After 3 subjects na nadiscuss ng iba't ibang proffesors namin, ay break time na muna, huminga ako ng malalim sa sobrang stressful ng mga subjects namin. Sunod-sunod din ang surprise quizes na mas nagpapiga ng utak ko.
"Faith" Tawag sa akin ni Glenn habang ako naman ay nagsasalansan ng mga gamit ko sa bag.
Napatingin naman ako sakanya saka ako ngumiti. Nakasuot din siya ng uniform namin, hindi na din ako magtataka kung bakit pinagkakaguluhan itong si Glenn sa school.
Kulot ang buhok niya na nagpadagdag sa charisma niya, moreno siya, mas tan lang onti ang kutis niya kesa sa akin. Siguro dahil na din babae ang pagkatao ko, kaya mejo maputi ako ng slight.
Makapal ang kilay niya, daig pa ang nakacontour na kilay ng babae tapos itim na itim, yung mga mata niya kulay brown, mas brown lang kay Harrisat yon ang pinakapaborito kong tinititigan kapag magkasama kami. Matangos din ang ilong ni Glenn, ang mga panga niya ay may perpektong anggulo kaya nagsusumigaw ang pagkalalaki niya, ang mga labi niya naman ay katamtaman lang ang kapal dagdag pa na kulay rosas ang mga ito, Matangkad din siya at parang alagang-alaga ang katawan niya dahil sa kakisigan.
Di ko nga alam kung bakit wala pang girlfriend ang isang to, e may itsura naman siya. Masyado din siyang takot sa mga babae akala mo sasaktan.
Ewan ko jan. Basta tinitilian din siya ng mga babae, kaso masyadong mailap ang isang to.
"Ano pakay mo?" Saad ko saka tumingala sakanya dahil nakaupo pa ako. Kinuha ni Glenn ang upuan sa gilid ko at pinaharap niya ito sa akin saka siya umupo doon.
"Sabay tayo magmeryenda?" Saad niya. Natawa naman ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa grupo ng mga babaeng nasa pintuan at matiim na nakatingin sa direksyon namin.
Madami-dami sila kaya nabalutan din ako ng kaba, ayaw kong mangyari ulit sa akin ang ginawa nila Philie nung JHS ako, baka hindi kokayanin. College na akotapos may bully ulit.
Prevention is better than cure.
"Glenn, may mga fan girls ka, at ayaw ko na pagtulungan nanaman ako" sincerely said. Napakunot ang noo niya sa sinabi ko tila naguluhan kaya nakuha ko din naman agad na hindi niya nagets.
"It's a long story. Why can't you join them?" Saad ko saka tinuro ang kumpol ng mga babae sa pintuan, napalingon naman agad siya doon, at nakita ko ang hagikgikan ng mga babae, yung iba kumaway pa kay Glenn, ang iba naman halos mahimatay sa kilig samantalang ang iba nilagay ang mga takas na buhok sa likod ng tenga nila, samantalang yung pinakamaganda sakanila, ngumiti lang ng mahinhin. Natawaako sa mga itsura nila, halatang gustong gusto nila si Glenn.
Hindi na talaga ako magtatakang madaming nagkakagusto dito sa lalaking kaharap ko, lalaking lalaki masyado, idagdaig pa ang karismang dala niya. Kung ordinaryo lang akong babae na as in babaeng babae ang galaw ko, katulad ng mga babaeng nasa pintuan ngayon, isa din siguro ako sa patay na patay sakanya.
Kaso hindi. Malabong mangyari. Una siga ako gumalaw, pangalawa parang hindi ako babae, pangatlo si Harris ang gusto ko at hindi siya kaya malabo talaga.
Kawawa nalang ako kay Harris kapag nalaman niyang may iba akong gusto. Knowing him? Gusto niya sakanya lang ako, okay lang naman sa akin dahil hindinamanako nasasakal sa ginagawa niya. May batok nga lang akong masasalubong kapag nangyari yon, at ayaw ko ding saktan si Harris, masyado siyang mahalaga para sa akin. Mahal ko yun kahit wala pang kami.
Napatingin ulit si Glenn sa akin na parang nagmamakaawa ang mga mata niya at nangungusap na samahan siya sa break time.
"Hindi pwede Glenn. Magagalit sakin si -- "
"Boyfriend mo?" Hindi niya pinatapos ang sinabi ko, natulala naman ako sa sinabi niya.
"Yes." Isang pamilyar na baritonong boses ang narinig ko sa likod no Glenn kaya kapwa kami napatingin don.
BINABASA MO ANG
A Memory to Remember (On Hold)
Romance"Difficulties in life are not the reasons to give up. I cried. I suffered. I failed. But those hindrances will not stop me from claiming my dreams. I fell. I stood up. Memories from my past doesn't define of who I am today." Yan ang sinasabi ni Fait...