.

Pagkatapos ko kumain, umalis ako agad ng walang paalam kahit nakaupo pa din siya doon.

Biyernes

Naghihintay kami ng susunod na subject dahil 15 minutes late na yung prof. Ang rule dito sa school pag wala pa ang teacher for 15 minutes, wala nang klase. Tinadtad ako ni Harris ng chats ngunit wala akong nireplyan kahit isa.

"Nandito ako sa labas" message niya.

Napaingit ako sa frustration. Ang kulit!

Lumabas ako nang nakakunot ang noo at humalukipkip nang nasa harap na niya ako.

"Ano kailangan mo?" Saad ko.

"Sorry na" pagmamakaawa niya.

"Alam mo? Ang kulit mo, pwede ba lubayan mo na ako at umarte ka nalang na parang di natin kilala ang isa't isa? Ni hindi naman kita tinuring na kaibigan" mataray na saad ko pero agad din ako natigilan dahil sa nasabi ko.

OMG, I'm too much.

Napangiti nalang siya ng malungkot.

"Ganun ba? Akala ko kasi kaibigan mo ako" saad niya.

Gusto ko siyang pigilan sa paglalakad niya palayo ngunit hindi ko pa din matanggap na hinalikanniyaako.

Siguro kailangan muna namin ng oras para sa sarili namin.

Nabigla din ako.

Pinanood ko siyang maglakad palayo sa akin. Hindi koalam pero ang weirdng nararamdamanko. Nasasaktan ako kahit tinaboy ko lang naman siya palayo.

Parang gusto kong habulin siya at bigyan ng yakap ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Naalala ko takot pala ako makipag interact sa ibang tao lalo na sa di ako komportable kaya hinayaan ko nalang muna.


A Memory to Remember (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon